KAHIT anong mangyari huwag kang lalabas. Panay lamang ang hikbi ni Isabel. Hinawakan siya sa mukha ni Winston at pinahid ang mga luha niya. “H—huwag kang umalis… natatakot ako Winston. Baka, baka—” “Shhhhh… baby, huwag kang matakot. Safe ka dito walang nakakaalam sa lugar na ito. Kukuha lang ako ng makakain mo at damit. Babalik ako agad basta kahit anong mangyari huwag kang lalabas.” Hinalikan siya sa labi ni Winston tapos sa noo bago ito umakyat sa hagdan pataas. Nakatingala lang si Isabel hanggang nakalabas na si Winston at narinig niyang may tinabon ito sa butas sa taas. Napayakap si Isabel sa kanyang tuhod napakabilis kasi ng pangyayari. Parang kaninang madaling araw lang magkasama pa sila ni Rodney at masayang nagkukuwentuhan. Kung kailan magkasama silang muli saka pa nangy