WALANG nakapagpigil kay Isabel at Winston nakauwi talaga sila sa kapatagan. Naki-ayon sa kanila ang gabi dahil kahit hindi abot ang kuryente maliwanag naman ang buwan. “Mag-ingat ka Winston baka madulas ka.” Paalala niya sa binata. “Huwag mo nang dalhin dito ang gagong ‘yon, ah? nagseselos ako!” turan ni Winston. Lihim na napangiti si Isabel. “Hindi na,” tugon niya. “Promise?” “Oo nga! tumingin ka sa dinaraanan mo.” Sagot niya. Humigpit ang hawak ni Winston sa kamay niya. Naging maingat sila sa paglalakad hanggang nakarating rin sila sa bahay nila. “Dito ka lang muna Winston bubuksan ko lang ang pinto.” Turan niya sa binata iniwan niya ito sa bakuran. Nabuksan niya nang walang kahirap-hirap ang pinto at bubuksan niya na sana nang biglang sumingit si Winston at laking gulat niya