19

2257 Words
“I also see you kanina… pumasok ka dito but I don’t really have time na tanongin ka dahil kinakausap pa ako ng adviser.” Sumingit na din si Yumi sa usapan, galit na galit na tumingin sakin ang babae at lalapitan pa sana ako sa likod ni Lhester, malakas na hampas sa mesa ang bumalot sa aming lahat. Napatingin kami sa gilid kung saang yun nang galing. It was Kris who made the noise, kakagising lang niya at mahahalata talaga sa mukha niya ang inis. He stood up and walk toward us. “Stray dogs shouldn’t be here.” Malamig niyang sabi sa tatlong babae. Hinila ako ni Tero papunta sa Entrance door at sinara ‘yon, walang balak bitawan ang kamay ko. Pinagmasdan ko na lamang sila sa gitna nang room. “Paano niyo na sabi na si Eve ang nag nakaw sa phone niyo? kung all this time bitbit niya si Lhester? At ang layo ng room nila bat dito pa ninyo babalakin” lumingon si Kris sa kaliwa niya kung saan naroroon si Shine. “Shine… your friends should know, kapag inaway ang isa lahat ang kokontra.” He smiled at Shine before looking back infront of him. “Umalis na kayo, gusto ko na ulit matulog” Paglakad ni Kris papunta sa upuan niya ay nanginginig naman na naglakad papunta samin ang tatlo, tinaasan ng isang babae ng kilay si Lhester at tinulak siya pagilid pero hindi niya nagawang mapa tabi eto. “Entrance ‘to” Sa simpleng sabi lang ni Lhester ay nag madali nang naglakad ang tatlo papunta sa exit door at umalis na ng tuluyan. Nag madali namang tinignan ni Lhester ang mukha ko. “Gagi may dugo” Agad niyang kinuha ang panyo niya at pinunasan ang gilid nang mukha ko, nakaramdam ako ng hapdi pero di masyado. Umupo nako dahil titignan pa daw nila Yumi yung sugat. “Ang tataas kase ng koko eh! I’m pretty sure siya lang din naglagay non! but for what?” Inis na sabi ni Ellah. Napatingin naman sila kay Shine na nakatingin lang din sakin. “Hindi ako ha! bat ko naman uutusan yung mga yun?” Depensa agad ni Shine sa sarili niya, napailing nalang sila at tinitignan ang kunting sugat sa mukha ko. Bigla akong hinila ni Justine patayo at hinawakan ang pesnge ko, Naguguluhan ko naman siyang tinitigan. Maya maya pa ay nilagyan na niya ng band aid ang mukha ko at umalis na sa harapan namin. Napatingin naman ako kay Lhester na nakatulala lang habang naka tingin sa malayo. Nang mapansin niyang nakatitig ako ay ngumiti lang siya sakin. Ngayon ay handa na ang booth namin para sa mamaya na event, sa umaga ay meron pang speech at sa hapon mag bubukas ang mga booth. Pag pasok ko sa room ay agad na akong hinila ni Justine sa gilid, ang mga braso niya ay nakakrus din sa may dibdib niya. Umupo siya sa harap ko at binigay sakin ang mga make up na dala niya. “Date niyo naman ako kay Kevin!” Kinikilig na sabi ni Ellah habang nag mamake up kay Marco, at dahil horror booth kami ay pinili ni Marco ang tikbalang na itsura, si Justine naman ay Kapre. Nilalagyan ko lang siya nang itim sa mukha pati sa leeg niya. “Stop staring” Saad ko sa kanya bago pinagilid ang mukha niya, tumawa lang siya at huminga nang malalim. “Ikaw lang nakikita ko Eve ‘eh… bat ganon?” I stop for a second before continuing what I’ve started. Nilapit ko pa nang kaunti ang mukha ko dahil nilalagyan ko siya ng itim na lipstick. “Dapat akong mag h***d diba?” Napa atras ako nang biglang tumayo si Justine. We almost kiss! Hinubad na niya ang damit niya at tumalikod na sakin, nilagyan ko naman eto at binigay na sa kanya ang itim na powder. “Eve!” Sigaw ni Lhester mula sa malayo, tinaas ko naman ang kamay ko para Makita niyang nandito lang ako. “Look!” Agad niyang sinuot ang baby face na mascara sa mukha niya at tumatawa pa ng humarap siya sa salamin. “Baby mo nako” Hinubad niya ang mascara at inayos ang buhok niya, ngumiti siyang humarap sakin, His smile can make me smile too. Pumikit ako habang nakangiti at tumango sa kanya. “Oo baby kita” Natatawa kong sabi, para kase talaga siyang bata kapag magkasama kami. Para akong si mama at siya naman ang batang si kuya Tino. Hindi ko na napansin si Justine sa likod ko dahil kinukulit na ako ni Tero, ang kyut ni Yumi nang matapos na sa pag aayus si Kris. Na isip niyang sumali pero hindi siya sa loob, kasama niya lang si Kris saa labas. She’s so cute par talaga siyang manika. Ang creepy lang dahil hawak niya is fake hammer na may dugo at teddy na sira, may dugo parin ang teddy. Nang magsimula na ang event, may nakikita na akong nag tatakbohan at ang iba naman ay pumapasok na sa kanya kanyang mga booth. Sa harap nang room kung saan kami naroon ay ang marriage booth. Maraming nanonood sa kasal kasalan, ang iba ay bitter ang iba ay kinikilig habang ang iba ay naghahanap lang ng pogi. “Saan dito si Miss Abigail?” Tanong nang lalaki na taga ibang booth, tinaas naman ni Ella hang kamay niya habang nagmamadaling lumabas sa room. “Blindfold niyo na yan” Ayaw pang sumama ni Ellah pero sa huli ay napilit parin naman naming. Hindi na namin binalak na sumunod dahil kaya naman niya sarili niya. “Eva” Saad ni kuya. Hinihingal pa siya habang papalapit samin, tumingin tingin muna siya sa paligid bago nilapit ang mukha sa tainga ko. “Ang pangit mo pala” Sinipa ko ang tuhod niya nang at tinulak na siya palayo sakinn, tumatawa naman siyang tumakbo ulit. Puro sigawan lang ang naririnig ko sa loob nang booth namin, si Yumi naman ay nangangawit na kakatayo dahil nakikipagpicture yung iba sa kaniya. “Narinig niyo yung usap usapan sa loob? Knockdown si Marco sa hampas ng babae” Bulong samin ni Simon na kakalabas lang ng room, natatawa namang tumakbo si Simon palayo samin. ‘Kawawa’ Ilang araw ang lumipas ay natapos na din sa wakas ang foundation day, puro ‘Kevin’ lang ang bukambibig ni Ellah at si Marco naman ay hindi na lumalapit sa mga babae takot na ata mahampas ulit. Isang oras siyang walang malay sa loob ng room noong nakaraan. Natigil ang lahat sa pag uusap nang bumukas bigla ang pinto, may pumasok na mga babae base sa mga itsura nila mga first year ang mga ‘to. “Hi po mga ate at kuya, mag iinform lang po ako na malapit na ang intrams… mag lilista po kami kung sinong kasali sa section niyo po.” Magalang na sambit ng isang babae, she’s so cute at mukha siyang mahinhin. Nilibot niya ang kanyang paningin, bigla siyang napahinto nang makitang tumayo si Marco. “H-hoy! ikaw!” Tinuro niya si Marco, napalingon naman agad ang lahat sa kanya. Tumingin tingin pa si Marco sa likod niya bago tinuro ang sarili. “Oo ikaw!” Naguguluhan naman siyang tinignan ni Marco hindi alam kung bat siya tinuturo. “Diba ikaw yung tikbalang noong nakaraan?!” “Hala! paano mo nalaman?” Masyadong makapal ang make up ni Marco at madilim din sa loob kaya malabong may makkilala sa kanya. Nagdadalawang isip pa yung babae kung sasabihin ba niya kay Marco o Hindi. She clears her throat first. “N-nakalimutan mo pong tanggalin yung make up mo.” Napa awang ang bibig ni Marco kasabay naman non ang unti unting ingay dahil sa mga tawa nila. Tinakpan ko na din ang bibig ko dahil ayokong tumawa ng malakas. Mas nangingibabaw ang tawa ni Ellah at Lhester sa mga oras na ‘to. “True yan beh!” Sigaw ni Ellah, sinasamaan naman siy ngayon nang tingin ni Marco. “P-pero wala na akong make up ngayon” Nakangusong sabi ni Marco sa babae kaya mas lalo lang natawa ang lahat. Ilang lingo din ang lumipas dumating na ang intrams, sumali ako sa volleyball dahil kulang daw ng meyembro. Napilit lang ako ni Shine na sumali. Ang lahat naman nang boys ay sasali sa basketball habaqng yung ibang girls taga cheer nalang daw. “Ayus same number tayo Eve!” Sigaw ni Justine nang maghubad ako ng uniform, malapit na mag simula ang intrams kaya nag reread na ako, nakasuot kami nang jersey na maylogo nang school namin at section sa gitna nito sa likod naman ay ang apelyido namin at napiling number. ‘19’ Sabay ang laro ng basketball at volleyball kaya di kami maka cheer sa mga boys, nang mag line up na ay tsaka ko lang napansin ang titig nang isang babae sa kabilang net. Her stare are so creepy. Siya yung babae na sumampal sakin sa room noon. Hindi pa agad nag simula ang laro dahil nag wawarm up pa ang lahat, ako ang libero sa grupo kaya kailangan kong mag dive dive. I know how to play it kase si kuya naglalaro ng volleyball. Kaya ko naman lahat ng position kaso walang libero ngayon kaya ako na mag p-play. Tatlo lang kaming sumali sa section namin kaya mateteam kami sa ibang section, si Cloe yung ika-tatlo, Since Cloe is good at spiking sa kanya ako sumama sa warm up. Natutuwa ako tuwing nag s-spike siya kase light lang ang pagkakahampas. “Eve, yung shoe tie mo paki ayus baka madapa ka dahil jan.” Agad kong inayus ang shoe tie ko dahil sa sinabi ni Chloe. Hindi ko pa tuluyang na ayus ang shoe tie ko ay may naramdaman akong hangin na dumaan sa ibabaw nang ulo ko hindi ko yun ininda pero agad ding napalingon sa paligid dahil may malakas na tumama sa bandang likod ko. “Shine!” Sigaw ko habang papatakbo sa bagsak niyang katawan. Agad namang tumayo ang mga nanonood, ang ibang player ay lumipat na din sa kabilang banda nang net para tignan ang nangyari. Namimilipit si Shine ngayon sa sakit dahil siguro ay natamaan nang malakas ang kanyang ulo sa bula. “A-ayus lang ako…” Mahina ang kanyang boses, pinilit niyang tumayo pero na bigo siya nag kanyang mga tuhod kasabay naman non ang mariin niyang pagpikit. “Nawalan na nang malay! Tabi hindi nayan makahinga!” Sigaw ni Cloe sinusubukan ko siyang buhatin ngunit mabigat siya. Hindi na malapit ang mga tao kaya na nilibot ko ang aking tingin sa paligid, agad na nagtama ang aming mga tama nang isang lalaki, nagmadali siyang lumapit samin at binuhat si Shine. “Pada-anin niyo si kuya!” Malakas kong sabi nang ayaw pa nilang tumabi. Hinayaan na naming dalhin ni kuya si Shine sa clinic dahil hindi daw pwedeng umalis kami sa game, sinimulan na naming ang laro pero wala ako sa katinuan dahil sa nangyari kanina. Hindi dapat siya ang matatamaan sa bola diba? ako dapat yun. Napadpad na samin ang bola mabilis naman nasagap sa mga mata ko ang mahuhulog na bola sa sahig kaya agad ko itong dinive mabuti nalang at mataas ang pag angat nito kaya naspike ni Chloe. Ramdam ko ang pwersa sa paghampas niya ng bola. Hindi nakuha nang kabila kaya na score samin, walang makakakuha sa bola na yun dahil sa lakas ng hampas ni Chloe. Nang makababa na si Chloe galing sa pagkakatalon niya ay nakita ko agad ang tension sa kanya at sa babaeng nanampal sakin. Hindi nila nilubayan ang tingin nang isa’t isa. Nangmarinig namin ang pito ay agad na naghiyawan ang paligid. Kami ang nanalo. “Nakakainis yung babaeng yun.” Bulong niya sakin na na iinis parin nakatingin doon sa babae kanina. Naglakad siya papunta sa bench para uminom ng tubig. Suki na siya nang volleyball tuwing intrams halos siya din nakakahakot nang award. “Calling Chloe Natividad please come on stage right now. Again Chloe Natividad please come on stage ASAP” Hindi na pinagpatuloy ni Chloe ang paglalakad papunta sakin nang bigla siyang tinawag sa stage. Wala naman akong magagawa dito dahil ang mga girls ay nasa kabilang court ngayon nag ch-cheer sa mga boys kaya na isipan ko nalang dumaan sa clinic. Ngayon ko palang nakita nang malapitan ang cafeteria. Malaki din eto pero hindi gaano, sa kainan ko parin gustong kumain dahil mga senior highschool ang naghahanda nang pagkain doon. Napansin kong bukas ang pinto nang clinic kaya papasok n asana ako kaso natigil lang din nang may marinig na mga boses. “I’m just helping you!” “At kailangan bang umabot sa ganon Marj?” Tanging boses lang ni Shine ang napapamilyaran ko, nasa labas lang ako at hinihintay na matapos na sila. Hindi ko naman balak making kaya aalis n asana ako para pumasok muna sa cafeteria ng biglang bumukas ang pinto. “Hi?” I awkwardly smile to the girl who’s about to go out, she just roll her eyes and pass me. Agad na akong pumasok at tinignan ang paligid ng clinic walang nurse kaya naiwan lang si Shine dito. “You should go now.” Malamig na sabi ni Shine sakin. Umupo ako sa gilid at hinawakan ang kamay niya, she looked at me coldly. I see pain in her eyes. She closed her eyes kasabay ang pag buntong hininga niya. “You’re so lucky Eve.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD