15

2099 Words
“Kumusta ang araw mo Eve?” Nasa kwarto ako ni kuya ngayon, nag f-focus na sa study. Hindi niya kailangan mag paka papa para sakin. Help himself first before others. “Nag cutting po kami.” Agad nabaling ang atensyon ni kuya sakin, gusto niyang ekwento ko ang nangyari, agad akong lumapit at binagsak ang katawan ko sa kama. “I’m with the five. Kasama si Kris at Lhester.” He’s mouth form an ‘o’ for not believing what I’ve said. “Totoo? Nag cutting ka? Sino nagpilit sayo?” Ang kaninang nagbabasa na kuya ay ngayo’y nakikinig na sakin, Sinara na niya ang libro niya at hinihintay ang sasabihin ko. “Lhester… but he didn’t force me ‘ha! I just sang-ayon dahil bored na ako!” Tumawa nang malakas si kuya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko, he stop laughing and stare at me, mean while tumawa na naman siya ulit. Inirapan ko siya at hindi na tinignan. Nakaka-inis ang mukha niya! “Okay… I’ll stop na… hahaha conyo na conyo Eva sinong nag turo sayo? nakakahawa eh hahaha!” Hindi ko na siya pinakinggan at nagsimula nang mag selpon bumungad agad skin ang pangalan nang gc namin. Binasa ko ang mga ilan ilang message doon. Lin: Hoy pres nasaan kayo? Lhester: Tara cutting Lin: Wag puro seen pres kabado ako, ako na naman ba ang mag aalaga sa room? Labby: Hindi mo syur Lin? Hindi na ako nag basa nang mga message dahil puro like nalang eto, bumalik na din ako sa kwarto dahil kinukumusta ko lang talaga si kuya, pagkahiga ko sa kama ay sinubukan ko nang matulog ngunit hindi pa rin ako makatulog. Lhester… Ano ba ang meron sayo? Bigla ko nalang naisipang buksan ang phone ko at hinanap ang pangalan ni Lhester sa friend list, I’m staring at his photo. Nasa may beach siya he’s just wearing a beach short at nag sunglases, nakaside view siya sa camera while smiling. Iba siya sa nakikita nang lahat na Lhester. Yung nasa picture… parang siya talaga yung nakilala kong Lhester. Tinigil ko na ang pag s-stalk sa kanya para tumayo muna at maglakad papunta sa bintana. Huminga muna ako ng malalim bago sinilip ang kalangitan. I’m used to look at the coulds when I’m not sleepy, Gustong gusto ko din na pakinggan ang paligid tuwing gabi. Night is so peaceful, it’s so relaxing. “Huh? Sino naman ‘yun?” May napansin akong gumalaw sa baba siguro ay napadaan lang yun. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakaramdam na ‘ko nang antok kaya bumalik na ako sa kama at humiga na ulit. Patay na din ang mga ilaw at katahimikan nalang talaga ang bumabalot sa paligid. “Good morning Eve” Agad na bungad ni Ellah at Marco ko, hindi pa ako nakakapasok sa loob ay natigilan na ako agad. Takatingin lang kaming lahat sa lalaking may dala nang bag ko, hinila niya ito kanina nang papasok na sana ako sa room. He placed my bag below my chair. Pabalik balik ang tingin ni Ellah sakin at kay Lhester na kaka upo lang sa upuan niya, si Marco naman ay mariin niyang pinikit ang mga mata niya at huminga nang malalim bago binalik ang paningin samin. He’s controlling his anger. Kakabati lang kase nila Ellah kahapon. “Ang babastos nang ugali niyo! Iniwan niyo ako dito kahapon!” Sigaw na sabi ni Lin, sabi nga niya sa gc na siya na naman mag babantay nang room. Siya na naman mag babantay sa mga kaklase niyang naiwan. Tumawa lang si Kris at na pailing nalang si Ellah naman ay nag papasalamat na kay Lincoln dahil napangalagaan nga nito nang maayos ang room. “Kasalanan yun ni Lhester!” Inis na tinuro ni Marco si Lhester na nagbabasa ngayon nang libro, he’s wearing a specs. Ang cute niyang tignan. “Kung hindi ako sumama hindi siya mag c-cut.” Nakangiti kong sabi. Napansin ko lang kase na kapag wala siyang kasamang mag cutting class ay hindi nalang siya tumutuloy. “Huwag mo siyang pagtak-“ “Shush! Hindi ko siya pinagtatakpan okay?” I place my index finger in his lips, Para hindi na siya makapag salita. Nag lakad na ako papunta sa upuan ko t nagsimula nang mag study dahil may quiz pa kami ngayon. Naka ramdam ako nang kamay na nakahawak sa buhok ko kaya tinignan ko ang likod ko. It was Lhester. Pinaglalaroan ang dulo nang buhok ko. Hanggang bewang ang haba nang buhok ko hindi din ito wavy, my hair is dark brown. “May gagawin ako sa buhok mo Eve ha!” Tumango na lamang ako at tinignan muna ang oras, marami pang oras kaya makakapag study ako nang matagal. Maya maya pa ay naramdaman kong sinusuklayan na niya ang buhok ko. He’s starting to braid my hair. Si kuya at papa ang gumagawa sakin nang ganito, natuto sila dahil ako lang ang babae sa pamilya. Gusto nilang maging babae din ako, kadalasan ko kaseng hawak ay panglalaking laruan. Nang matapos na akong mag study ay naramdaman ko na ang pag iipit niya sa buhok ko, I kinda want to see the result. Excited ako dahil sa lalaki ang may gawa nang braid. Minsan lang ako nakakakita nang lalaking nag b-braid lalo na ang mga katulad nila kuya at Lhester. Nang sinabi na niyang ‘tapos na’ ay tumingin ako sa kanya at ngumiti sa kanya, nangunot naman ang noo niya at hinawakan muna ang pesnge ko. Nag hila siya nang kunting buhok para malaglag ito sa mukh ko, inikot niya pa ito par kumulot. Binitawan niya agad ang mmukha ko at ngumiti sakin. “Kanino tong Hairpin? tapos yang suklay?” Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at may kinuha sa bag niya. “Ah… sakin lahat yan, binili ko kanina. May napanood akong hairstyle for girls and I imagine it at you kaya sinubukan ko.” Nilabas niya ang salamin niya at hinaarap yun sakin. May hair is look like a crown, ang ganda. “It’s my first time doing it.” Mapa awang ang bibig ko dahil sa di makapaniwala. Ang linis nang pagkakagawa hindi halatang first time. “Lhester ang ganda nang pagkakagawa mo! Marco subukan mo nga yan sakin bilis!” Hinila na ni Ellah si Marco papunta sa upuan niya naguguluhan namang tinignan ni Marco ang buhok ko at ang buhok ni Ellah. “Bat ako!? Hindi ako marunong.” alis n asana siya sa likod ni Ellah pero hinawakan siya nito at nagpakawala nang ngiti na nakakatakot. “Gumawa ka nang paraan, basta gawin mo din yan sa buhok ko” Inis na nilabas ni Marco ang phone niya at inopen eto sa youtube. Nilapag ni Marco ang phone niya sa harap ni Ellah at sinimulan na ni Marco ang pagsusuklay sa buhok ni Ellah. “Search mo nalang yung susundan ko.” Hindi matapos tapos ni Marco ang pag trintas sa buhok ni Ellah dahil dumating ang mga guro para mag turo. Nang mag lunch ay sa loob nalang kami nang room kumain dahil ayaw pakawalan ni Ellah si Marco hanggat hindi daw nagagawa ng buhok nito. “Eve patulong.” Inabot niya sakin ang itim na rubber band at ang suklay, bigla nalang akong napangiti at nag madaling pumunta sa likod niya. I’m going to tie his hair, nahihirapan akong talian ang buhok niya dahil may nalalaglag pa, ang lambot nang buhok niya. “Aba! Required na bang pumasok sa school na may taga braid at taga tali kayo sa mga buhok niyo!?” Nilibot ni Cloe ang paningin sa paligid, napatingin na din ako sa paligid. Si Kris ay nag papatuloy na sa pag Trintas s buhok ni Yumi. Kanina nag papatulong et okay Lhester kung paano sisimulan. Si Marco naman ay na iinis na dahil mag uumpisa na naman siya dahil nahihirapan eto sa pag gawa, hindi niya matigil tigil dahil magagalit si Ellah. Habang si Justine naman ay nanonood naman sa selpon niya upang subukan kay Shine. “Oo tanggap ko nang single ako! Saksakin niyo nalang kaya ako?!” Agad naman tumayo si Simon at lumapit kay Cloe. May hawak siyang ballpen. “Hoy bat ka lalapit!?” Niyakap pa ni Cloe ang sarili niya habang uma atras dahil sobrang lapit na ni Simon sa kanya. “Ako na sasaksak sayo.” “Huwag kang lumapit! kapag namatay ako ngayon mumultohin talaga kita!” Tumakbo palayo si Cloe kay Simon, hinabol naman ni Simon si Cloe hanggang makalabas na sila nang room. Itong dalawang ‘to… they can be a couple. “Tapos na!” Agad akong pumunta sa harap ni Lhester at tinignan ang mukha niya, may nalalaglag pang mga buhok sa mukha niya. Ang cute tuloy tignan. Ngumiti naman siya at nilabas ang phone niya, mag pipicture ata. “Hoy!” Agad kong tinakpan ang mukha ko nang mag flash ang likod nang phone niya. Tumawa pa siya at pinkita sakin ang larawan. Maganda naman ang pagkakakuha, Mukha akong inosente. “Ang cute mo talaga” Patawa niyang sabi. Hindi ko na yun pina bura sa kanya dahil pinasok na niya ang kanyang phone sa bulsa niya. Napatingin ako kay Yumi, sobrang cute niya ngayon. Kagaya sakin ang buhok niya, meron itong hair clip na butterfly dahil favorite niya itong ilagay sa buhok niya. Nakalabas din ang bangs niya, she look like a bride right now. “Ganda nang buhok ah.” Unang napansin ni Kuya nang magkita kami sa labas nang school. I smiled to him and start walking, marami siyang na kwento sakin habang papauwi kami sa bahay. Nabalitaan ko din kila Ellah na nag away pala si kuya Tino at kuya Kevin, matataas ang mga pride. Sa mga sumunod na araw ay nasanay na si Lhester sa pag trintas sa buhok ko. Araw araw iba’t ibang hair style ang sinusubukan niya sa buhok ko. Sometimes I saw him struggling kaya napapangiti ako, trying his best ‘huh? “Ayus lang ba?” Kinakabahan na tanong ni Lhester habang tinitignan ko ang sarili sa salamin. Hindi maayos ang pagkagawa niya pero I appreciate it. Puro din siya Picture sa mukha ko, nahihiya na ako minsan dahil tingin ko napupuno ko na ang storage ng phone niya. Tumango ako sa kanya at nag pasalamat sa kanya, nasa kainan kami ngayon kasama yung iba. Si Ellah ay hindi na nag papatrintas sa buhok niya kay Marco dahil na iinis lang siya dito. “Lhester panliligaw na ba ‘yang ginagawa mo kay Eve?” Tinaasan ni Ellah nang isang kilay si Lhester, napatigil naman si Lhester sa pinag gagawa sa buhok ko. He smile awkwardly to Ellah. “Ah… Hindi ako marunong manligaw.” Napahinto kaming lahat sa mga ginagawa naming at sabay na napatingin kay Lhester, unti unti na nga akong nakakarinig nang tawa sa paligid ko. I’m surprise he don’t do courting? “Wag niyo akong tawanan! pero seryoso ganon ba yung panliligaw?” “Hindi ka marunong manligaw!? pero maraming ex” Ellah said. Umupo naman sa tabi ko si Lhester at pinanliitan nang mata si Ellah. “Ahh… sila nanliligaw sakin.” Proud na sabi niya, halata naman sa mukha niya. Ang gwapo niya kaya, hindi nakakagulat kung maraming nanliligaw sa kanyang babae. Biglang na wala ang ngiti niya nang tignan niya ako, tinaas niya ang dalawang kamay. “P-pero tatlo lang yun! and wala akong balak na bumalik sa kanila!” Nagpatuloy na kami sa pagkain namin, medyo na iilang ko sa mga titig nilang lahat. Nakalagay sa mesa ang phone niya dahil may kinakalikot eto kanina, pinagalitan siya ni Ellah at inutusan na ilapag muna ang phone sa mesa para maka kain. Nag vibrate eto kaya na patingin kaming lahat sa phone niya, bago pa bumukas ang lock screen niya ay agad na niyang kinuha ang phone niya at pinatay eto kaya hindi namin nakita kung sino ang tumawag o kahit man lang ang lock sceen nito. “Close na kayo ni Lhester?” Biglaang tanong ni Marco sakin, tinignan ko naman si Lhester at pinanliitan ng mata. “Hindi… Hindi tayo close diba?” Pagtatanong ko sakanya. Kumunot ang noo niya habang tinitignan ako, hindi ako sigurado kong close na ba kami! Pumikit muna siya bago bumuntong hininga, Nilapit niya ang kanyang mukha sakin, tinititigan lang ang mga mata ko. Unti unti siyang ngumiti at nilapit pa nang kaunti ang mukha sakin. Dinikit niya ang kanyang pesnge sa pesnge ko. “Close na kami.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD