HALOS mabaliw si Winston kakahanap kay Isabel. Makailang beses na siyang nagpabalik-balik sa campus at chineck ang CCTV sumakay si Isabel sa traysikel kasama si Belenda ang malala nasa hospital si Belenda hindi niya makausap dahil hindi pa nagigising. Maging sa mansyon ay nagpunta siya pero hindi naman daw pumunta doon si Isabel. Muli na naman siyang nagpunta sa pinangyarihan ng krimen pero walang bakas ni Isabel. Pagtingin niya sa oras ay madaling araw na hawak niya ang phone ni Isabel binigay ito ng pulisya sa kanya kanina. Ang gamit na lang ni Isabel ang nakuha niya hanggang ngayon wala pa rin balita sa dalaga. Napaupo sa semento si Winston napahilamos sa mukha at gulong-gulo. Napapaiyak na lamang siya sa sobrang galit. “Isabel? baby?” napahagolhol si Winston. Para siyang paslit