16

2082 Words
“Malapit na pala birthday mo kuya” Napatingin siya sakin at tinignan niya naman ang kalendaryo sa selpon niya, napatango siya nang Makitang sa susunod na linggo na pala yun. “Ang tanda ko na kung ganon” Patawa niyang sabi, huminto siya sa pagtawa nang may ma alala. “Si Lhester… Invite mo siya pati yung iba ha? sabi nang iba nagagalit daw ang lahat kay Lhester? Gusto ko ayusin yun sa mismong birthday ko okay?” Tumango naman ako at tumayo na para makatulog na sa kwarto ko. Hindi talaga ako makatulog tuwing gabi dahil sa pag iisip, Gusto ko kaseng ‘e surprise si kuya sa birthday niya pero ano naman ang regalo ko? wala na akong ma isip na unique gift para sa kanya, nakapag regalo na ako nang palaka tinapon niya lang sa bakuran. Na alala ko tuloy yung regalo niyang butiki sakin, umiyak ako dahil tumalon sa mukha ko. Pinag tawanan lang niya ako non, tawang tawa sa pagmukha ko. May video pa siya non pero hindi niya pinost dahil pinagalitan siya sa video. Hindi ako makahinga kaka iyak non habang siya hindi na makahinga kakatawa. Habang ini isip ko yung nakaraan mas lalo lang akong na iinis, yun yung mga taon na akala ko magiging okay lang ang pag aaral naming ni kuya, kaso mali ako. Nag katrauma kami ni kuya, ayaw kong makaramdam na ako lng mag isa at si kuya naman ay natatakot tuwing nawawala ako sa tabi niya tuwing magkasama kami. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking braso pinapakinggan ang paligid, kanina lamang ay nakangiti pa ako at ngayon unti unti na itong nawawala sa labi ko, napalitan na nang kalungkotan ang emosyon ko ngayon, unti unti nang pumapatak ang mga luha ko, nararamdaman ko ang paginit nang mga mata ko. Hanggat maari ay pinipilit kong umiyak nang tahimik, ayokong may makarinig nang iyak ko ngayong gabi. Ayokong mag alala sila para sakin. Ayoko nang ‘e asa ang lahat kay kuya… dahil sobra sobra na yung mga nagawa niya, ang pag tayo niya bilang tatay para sakin ay napaka malaking bagay na yun. Kuya Tino is the best I’ll admit it. Ginawa niyang matapang ang sarili niya di dahil gusto niya pero dahil yun lang ang na iisip niyang paraan para ma protektahan ako, kaya niyng Makita ang sarili niya sa salamin na maraming pasa pero Makita akong sinasaktan ay hindi niya kayang tignan. He doesn’t treat his wound that’s why it remains as his scar. He doesn’t want to treat it dahil matagal na siyang nawalan nang paki-alam sa sarili niya. For once I want him to choose his self first, for once I want to see him smile for his self. Not for others. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, pag gising ko ay nag madali na akong mag luto maglinis at maligo nag iwan lang ako nang note na maaga akong aalis dahil may gagawin pa ako. Hindi ko lang gustong Makita nila na mugto ang mga mata ko, tatanongin lang ako nang mga yun. As I expect nasa loob na nang room sila kaya nagmadali na akong tumakbo papunta sa kanila, “Guys suggestion nga kayo anong magandang pang regalo” Gulat naman silang napatingin sakin, tinignan naman ni Marco ang relo niya tinitignan kong lumipas nab a ang isang oras. “Ang aga mo ngayon Eve” Hindi maka paniwalang sabi ni Ellah habang nakatingtin sakin. Umupo na ako sa upuan ko at inayos muna bago sila tignan. “Sino ba reregalohan?” “Si kuya Lawrence” Marmi silang suggestion kaso lahat nang menintion nila ay nagawa ko na, napatingin kami sa kakadating lang na Lhester. Nang mag tama ang mga mata namin ay ngumiti ito agad at dali daling umupo. “Anong problema?” Tanong nito nang makitang magkasalubong ang aking mga kilay. “Wala akong pang regalo kay kuya” “Gumawa ka nalang nang cake.” Agad naman akong napa isip, Ayaw ni kuya nang cake na binibili kaya gagawa nalang ako nang cake! “Hindi ka marunong?” Tanong niya nang makitang biglang naging malungkot ang mukha ko, tumango ako sa kanya. “Turuan kita!” Agad namn akong napatingin sa kanya marunong siya? Ang dami niya namang alam! “Nag aaral akong mag bake nang cake dati! tuturuan kita sabihin molang sakin kong kailan kailangan ang cake para masamahan kita sa pag gawa.” Naging ecxited naman ako dahil tuturuan niya ako! sinabihan ko na din si mama na gagawa ako nang cake kasama ang kaklase ko. Lumipas ang isang linggo kaya mas lalo akong naging excited binibilang ko nalang ang papalapit na ka arawan ni kuya. Sa araw na yun ay nasa trabaho lang siya, bumalik na siya sa pag t-trabaho noong nagiging okay na ang schedule niya. Ang sabi naming ay e rerent naming yung buong fastfood pag sapit nang 6 pm dhil dadalhin naming ng birthday sa kanya. Ayaw niya daw kaseng mag celebrate, aba hindi pwede yun! Nang birthday na niya ay umalis siya nang maga kaya hindi kami nakapag greet ni mama, agad ko namang kinuha ang tinabi kong pera at dali daling pumunta sa palengke, nag hihintay na doon si Lhester. Tama nga ako, nandoon na nga si Lhester ina antok pa. May dala siyang backpack. Binili na namin ang mga kailangan sa pag gawa nang cake. Paborito ni kuya ang strawberry kaya bumili kami nang strawberry powder at strawberry na prutas. Lage naman akong pinapagalitan ni Lhester dahil kinakain ko yung mga Strawberry kaya kinuha niya eto para siya na ang mag bitbit. Bumili din siya nang dalawang box nang stick ‘o strawberry parin ang flavor. Ang isang box ay binigay niya sakin, yun lang daw ang pwede kong kainin kaya napangiti ako sa kanya. He’s a boyfriend material hmm. “Ma si Lhe-“ “Lhester!? Tero! bat hindi ka na dumaadalaw dito? kilala mo pala si Eve?” Agad na hinila ni mama papasok si Lhester, kilala niya na pala si Lhester. Wala man lang siyang sinabi! “Tita, nagiging busy po sa school… Ahh opo kilala ko si Eve kaklase ko po siya” Nakangiti niyang sabi agad naman akong pinandilatan ni mama nang mata, nang napadaan ako sa likod niya. “Wala kang nasabi Eve!” “Wala ka pong tinanong” Nakangiti kong sabi nang makabalik na ako sa sala, agad kong hinila ang isang kamay ni Lhester patayo, si mama naman ay hinawakan ang kabilang kamay ni Lhester. Ayaw pa alisin sa pwesto nito. “Ma kailangan ko po siya sa kusina” Nakangiti kong sabi kay mama, nginitian niya naman ako pabalik. “Ahh ganon ba… magusap tayo mamayang gabi Eve ‘ha” kinabahan naman ako sa sinabi niya, bakit naming kailangan mag usap dalawa? Nang makapasok na kami sa loob nang kusina ay sinimulan niya na akong turuan, puro lang talaga ako kain at minsan naman ay panay scroll lang ako sa selpon kaya napapagalitan niya ako. Napatawa ako dahil nalagyan nang harina ang mukha niya, ang cute ni Lhester sa suot niyang apron. Sinabi ko na sa kanya na inimbita siya ni kuya Tin, natuwa nga siya nang malaman na ako pala yung kapatid nang bestfriend nang kuya niya. Si kuya Kevin ang half brother niya. “Hintayin na natin na mag 30 minutes and then mag dedesign na tayo. Kinukuhanan ko siya nang litrato dahil ang cute niyang tignan. Napatawa ako nang mapansin niya agad ang camera ko na pasimple siyang kinukuhanan. Sinend ko sa kanya yung ibang mga picture namin, napansin ko na man na agad niya etong sinave. Matapos naming ma lagyan nang design ay pumasok na siya sa loob nang cr para maligo, pumasok naman ako sa kwarto ko at doon na naligo. Si mama naman ay excited nang tikman ang cake kaso pinag bawalan ko muna siy dahil yun yung regalo ko kay kuya. Sa bahay na kami nag palipas nang oras hanggang mag 5:30 na, nakasuot lang ako nang white t-shirt na may bulaklak sa bandang dibdib at black high waist na short. Si Lhester naman ay nakasuot nang Black t-shirt na may Butterfly sa gitna at white na short. Dala na namin sa taxi ang mga pagkain, meron din namang mga pagkain sa fastfood na nakahanda na ngayon pero nag pupumilit si mama na magluto eh, nang maka pasok na kami sa loob ay nabigla pa si kuya dahil sa kaingayan naming lahat. Meron na ding candle ang cake, nag wish naman si kuya bago nag blow. Ang design nang cake ay simple lang pink dahil strawberry at may strawberry jam pa sa taas nito meron ding nilagay si Lhester na dalawang stick ‘o sa taas nito, magaling siyang mag design. “Kuya regalo ko sayo!” Agad kong sabi ngumiti pa ako sa katabi kong si Lhester, siya lang naman ang gumawa nito eh! “Ako yung gumawa niyan tapos regalo mo lang?!” Napatawa naman si kuya dahil sa ka ingayan namin dalawa. Nandito nadin pala yung iba pati si kuya Kevin nag galit na nakatingin kay Lhester. “Stop being one sided.” Agad na sabi ni kuya nang maka upon a ang lahat. Tinignan niya sila Marco, si Justine at si Kuya Kevin. “Kung di niyo siya pakikinggan pwes ako na gagawa nang paraan. Look at Eva, mukha ba niyang nilalayoan si Turo? mukha ba siyang galit dito? hindi naman diba? So Give me a reason kung bakit kayo galit sa kanya.” I smile awkwardly when they stare at me, si Lhester naman sa tabi ko ay may binubulong pa sakin ‘e wala naman akong ma intindihan. “Explain your side Turo” “The first day I saw her… may nakasunod sa kanya, hihipoan sana siya kaya tinulak ko siya. But what I did is not right dahil nasugatan non… nakapagbitaw bitaw din ako nang hindi magandang salita dahil hindi siya nakikiramdam sa paligid niya non.” Tumingin siya sa mga mata ko na ‘tila nang hihingi nang patawad sakin, I smile to him and continue listening. “Yung pang ninilip mo sa restroom nang mga babae?” Tanong naman ni Marco, ngumiti naman si Lhester sa kanya. “Mag c-cutting sana ako non, but I suddenly saw Eve na pumasok sa restroom may dalawang lalaki ang nandon at ang sabi nila ay sisilipan nila si Eve kaya inakbayan ko silang dalawa at tinanong kong sigurado nab a sila na maninilip sila… I’m willing to punch the two kapag sinabi nilang ‘oo’ pero na una mo na akong bugbogin.” So it makes sense, I trust his word when he say hindi siya manyak. “How about the kiss?” Kuya Kevin ask napatingin naman siya ulit sakin at hinawakan ang mag kabilang pesnge ko. “Did I kiss you?” Umiling ako at ngumiti kay kuya Kevin “Yes… I’m a flirt but I don’t do those thing lalo na kapag walang permission” Nakangiti parin siya samin habang nakatingin, si Marco naman ay nag iisip pa nang pwedeng ‘e rason. “Ah! Yung pag cutting class kuya! bad influence siya kay Eve! Ilayo mo siya kay Lhester kuya!” Agad naman tumawa si kuya habang nakatingin kay Marco. “Katingero din ako dati, kailangan ko na din bang lumayo sa kapatid ko? Well done Marco nakikita kong ina alagaan mo ang kapatid ko… pero maging gamay mo sana eto maliwanag? Wag kang maging one sided sa lahat nang bagay.” Nag sorry naman si kuya Kevin sa ginawa niya sa kapatid niya, Kinwento din ni Lhester yung mga iilan niyang memories like, nakulong na siya dati dahil akala nilang siya yung magnanakaw kahit tinulungan na niya lang yung nanakawan. Biktima siya lage. Bumalik naman ang lahat sa dati, ini inis parin ni Lhester si Marco yung iba naman ay kumakain na. pero yung cake ni kuya ay hindi niya pinakain dahil para sa kanya lang daw yun! “Lhester may tanong ako” Agad naman humarap si Lhester kay kuya, hinihintay lang ang katanongan nito. Napatingin si kuya sakin bago humarap kay Lhester. “Gusto mo ba ang kapatid ko?” Napatingin naman ang lahat kay Lhester hinihintay ang sagot niya, nilingon niya ako at matagal lang nanatili ang mga titig niya sakin, ngumiti pa eto at nilibot ang paningin sa paligid. Ngumiti siya nang mag katitigan sila ni mama. “Crush lang po!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD