NAGMISTULA silang basang sisiw habang nakaupo sa ilalim ng mga malalaking dahon ng anahaw. “Nilalamig ka na po ba, lola?” “Ayos lang ako, apo. Hindi naman ako nababasa ng ulan dito. Ikaw ‘tong inaalala ko.” “Huwag mo akong aalahanin lola kaya ko naman ang lamig bata pa ako.” Tugon niya. Pinasiguro niya ang matanda at ang mga damit nil ana hindi mabasa. Nagrorosaryo si Lola Delyn habang siya ay nakatanaw lang sa kakahoyan. Mabuti nga at naisalba pa nila ang ibang gamit dahil sinunog ng tauhan no’ng may ari ng lupa. Tumayo si Isabel nang tumila ang ulan. Hinubad naman ni Lola Delyn ang malaking plastic na siyang binalot niya para hindi ito mabasa. “Saan ka pupunta, apo?” “Kay Onyok po, lola. Magbabakasakali ako na makahingi tayo ng tulong sa kanya.” “Huwag na doon kay Onyok e