CHAPTER 2

1669 Words
Chapter 2: Classmate AGAD na napatakip ng mata si Seraphim nang makita niyang tuluyang ng nakapagpalit ng anyo si Lucien ngunit nang makita niyang nakahubo't-hubad ito ay agad na napatalikod ang babaeng anghel. "L-Lucien wala kang saplot," nahihiyang turan ni Seraphim kay Lucien kaya naman marahan na natawa ang lalaki. "Pasensiya na," hinging paumanhin ni Lucien saka niya ginamit ang sariling kapangyarihan para makalikha ng damit, at nang bumagsak mula sa ere ang damit na nilikha ni Lucien ay agad niya iyong isinuot sa sarili. Nakasuot lang si Lucien ng simpleng t-shirt at short at matapos no'n ay agad niyang kinalabit si Seraphim para mapaharap sa kanya. "Ayos na ba? Mukha na ba akong tao?" nakangiting tanong ni Lucien at nakita naman ni Lucien na hindi makapaniwala si Seraphim habang nakatingin sa kanya. "Hindi na masama, ayos na ang ganyang itsura. Labis na nga ang ganyang itsura sa mga tao kaya isa lang ang masasabi ko, magaling." nakangiting sabi ni Seraphim, at matapos no'n ay muling nagliwanag ang katawan ni Lucien at nakita ni Seraphim na muling bumalik si Lucien sa devil form nito. "Mamaya na ako magpapalit anyo kapag kailangan ko na rin pumasok sa paaralan ni Agatha, masyadong malaki na ang nakukunsumo kong enerhiya," sabi naman ni Lucien kay Seraphim at tumango na lang ito. "Teka, naisip ko lang na kung si Agatha nakikita ka niya sa anyo mong iyan, sigurado ka rin bang hindi ka makikita ng ibang tao?" nag-aalalang tanong ni Seraphim kay Lucien. "Nakalimutan mo na bang ang pwede lang makakita sa akin ay si Agatha? 'Di ba hindi nga natin nakikita ang ibang guardians, kaya 'wag ka masyadong mabahala dahil magagampanan kong maigi ang misyon ko," prenteng sagot naman ni Lucien, at dahil do'n kaya nakahinga ng maluwag si Seraphim. "Good morning, s-sinong kausap mo diyan Lucien?" sabi ni Agatha na nakakagising lang at saka nagkusot ng mga mata. "Ah, kausap ko ang guardian angel mo kaso hindi mo nga lang siya nakikita," sagot naman ni Lucien. "Ganun ba? Osiya, kailangan ko ng bumangon para makapaghanda na ako ng makakain nila Ma'am," sabi ni Agatha at sinundan lang naman siya nila Lucien at Seraphim pababa sa kusina nila. Tahimik lang na nakamasid ang dalawa kay Agatha habang naghahanda ang dalaga ng lulutuin nito. "Oh, alasingko na ah? Bakit ngayon ka palang naghahanda ng almusal? Ano na naman bang pinaggagawa mo at ngayon ka lang nagising, aber?" masungit na turan ni Eleanor kay Agatha. "P-pasensya na po, ma'am." hinging paumanhin naman ni Agatha at dahil sa sinabi ng dalaga ay agad naman na kumunot ang noo ni Lucien dahil wala itong maintindihan sa nangyayari. "Lucien, ayan ang tinutukoy kong kapamilya ni Agatha. Hindi niya iyan tunay na ina pero siya ang tumatayong ina ni Agatha ngayon. Ginagawa nilang alipin si Agatha at bukod pa do'n ay madalas din nilang minamaltrato si Agatha. Sana may magawa ka para magkaroon naman ng hustisiya si Agatha," malungkot na paliwanag ni Seraphim kay Lucien. At habang nakatingin kay Agatha ay napansin ni Lucien na lukot ang mukha ng dalaga at dahil do'n kaya naman nakaramdam ng inis si Lucien. Ibinuka ni Lucien ang palad niya at saka siya naglabas ng negative energy sa mga palad niya at saka iyon iniihip ni Lucien sa hangin patungo sa stepmom ni Agatha na nakaupo sa sala at nanonood sa TV. "Anong ginawa mo Lucien?" tanong ni Seraphim dahil nagtaka ito sa ginawa niyang iyon. "Agatha, ayos lang bang iparanas ko sa babaeng iyan ang karma?" tanong ni Lucien at dahil sa sinabing iyon ni Lucien ay agad na napalingon si Seraphim at Agatha sa kanya. "A-anong ibig mong sabihin, Lucien?" bulong ni Agatha kay Lucien at napangisi naman ang lalaki kay Agatha. "Tandaan mo 'to, Agatha. Ngayong ako na ang guardian devil mo, ang lahat ng magtangkang saktan ka ay makakaranas ng karma at iyon ang magiging kapalit sa mga kasamaan na gagawin nila laban sa iyo. Iyon ang magsisilbing hustisya para sa 'yo." seryosong paliwanag ni Lucien kay Agatha at dahil do'n kaya naman hindi agad nakapag-react ang dalaga. Matapos ang usapan nilang iyon ay muling kumilos ang dalaga. Ipinagpatuloy ni Agatha ang ginawa niya at matapos no'n ay agad siyang naghain sa lamesa ng makakain at saka umakyat para puntahan ang dalawang kapatid niya. Tulad ng ginawa ni Lucien kay Eleanor ay nag-ihip din si Lucien ng negative energy kay Ellie nang masaksihan ni Lucien kung paano nito sinigaw-sigawan si Agatha. Hindi rin akalain ni Lucien na sobrang pang-aabuso ang nararanasan ni Agatha sa kamay ng pamilya niya ngayon kaya naman naisip ni Lucien na gagawin niya ang lahat para balansehin ang buhay ni Agatha. "Ayos lang na madismaya at magalit," bulong ni Lucien kay Agatha at dahil sa ginawang iyon ni Lucien ay biglang napaharap sa kanya si Agatha habang nakahawak ito sa tenga niya. "A-anong ginawa mo?" namumulang tanong ni Agatha sa lalaki na ikinakunot naman ng noo ni Lucien. "Ano pa edi binubulungan ka ng dapat mong maramdaman," naguguluhang sagot ni Lucien at nakita niya namang hindi na nakasagot pa si Agatha at saka ito tumakbo patungo sa kwarto niya at saka isinara ang pintuan pero hindi makapaniwala si Agatha nang makita niyang tumagos mula sa pintuan si Lucien. "K-kaya mo rin tumagos mula sa mga pader?" hindi makapaniwalang sabi ni Agatha at dahil do'n kaya naman mahinang natawa si Lucien. "Oo naman, bakit hindi? 'Di ba sinabi ko na nga sayo na guardian devil mo ako?" nakangising sabi ni Lucien kaya naman nanlaki ang mga mata ni Agatha. "K-kung ganon h'wag mo akong susundan kapag naliligo ako maliwanag?" banta ni Agatha kay Lucien kaya naman ng ma-realize ni Lucien ang sinabi ni Agatha ay agad siyang tumikhim at napakamot sa batok. "S-syempre naman, anong tingin mo sa akin manyak?" seryosong sabi ni Lucien saka napaiwas ng tingin kay Agatha. "S-sige maiwan muna kita, maghahanda lang ako sa pagpasok ko," sabi naman ni Agatha saka lumabas ng kwarto nito matapos nitong kumuha ng damit mula sa aparador nito. "Hmm, mukhang may kakaibang tensyon akong nararamdaman sa inyong dalawa ah," nakangising sabi ni Seraphim kay Lucien. "Huh? Anong pinagsasabi mo riyan, Seraphim?" pagmamaangan ni Lucien kaya naman mahinang natawa si Seraphim. "Osiya, ako ng bahala kay Agatha. Maghanda ka na rin sa pagpasok ng paraalan, Lucien. Do'n na lang kayo ni Agatha magkita pag nagkatawang tao ka na." utos naman ni Seraphim kay Lucien. Kaya naman agad na tumango si Lucien at nagpalit ng anyo. At hindi gaya kanina ay may suot na ngayong damit si Lucien at uniform iyon sa unibersidad ni Agatha. "Mas maayos ka na ngayon tingnan, pero paano ka pala papasok sa paaralan ni Agatha?" tanong naman ni Seraphim. "Edi sa pamamagitan ng teleportasyon," mayabang na sabi naman ni Lucien kaya naman napangiti na lang si Seraphim sa sinabi ni Lucien. "O sige, mag-iingat ka. Huwag ka rin masyadong makikihalubilo sa mga tao ah. Bantayan mo lang si Agatha palagi." sabi ni Seraphim kay Lucien na sinang-ayunan naman ni Lucien saka nagpaalam kay Seraphim bago tuluyang maglaho si Lucien. "Huh? Nasaan na 'yon?" takang sabi naman ni Agatha matapos niyang pumasok sa kwarto niya at napansing wala na si Lucien. Agad na lang na inayos ni Agatha ang bag niya para maghanda sa pagpasok sa paaralan at dahil si Agatha na lang ang natitirang tao sa bahay nila dahil pumasok na ang mga kapatid niya habang si Eleanor naman ay pumunta sa kumare nito. Dali-daling lumabas ng bahay si Agatha at saka pumara ng jeep at saka sumakay patungo sa university na pinapasukan niya. At dahil walang kaibigan si Agatha sa school na pinapasukan niya sa kolehiyo ay sanay na siyang mag-isang pumapasok sa school. At mabuti na lang ay maaga siyang nakapasok sa school niya ng araw na iyon kaya naman nang makarating siya sa classroom nila ay wala pa ang professor nila. Maayos na naupo si Agatha sa likuran kung saan siya nakaupo palagi at dahil sa tabi siya ng binata nakaupo ay nararamdaman ni Agatha ang hangin na tumatama sa mukha niya. "Good morning class, today I want to tell you that from now on Mr. Kenward will be your classmate," nang marinig ni Agatha ang prof nilang nagsalita ay agad siyang natigilan. Nang makita ni Agatha ang studyanteng nakatayo sa harapan nila na kasama ng prof nila ay hindi niya maialis ang tingin sa lalaki. Kulay silver ang buhok nito na at kulay abo ang mata nito at kulay moreno din ang balat nito. Sa palagay ni Agatha ay nasa 5'7 din ang height ng lalaki at kung tititigan niya itong mabuti ay may pagkakahawig ito kay Lucien. Dahil sa sobrang pagtitig niya sa binata ay hindi niya napansin na nasa nakatayo na ang lalaki sa harapan niya at kasabay no'n ay naramdaman ni Agatha ang pag bilis ng t***k ng puso niya ng maamoy niya ang mabangong amoy ng lalaki at saka ito tumabi sa upuan niya. "Agatha," hindi inaasahan ni Agatha nang marinig niyang tawagin siya ng transferee. "T-teka, kilala mo ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Agatha at mas bumilis pa ang pagkabog ng puso niya nang makita niya ang napakagwapo nitong mukha na ngumisi sa kanya. "Ako 'to si Lucien," nakangising turan sa kanya ni Lucien at agad namang nanlaki ang mga mata ni Agatha. "S-seryoso ikaw ba talaga iyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Agatha na agad namang tinanguan ng binata. "Nalaman ko kasi kay Seraphim yung guardian angel mo na wala kang kaibigan sa school kaya naisip ko na magkatawang tao at sumama sayong pumasok sa school," nakangiting sabi ni Lucien at dahil do'n kaya naman napayuko si Agatha at saka siya napahawak sa dibdib niya dahil sa lakas nang t***k ng puso niya. Sa kabilang banda ay nakaramdam naman ng tuwa si Agatha nang marinig niya rin ang sinabi ni Lucien at naramdaman niya rin ang pangingilid ng luha niya dahil sa wakas ay hindi na siya mag-iisa sa school dahil ang guardian devil niya ay nagpasiyang tumayo bilang kaibigan niya sa school. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD