ISABEL? Matigas ang boses ni Winston nang makalapit sa kanya sabay na hinila siya palayo sa lalaki. Dinala siya ni Winston sa loob ng bahay at pinaupo sa kusina pero hindi niya ito sinunod. “Sit down, Isabel!” utos nito sa kanya tinuro pa ang silya. “Bakit naman ako susunod sa ‘yo?” prangkang tanong ni Isabel. Umigting ang panga ni Winston. “Isabel may towel ka ba puwedeng pahiram?” boses ng binata sa labas. “f**k! I’m gonna kill that bastard!” galit na turan ni Winston at lalabas na sana pero mabilis niya itong napigilan sa braso. Kunot ang noong napatingin sa kanya si Winston. “What? you—” “Ano bang ginagawa mo, Winston? huwag ka ngang magpakitang gilas dito matanda na si Lola nerbyosa na ‘yan!” mariin niyang turan. “Apo? ayos lang ba kayo riyan? naririnig ko pagtatalo nin