CHAPTER 3

1816 Words
Chapter 3: Persecute NANG magsimula ang klase nila Agatha ay nanatili naman siyang nakikinig sa prof nila. Diniscuss ng prof nila ang mga activities na gagawin nila next week at by partner iyon. Nang mapalingon si Agatha ay Lucien ay napanganga siya dahil maraming babaeng nagtatanong at lumalapit dito. "Hi! Lucien, right? Pwede ba kitang maging partner?" sabi ni Cindy isa sa mga kaklase ni Agatha. Pero hindi naman ito kinibo ni Lucien at parang walang interes ang lalaki sa mga sinasabi at tinatanong ng mga kababaihan sa kanya. "Ako, Lucien! Pwede tayong mag-partner. Promise, wala kang gagawin kapag ako ang pinili mong maging partner," ngumiti pa nang malandi si Scarlett. Ngunit gaya sa naunang babae ay hindi ito kinibo ni Lucien kaya naman ng akmang magtatanong pa ang ibang babae kay Lucien. Ay bigla namang natigilan ang mga ito. Maski si Agatha ay napatingin kay Lucien ng makita niyang humarap sa kanya ang lalaki at saka ito matamis na ngumiti kay Agatha. At sa hindi malamang dahilan ay bigla na kang tumibok nang mabilis ang puso ni Agatha. Napalunok nang ilang ulit si Agatha. "Agatha, gusto mo bang maging ka-partner ko?" nakangiting tanong ni Lucien. Kaya naman ng mapabaling si Agatha sa mga babaeng nakatayo sa harapan ng upuan ni Lucien, ay binigyan siya ng mga masasamang tingin ng mga babae. Hindi tuloy alam ni Agatha ang isasagot kay Lucien dahil sa mga nakakamatay na titig sa kanya ng mga babaeng may gusto maka-partner si Lucien. "Silence means yes, right? Ibig sabihin pumapayag ka na maging partner ko ah?" nakangising sabi ni Lucien kaya naman napasinghap si Agatha. "A-ano..." hindi rin naman naituloy ni Agatha ang sasabihin niya nang isa-isang bumalik sa mga upuan nila ang mga kababaihan na nangungulit kay Lucien kanina. "L-Lucien! S-sigurado ka bang ayos lang sa'yong maging partner ko?" kinakabahang bulong na tanong ni Agatha kay Lucien. Muli namang lumabas ang matatamis na ngiti ni Lucien ng tumingin ito kay Agatha. Kaya naman muling napalunok si Agatha. Inaamin ni Agatha na noong unang makita niya ang totoong anyo ni Lucien ay sobra siyang natakot. Pero ngayong nakikita niya na ito bilang isang tao ay hindi maikakaila ni Agatha na gwapo talaga si Lucien. Kaya naman hindi na nakakapagtaka na pinagkakaguluhan ito ng mga kababaihan dahil kahit sino namang babae ay magkakagusto sa kanya. "Oo, ayos lang na maging partner kita. Ang totoo kasi niyan hindi ko rin alam ang gagawin natin. Kaya ikaw talaga dapat ang maging partner ko," nakangising turan naman ni Lucien. Kaya naman napabuntong-hininga na lang si Agatha at saka marahang napailing. Sinasabi niya na nga ba at may dahilan talaga kung bakit siya ang gusto makapareho ni Lucien. Nakalimutan ni Agatha na hindi nga pala ito tunay na tao. Dahil guardian devil niya ito kaya naman wala ring magawa si Agatha kundi ang hayaan na lang si Lucien sa gusto nitong gawin. Kaya naman ng i-dismiss sila ng prof nila ay agad namang nagtayuan ang mga studyante at saka lumabas ng room nila. Kasalukuyang break time na kasi nila. At nagulat naman si Agatha ng ayusin ni Lucien ang upuan nito saka pinaharap sa upuan ni Agatha. "Kakain ka ba?" nakangiting tanong ni Lucien at nagtaka naman si Agatha sa tanong ni Lucien. Kaya naman ng mapansin din ni Seraphim na hindi makasagot si Agatha ay napabuntong-hininga na lang siya. "Lucien! Hindi, kakain si Agatha dahil hindi naman siya binibigyan ng pera ng step mom niya. Nagtatrabaho lang si Agatha ng palihim para magkapera kaya ayan. Tinitipid niya ang sarili sa pagkain dahil gusto niyang makapag-ipon para sa pansariling kailangan niya dahil hindi naman babayaran ng step mom niya ang tuition fee niya," paliwanag ni Seraphim. Kaya naman ng marinig ni Lucien ang sinabi ni Seraphim sa kanya ay parang kumirot ang puso ni Lucien. Nakaramdam siya ng awa para kay Agatha dahil hindi maikakaila ni Lucien na maraming masasamang tao sa mundo ng mga taga lupa. Kaya naman ng tumayo si Lucien ay agad niyang hinawakan sa braso si Agatha saka ito hinila palabas ng classroom nila. "Lucien, saan mo ako dadalhin?" nagtatakang tanong ni Agatha dahil hindi naman sila papunta sa cafeteria. "Wait ka lang. Malalaman mo rin kung saan kita dadalhin," prenteng sabi lang ni Lucien kay Agatha. Matapos nun ay nakarating sila sa garden ng school kung saan wala masyadong pumupuntang mga studyante. Agad namang pinaupo ni Lucien si Agatha sa isang bench na pabilog na may mesa at may silong. Iyon ang tinatawag nilang madalas na umbrella sa school. Nang makaupo naman nang tuluyan si Agatha ay kumunot agad ang noo niyang napatingin kay Lucien. Nakangiti ang lalaki at maya-maya pa ay pumikit ito saka umihip sa palad nitong nakatutok sa bibig nito. Matapos gawin iyon ni Lucien ay nanlalaki ang mga matang napasinghap si Agatha at agad na napatayo. Nakita lang kasi ni Agatha na may bigla na lang na lumitaw na mga pagkain sa harapan niya. "W-wow! A-ano ang mga ito, Lucien?" hindi makapaniwalang tanong ni Agatha sa lalaki. Mahina namang natawa si Lucien kay Agatha saka marahang hinaplos ang ulo ng dalaga. Kaya naman pinamulahan ng pisngi si Agatha sa ginawa ng binata. "Huwag kang maingay huh? Kami kasing mga guardians may mga kapangyarihan. Nalaman ko kasi kay Seraphim na hindi ka gumagastos sa pangkain mo kaya naisip ko na lang na gawan ka ng makakain mo gamit ang kapangyarihan ko," paliwanag naman ni Lucien kaya naman napanganga ang dalaga. May kung anong naramdaman si Agatha. Na-touch siya sa ginawa ni Lucien at hindi niya napigilang mapaluha. Sobrang tagal na kasi simula ng maramdaman ni Agatha na may tao pa rin na concern sa kanya. At ang katotohanang ang mga guardian pa ni Agatha ang gumagawa ng mabuti para sa kanya ay malaking kasiyahan na para kay Agatha. "Oh, bakit ka naman umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?" nagtatakang tanong naman ni Lucien kaya naman mahinang natawa si Agatha. "Hindi ah! N-natutuwa lang ako kasi n-ngayon na lang ulit may naging concern sa akin," mahinang sabi naman ni Agatha. Kaya naman kaagad na tinabihan ni Lucien si Agatha at saka ito niyakap at hinagod ang likuran nito. Nabigla pa si Agatha sa ginawa ni Lucien pero napayakap din naman siya pabalik sa binata. Napapikit pa si Agatha dahil naamoy niya ang bango ng uniform ng binata. Kaya naman ng magbitiw sila sa yakap nang isa't-isa ay pareho silang napangiti sa isa't-isa. Matapos nun ay nagpasiya na lang silang magsimulang kumain. Iyon lang din ang unang beses na may nakasabay kumain ulit si Agatha. Simula kasi ng lumaki siya kasama ang step mom niya ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makisalo sa pagkain ng mga ito. Kaya naman sa loob-loob ni Agatha ay nagpapasalamat siya dahil dumating at nakilala niya sa buhay niya si Lucien. Kahit papaano ay may nakakasama at may naging kaibigan siya. Nang matapos naman ang breaktime nila Lucien ay nagsiya pa na silang bumalik sa room. At dahil nakaramdam si Agatha na kailangan niyang pumunta sa banyo ay nagpaalam muna siya kay Lucien. "L-Lucien, mauna ka nang bumalik sa room. Pupunta lang ako sa banyo," paalam ni Agatha. "Hihintayin na lang kita sa labas," sabi naman ni Lucien pero agad ding nailing si Agatha. "Hindi na, mauna ka na." nakangiting sabu naman ni Agatha kaya naman napakamot na lang si Lucien sa ulo niya saka tumango bago naglakad pabalik sa room nila. Nagsimula namang maglakad si Agatha patungo sa banyo. At nang makapasok siya sa loob ng banyo ay hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari! "Ahhh!" napasigaw si Agatha ng maramdaman niya ang malamig na tubig na tumapon mula sa uluhan niya. Nang tumingala si Agatha ay nakita niyang may nakasabit na timba sa taas ng pintuan. Kaya naman ng mapatingin siya sa harapan niya ay agad niyang nakita sila Cindy at Scarlett na nakataas ang kilay habang nakangisi sa kanya. "Buti nga sa'yo! Dapat lang iyan sa'yo, Agatha! Dapat pinapaliguan ang tulad mong ubod ng dumi at landi sa katawan! Porke pinapansin ka ni Lucien, feeling mo maganda ka na?" pang-iinsulto sa kanya ni Cindy kaya naman naramdaman na lang ni Agatha ang pangingilid ng luha niya. "Naku! Ang sasama talaga ng mga babaeng ito! Asan ba kasi si Lucien?" nag-aalalang sabi na lang ni Seraphim habang pinapanood na kinakawawa ang alaga niya. At habang naglalakad pabalik si Lucien sa classroom nila ay bigla na lang naisipan ni Lucien na pumunta sa girls comfort room imbis na bumalik sa room nila. Hindi kasi malalaman ni Lucien ang nangyayari kay Agatha kapag nagkakatawang tao siya dahil humihina ang pakiramdam ni Lucien. At dahil sa instincts niya na maging isang guardian ay naisip niyang mas mabuti kung hihintayin na lang ni Lucien sa labas ng CR si Agatha. Nang makabalik si Lucien ay agad siyang nakarinig ng sigaw galing sa CR. At dahil kinutuban na si Lucien ay hindi niya na naisip pa na girls comfort room ang nasa harapan niya dahil bigla niya na lang iyong pinasok. Nakaramdam ng galit si Lucien ng makita ang mga babaeng pilit na kumakausap sa kanya kanina. At nang makita niya ang basang-basa na si Agatha ay mas nag-igting ang panga niya. "Ano ba sa tingin n'yo ang ginagawa n'yo ha?!" galit na sigaw ni Lucien sa mga babae kaya naman nagulat ang mga ito sa ginawa ni Lucien. "Hmp! Halika na nga girls!" anyaya ni Cindy sa mga kasama niyang babae saka lumabas ng banyo. Agad namang dinaluhan ni Lucien si Agatha na basang basa. Kaya naman ng lumapit si Lucien kay Agatha ay nakita niyang umiiyak ang dalaga. May kung anong dumurog sa puso ni Lucien ng makita ang maamong mukha ni Agatha na malungkot. "Lucien buti dumating ka! Iyong mga babaeng iyon kanina, sila talaga palagi ang nang-aapi sa alaga natin!" sumbong ni Seraphim. Kaya naman mabilis na nangunot ang noo ni Lucien dahil sa sinabi ni Seraphim. Bumuntong-hininga na lang si Lucien saka umihip sa palad niya para lumikha ng bagong uniform na pamalit para kay Agatha. "Agatha, ito... Magbihis ka muna," sabi naman ni Lucien saka inabot ang bagong uniform kay Agatha. "M-maraming salamat, L-Lucien!" pilit na ngiting sabi ni Agatha saka mabilis na naglakad papuntang cubicle. Agad din namang lumabas si Lucien sa banyo saka nagpasiyang maghintay sa labas. Unti-unti rin siyang nakakaramdam ng antok at hilo dahil malaki-laki na rin ang kapangyarihang nakukunsumo ng katawan niya. "Mabuti na lang talaga at dumating ka na sa buhay ni Agatha, Lucien. Hindi na ako masyadong mag-aalala para kay Agatha kapag walang nagtatanggol sa kanya," malungkot na turan ni Seraphim. "Huwag kang mag-alala, Seraphim. Hangga't nandito ako sa mundo ng mga tao hinding-hindi ko hahayaan na may manakit at may gumawa pa ulit nang masama kay Agatha. Bilang guardian devil niya, ay poprotektahan ko siya kahit na anong mangyari," mahina pero seryosong tugon naman ni Lucien sa sinabi ni Seraphim. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD