ANO ‘to? Napatingin si Isabel sa braso niya, tiningnan pa ni Winston ang isa may galos rin siya sa kanan. “Sino ang may gawa—” “Sino pa edi kayo ni sir Jackson. Hinila n’yo ako sa bintana kanina hindi n’yo manlang naisip na masasaktan ako!” inis na turan ni Isabel at nilagpasan si Winston. “I’m sorry, Sabel. Ikaw kasi nakatingin ka sa kanya iisipin niyang may gusto ka sa kanya dahil sinisilipan mo siya.” “Kuya Winston hindi ko siya sinisilipan kasi nando’n lang ako sa loob. Saka—” “Diba sabi ko sa ‘yo ‘wag mo akong tatawaging kuya kapag tayong dalawa lang?” putol ni Winston sa sasabihin niya. “Bakit? hahalikan mo ba ako kapag sinaway kita?” diretsang tanong ng dalaga. Natahimik si Winston ng ilang sandali. “G—gusto mo ba?” Si Isabel naman ang natigilan. Hindi lang gusto kun