18

2102 Words
“Atin na yung isang room! yung vacant, pwede daw natin yun magamit for our horror booth” Pinagpapawisan na pumasok si pres. Malapit na ang foundation day kaya nag p-prapare na kami, we choose horror booth dahil last year ay face paint ang booth namin. Three days before Foundation day nag assign na si Kris kung sino ang gagawing panakot. Na assign ako for the set up kasama si Justine, Lhester at Shine. Nang mag lunch na ay agad kaming pumunta sa room na hihiramin namin, tambak ito nang mga boxes at may mga sirang upuan din masyado ding ma ‘alikabo. “Ahh Eve gutom ka na ba?” Sabay na sabi ni Tero at Jus. Napatingin namn ako kay Shine na nassa gilid lang namin. Nang mapansin niyang naka ngiti ako ay agad nag bago ang ekspresyon niya, ngumingiti na ito. “Tara Shine kain na tayo?” Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya palabas nang room, bukas nalang kami mag sisimulang mag ayus at mag design ng room. Sumunod ang mga lalaki samin papunta sa kainan, sila Marco ay kanina pa daw nag hihinty samin doon. “Miss niyo kapogian ko?” Agad na sabi ni Lhester nang makalapit na kami sa mesa, sinamaan namn siya nang tingin ni Marco. “Mahangin ka ‘no? buti nalang di ka tinangay.” Tumawa naman nang sarkastiko si Tero habang papa upo sa tabi ko, nginitian ni Lhester nang mapangloko si Marco kaya na iinis ito lalo sa kanya. “Hoy! baka kayo talaga para sa isa’t isa?” Patawang sabi ni Ellah. “Bagay ba kami Eve?” Napalingon ako kay Lhester dahil sa tanong niya. Nakatitig lang ako ngayon sa mga mata niya habang habang siya ang pinagmmasdan lang ang mukha ko, nilapit pa niya ito kunti at ngumiti sakin. “Mas bagay pala tayo” Agad na lumayo si Lhester sakin nang umubo bigla si Justine, napatingin naman agad sa kanya si Shine at binigyan siya nang water bottle. Ininoman niya naman eto at tumingin sakin, nang mag tama ang paningin naming ay agad siyang umiwas. “Eve may nagugustohan ka na ba?” Tanong agad ni Ellah nang mag tama ang paningin nila ni Marco, ngumiti naman ako habang umiiling. Wala pa akong nagugustohan. “Ahh ganon ba?” Tumango naman ako sa tanong ni Marco, nag katitigan naman si Marco at Yumi. Agad humarap si Yumi sakin at ngumiti. “Titigan mo si Lhester sa mata Eva!” Nakangiti niyang utos sakin, nataranta naman si Tero nang marinig ang pangalan niya. Nilapit ko ang mukha ko kay Tero para tignan ang mga mata niya. Tinititigan niya lang din ang mukha ko ngayon. Unti unti kong nasilayan ang ngiti sa mga labi niya kaya napangiti na din ako. “Halata na masyado… Oh! tama na yan lovebirds kumain na tayo!” Sinamaan ko nang tingin si Marco nang nilayo niya ang mukha ko kay Lhester. Hindi ko na sila pinansin nang magsimula na akong kumain, nag aasaran lang naman sila Tero at Marco buong lunch. Nagiging maayos na din ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Nang makapasok na ako sa loob nang room ay sabay na tumunog ang selpon naming ni Lhester, nagkatitigan muna kami bago naming dinukot ang mga selpon sa kanya kanyang mga bulsa. Nag text si kuya sakin ang sabi ay sumabay na ako kay Lhester pag uwi dahil tatambay lang daw siya doon para mag study. “Eva alam mo na?” Tumango naman ako kay Tero habang pinapasok na sa bag ang selpon ko. Naging mayos naman ang sunod sunod na klase, maliban sa pag tutoksohan ni Lhester at Marco ay wala nang bago. Nang makalabas na kami ni Tero sa school ay sinundan ko na siya mula sa likod, hindi pa ako nakakapunta sa kanila kaya hindi ko alam kong saan dadaan. Napansin kong gustong gusto siya ng mga bata dahil tuwing dadaan kami ay humihinto pa ang iba para tawagin at kumaway sa kanya. Karamihan ay batang babae pa. “Ana- pagkagandang babae naman niyan!” Lumapit agad ang mama ni Tero nang makapasok kami sa bahay nila, pinag aaralan niya lang ako habang nakangiti. “I’m Michelle… You can call me mama or what as long na comfortable ka! Hija anong pangalan mo?” ngumiti ako sa kanya bago nag mano. “Miracle po… Miracle Eve” Magalang kong sambit. The lips of her mom formed an ‘o’ Because of what I’ve said, mas lalo lang lumapad ang ngiti niya ngayon. He looks like her mom. “Ikaw pala yung na kwento niya sakin n-“ “Hep! hep! hep! mama diba nag hahanda kapa ng haponan? baka masunog yung niluluto mo.” Pag puputol niya sa sinasabi ng mama niya, tinakpan niya pa ang bibig nito kaya nag pipigil ang mama niya sa pag tawa. “Bye ma! ako na po bahala sa bisita” Hindi ko na narinig ang sinabi ng mama niya nang bigla niya akong hinila papuntang second floor. “Mama siya ni kuya Kevin… but she treat me as her child, siya din nagturo samin ng iba’t ibang bagay.” Pag k-kwento ni Tero sakin, Nakangiti lang siya habang nakatuon ang pansin sa nilalakaran naming. Huminto siya sa tapat ng isang pintoan at kumatok muna bago pumasok. sumunod naman ako dahil hinila niya ako papasok. “Eva! kunti nalang ‘to pramis!” Nakangiting saad ng kuya ko, group study ang ginagawa nila meron silang kasamang babae at lalaking di ko kilala. “Eto gawin mo Mike… diba kukunin mo ‘tong” Hindi ko na pinakinggan ang tinuturo ni kuya dahil wala naman akong maintidihan. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at agad napamangha, maraming medal ang nakasabit. Malaki ang espasyo, sa gilid mag ring nanaka sabit. Meron ding maraming bola, may raketa ng badminton. May katana din at iba pa. Tumayo muna ako bago lumapit sa mga litrato na nasa kabilang mesa. May isang picture na nakakuha nang atensyon ko, Isang batang lalaki na nakangiti. Pinagmasdan ko lang yun nang matagal. Naramdaman kong may lumapit sakin kaya napahinto na ako sa pagtitig sa batang larawan. “Hindi pala nag bago ang mga ngiti mo Tero” Mag katulad ang ngiti ni Tero at yung bata sa larawan. Buong araw ay naglinis lang kami sa room na gagamitin namin, yung mga sirang mga upuan ay e recycle nalang daw naming. Ang ibang mga boys ay nag tulong tulong para magawan nang paraan ang mga parte nang upuan balak kase ni pres na gawin yung table nila para sa labas. Si Lhester lang ata ang hindi tumutulong sa labas dahil naka buntot lang siy lage sakin, puro lang naman katarantadohan ang mga pinag gagawa niya! Nag wawalis lang ako sa loob habng ang iba ay pinupunasan ang bintana at nag f-floorwax namn yung iba, may nakita din silang mga newspaper na nasa loob ng room. Ang ibang mga babae ay nasa room lang para mapagplanohan kung anong gagawin sa mga papel na nakita naming. “Alam niyo ba sementeryo daw tong school natin!” Napatingin naman kaming lahat kay Lhester na nakaupo lang sa mahabang mesa, humiga pa siya dito at walang paki alam kung masisira niya ba ang mesa. Nag lakad naman si Ellah papunta sa kinahihigaan ni Lhester at hinampas nang pagkalakas lakas ang mesa sa gilid ni Tero. Napatayo si Tero at hinawakan ang ulo niya, masamang tinitignan ngayon si Ellah. Tumawa naman si Ellah at nag peace sign pa, pumikit naman nang mariin si Lhester bago tinignan ulit si Ellah. “Ang bait mo naman sakin Ellah.” Paninimula niya, ramdam ko na may idadagdag pa siya sa sinabi niya dahil sa mukha niya ngayon. “Kaya ka ba mabait sakin dahil crush mo kuya ko?” nakangiting tinaas ni Lhester ang kilay niya, napa atras naman bigla si Ellah pero agad ding humakbang pabalik. “Hoy! wag mo ngang banggitin ang kuya mo! nananahimik yung tao at-“ Agad na di nakapag salita si Ellah ng may pamilyar na boses ang nag salita. Nakangiti lang yung lalaki sa my pinto at hinihintay na lumingon si Ellah sa kanya. “At ano Labby?” Parang pinaglalaroan na ni kuya Kevin si Ellah gamit ang boses ngayon, he smirk while looking at Ellah. Ang isang kamay niya ngayon ay naka hawak sa pinto supporting his body. Agad naman tinaas ni Ellah ang isang kamay at tumalikod muna sa gawi ni kuya Kevin, bigla siyang tumili at tinakpan ang mukha niya, hinampas pa niya si Lhester na nasa harapan niya at umayos muna nang tayo bago humarap ulit kay kuya Kev, hindi nadin siya namumula ngayon. “At… wala po yun! nakakakilig umalis ka na po kuya baka mabubog ko pa kapatid mo sa sobrang kilig!” Patawa namang umiiling si kuya Kevin habang si Lhester ay nag rereklamo na sa sobrang lakas nang pagkahampas sa kanya, ang mukha naman ni Ellah ay bumalik na sa pagiging pula. “Stop using ‘Kuya’ you like me right? You should call me by my name. See you in lunch Lab!” He smile and wink to Ellah before he left the room. Puro naman tili ang narinig namin sa room, muntik pang matumba si Ellah buti nalang ay nahawakan pa ni Lhester. Napasapo naman si Tero sa ulo niya bago, lumapit sakin. “Did he just call me Lab?!” Di makapaniwalang napatingin samin si Ellah. Hindi naman kami nagsalita at pinagpatuloy nalang ang paglilinis. Maya maya pa ay dumating na din ang ibang mga babae para tumulong samin, kinuha na din sakin nang isa pa naming kaklase ang walis kaya wala na akong magawa. Si Tero naman ay wala naman talagang magawa. Umalis din muna saglit si Yumi dahil inutusan siya ng isang adviser. Pinakuha ko na din sa kanya ang bag ko dahil mag papalit ako ng damit. “Anong mukha yan!?” Tanong ni Ellah ng makabalik na si Yumi dala ang bag ko. Malalim ang iniisip niya at tila hindi pa narinig ang sinabi ni Ellah. Kumuha nang libro si Ellah mula sa gilid niya at pabagsak na binitawan eto kaya nakagawa eto nang ingay. “H-ha? ay eto Eve ‘oh! wala namang nangyari it’s just… Never mind.” Agad na umiwas ng tingin samin si Yumi, hindi na din naming siya kinulit. Lumabas na ako sa room at pumunta na sa cubicles paraq makapag bihis. As what I’ve expect sumunod na nga si Lhester sakin. Iniwan ko muna ang bag ko sa sink at pumasok na sa isang pintuan para makapag bihis na, may narinig akong mga nag uusap sa labas pero hindi ko na lamang eto pinansin. Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na agad ako at kinuha na ang bag ko para makalabas na. May Afternoon class kami ngayon kaya bumalik na agad kami sa room, yung iba ay sa loob na kumain ang iba naman ay nakatulog na sa sahig dahil sa pagod. Malakas na katok ang nakakuha sa atensyon namin, binuksan naman agad eto ni Simon. Derideritsu lang na naglakad ang tatlong babae sa direksyon ko at malakas akong sinampal nang nasa gitna nila. Napatayo agad si Ellah at si Yumi pati nadin ang iba. Hinila din ako ni Lhester para matago sa likod niya, hindi ko pa na p-proseso ang lahat, at kung para saan yon. Lalapit sana si Ellah sa babae pero hinawakan na ni Marco ang kamay niya para pigilan “Para saan yon?” Mahinahong tanong ni Marco. “That thief deserves it! she stole my phone!” Agad namang napatingin sakin ang lahat, agad akong umiling habang hawak ang dulo ng polo ni Lhester. I didn’t stole anything. Napatawa naman ng sarkastiko si Ellah dahil sa sinabi nang babae. “Prove it.” Agad namang tinuro nang babae ang bag ko, binuksan niya ang isang compartment non at hinila ang tatlong selpon. Napa awang ang labi ko nang Makita ang tatlong selpon na hawak niya. Lhester’s hands hold mine he squeezes it a bit before looking at me. “Lhester” Seryosong tawag ni Marco kay Tero. “Sinong kasama ni Eve simula noong unang araw hanggang ngayon?” “Me.” “Tuwing iihi? kakain sa kainan? mag cutting?” Tanong ulit ni Marco. Seryoso lang siyang nakatingin sa mga babae ngayon. “Uh… me” “So nakita mo bang nagnakaw si Eve?” “I don’t even see their faces near at us.” Iritadong sambit ni Lhester, Napatingin naman si Marco kay Tero na umiiling na ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD