BUSANGOT ang mukha ni Winston kinabukasan bukod kasi sa pinapak siya ng mga lamok asungot pa itong Onyok na ‘to. Maaga itong nagising at nagluto agad ng paborito daw ni Isabel. “Hindi ka naman kasi sanay sa ganitong lugar, apo. Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at dito ka natulog? tuloy tuwang-tuwa sa ‘yo ang mga lamok.” Naririnig ni Isabel ang pag-aalala ni Lola Delyn. Hinihintay niyang magsalita si Winston at sabihin ang dahilan nito pero walang kibo ang binata. “Napakagwapo ng apo ninyo Tiya Delyn. Nakakahiya naman at—” Hindi naituloy ng Nanay ni Onyok ang sasabihin nito dahil umubo ito at suunod-sunod na. Tinapos na lang ni Isabel ang pagtupi ng kumot at banig saka niya ito pinatayo at siniksik sa gilid ng haligi. “Opsssss…” Salubong sa kanya ni Onyok kaya napahinto siya. Um