CHAPTER 1

1755 Words
Chapter 1: Meeting BILOG na bilog ang buwan ng makarating si Lucien sa bahay nila Agatha. Dumaan ang lalaki sa bintana ng silid ni Agatha at nakita naman ni Lucien ang isang babaeng maputi, makinis ang balat, itim ang buhok at may maamong mukha. "Huy, dito ang tingin!" Agad na napalingon naman si Lucien sa isang tabi kung saan nakatayo si Seraphim at nakatingin lang kay Agatha. "Ikaw ba ang pinadala ni Lucifer na magiging guardian devil ni Agatha?" agad na tanong ni Seraphim sa lalaki. Lumapit naman si Lucien kay Seraphim saka inabot ni Lucien ang kamay para makipagkilala rito. "Ikinagagalak kong makilala ka, ako nga pala si Lucien isa sa mga anak ni Lucifer, at tama ka ako nga ang ipinadala niya para maging guardian devil ni Agatha, at ikaw naman si?" "Seraphim ang pangalan ko. Ako ang tumatayong guardian angel ni Agatha. Pasensya ka na kung na abala kita, kailangan ko lang talaga ng katulong para balansehin ang buhay ni Agatha. Alam mo kasi si Agatha espesiyal siya at hindi siya tulad ng ibang tao." paliwanag ni Seraphim at pa tuloy lang naman itong pinakinggan ni Lucien. "Hindi tulad ng iba, hindi marunong makaramdam ng galit o ng mga negatibong emosyon dahil walang bumubulong sa kanya para makaramdam no'n. Naaawa na ako kay Agatha dahil hindi man lang niya mabigyan ng hustisya ang sarili sa tuwing pinagmamalupitan siya ng mga kasamahan niya dito sa bahay nila, kaya naman aasahan ko na tutulungan mo ako sa pag gabay sa kanya," dagdag pa ni Seraphim. "Huwag kang mag-alala, makakaasa kang tutulungan ko kayo ni Agatha." sabi naman ni Lucien, kaya naman matapos ang pag-uusap nilang iyon tungkol sa dalaga ay agad naman na pumwesto at umupo si Lucien sa labas ng binta ni Agatha. Tahimik lang na pinagmamasdan ni Lucien at ni Seraphim si Agatha na mahimbing na natutulog ngunit agad din silang naging alerto ng magsimula nang gumalaw ang dalaga sa higaan nito. Kasabay ng pag-upo ni Agatha sa higaan niya ay siya namang pag-unat nito. Dumilat ang dalaga saka humikab bago tumayo sa higaan nito at nang humarap ito sa bintana ay parehong nagulat si Seraphim at Lucien ng bigla na lang napaupo sa sahig ang dalaga. "S-sino ka?!" sigaw ng dalaga habang takot na takot itong nakatingin kay Lucien. "T-teka?! Nakikita ka niya, Lucien!" nagpa-panic na saad naman ni Seraphim kay Lucien. Kaya naman agad na napatayo si Lucien sa harapan ni Agatha, at kasabay naman nang ginawang iyon ni Lucien ay siya namang pag-atras ni Agatha nang makatayo ito mula sa pagkakaupo. "Nakikita mo ako?" mahinahong tanong ni Lucien sa dalaga at nakita niya namang takot na takot itong tumango sa kanya. "S-sino ka? H-halimaw ka ba? P-papatayin mo ba ako?" takot na takot na tanong ni Agatha dahil nakita niya ang kabuuan ng lalaki. Kulay silver ang buhok nito na abot sa batok nito at may mahabang buhok ito sa magkabilang gilid, at ang kulay naman ng mata nito ay itim ang paligid habang kulay pula naman ang gitna ng mga mata nito. Kulay brown ang pakpak nito at may dalawa rin itong kulay pula na sungay habang nakasuot ito ng kulay itim na blazer habang nakatambad naman ang dibdib at tiyan nitong may abs, at may pagkamoreno din ito. "Ano? Hindi ah! Hindi ako halimaw. Hindi ko alam kung paano mo ako nakikita samantalang hindi mo naman nakikita si Seraphim pero ito lang ang masasabi ko. Ako ang guardian devil mo, ako si Lucien at ngayon lang ako pinadala ni Ama para maging guardian devil mo, si Seraphim naman ang guardian angel mo." mahabang paliwanag ni Lucien. At dahil sa sinabing iyon ni Lucien ay kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Agatha. "I-ibig sabihin ba hindi mo ako sasaktan?" takot na tanong ng dalaga kay Lucien. "Oo naman, nandito nga ako para protektahan ka. Siguro kaya mo ako nakikita dahil ngayon lang ako dumating sa buhay mo, hindi tulad ni Seraphim na nasa tabi mo na simula pa lang ng ipanganak ka." paliwanag naman ni Lucien kaya naman natahimik si Agatha. "Lucien, ayos lang bang pinaalam mo kay Agatha kung sino ka?" takang tanong naman ni Seraphim kay Lucien kaya naman tumango lang ang binata. "Siya nga pala, isa sa mga misyon ko ay turuan kang makaramdam ng mga negatibong emosyon tulad ng pagkadismaya, galit, hinanakit, sama ng loob at iba pa. Iyon kasi ang mga hindi mo naranasan dahil walang bumubulong at gumagabay sa 'yo," dagdag pa ni Lucien kaya naman tumango lang si Agatha. Matapos ang pag-uusap nilang dalawa na 'yon ay agad namang nagpaalam si Agatha na magpunta sa banyo para umihi at nang makabalik si Agatha sa kwarto niya ay sinabihan niya si Lucien na kailangan niya pang magpahinga na hindi naman pinigilan ni Lucien. Kaya naman ng muling bumalik si Agatha sa pagtulog ay muling nag-usap ang dalawang guardian angel. "Lucien, sigurado ka bang ayos lang na ipaalam na guardian devil ka ni Agatha?" nag-aalalang tanong ni Seraphim kay Lucien. "Hindi ako sigurado, pero wala naman kasi tayong magagawa kung nakikita niya ako habang hindi ka naman niya nakikita. Isa pa, maigi rin siguro na nakikita niya ako para mas madali ko siyang mabulungan at mas madali ko rin siyang maprotektahan," seryosong sagot naman ni Lucien. At dahil sa sinabi ni Lucien ay napahilot na lang si Seraphim sa sintido niya. "Ano pa bang magagawa ko? Basta siguraduhin mo lang na wala ng mang-aabuso sa alaga natin," "Makakaasa ka sa akin Seraphim, kaya ngayon pa lang sabihin mo na sa akin ang iba ko pang hindi nalalaman tungkol kay Agatha para mapadali ang misyon ko," sabi naman ni Lucien. Kaya naman matapos iyon sabihin ni Lucien kay Seraphim ay agad na sinabi ni Seraphim sa lalaki kung anu-anong nararanasan ni Agatha sa poder ng pamilya niya at kung anong nangyayari sa kanya kapag nasa paaralan naman siya. "May naisip ka na bang sulusyon para maiwasan ang mga bagay na sinabi ko sa 'yo?" tanong naman ni Seraphim. "Wala akong ideya na sobrang buti pala ni Agatha, pero sa ngayon isa pa lang ang naiisip kong paraan. Gaya nga rin nang sabi mo sa akin ay walang kaibigan si Agatha kaya naman gagamitin ko ang kapangyarihan ko para lumikha ng katawang lupa, at saka ako magpapanggap na tao para maipagtanggol at maprotektahan ko si Agatha," seryosong paliwanag naman ni Lucien na ikinabigla ni Seraphim. "T-teka! Hindi kaya masyadong delikado 'yang gagawin mo? Paano kapag nalaman ni Lucifer na ginamit mo ang kapangyarihan mo para magpanggap na isang tao? Saka paano ka naman nakakasiguro na mas makakabuti at makakatulong iyon kay Agatha," nag-aalalang sabi naman ni Seraphim kaya naman napabuntong-hininga na lang si Lucien. "Nakapagdesisyon na ako, magpapanggap akong tao para walang manakit kay Agatha kapag nasa paaralan siya at kapag nasa trabaho na siya at nandito na siya sa bahay nila saka ako babalik sa tunay kong anyo para mabantayan ko pa rin siya, hindi mo naman kailangan mag-alala ng sobra dahil makakausap mo pa rin ako kahit magkatawang tao ako," mahabang lintanya naman ni Lucien. At dahil do'n ay nagpasiya na lang si Seraphim na hindi na siya makikipagdebate pa kay Lucien dahil alam niyang buo na ang desisyon nito kaya naman saglit na natahimik ang anghel at sandaling nag-isip. "Para makapasok ka sa unibersidad na pinapasukan ni Agatha kailangan mo rin maging istudyante sa paraalan niya, pero para magawa mo iyon kailangan mong magparehistro. Hindi kaya maging masama ang epekto no'n sa 'yo kapag nasobrahan ka sa paggamit ng kapangyarihan mo?" turan ni Seraphim kay Lucien. "Huwag kang mag-alala dahil sinanay kaming mabuti kung paano namin magagamit ng maayos ang kapangyarihan namin, saka isa pa anak ako ni Lucifer kaya wala kang dapat ikabahala. Gagawin ko lang naman ang sinabi mo sa akin kung paano ako makakapasok sa paaralan ni Agatha bilang isang studyante hindi ba?" sabi naman ni Lucien. Kaya naman matapos nilang mag-usap ay agad na inilabas ni Seraphim ang mahiwagang papel gamit ang kapangyarihan niya para ipakita kay Lucien ang mga impormasyon tungkol kay Agatha. Nakita rin ni Lucien na sa Grand View University nag-aaral si Agatha sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSEd) Major in Social Studies. Kaya naman matapos makita iyon ni Lucien ay agad niyang ginamit ang kapangyarihan niya para makalikha ng student's application form sa GVU. Matapos niyang lumikha ng form ay agad na napabaling si Lucien kay Seraphim. "Kailangan kong isulat dito sa papel ang pangalan at edad ko, iyon na lang ang kailangan kong isulat dahil nakasulat na dito ang ibang impormasyon na kailangan nila," sabi ni Lucien. "Kung pangalan mo na lang ang isulat mo diyan tapos ang apilyedo mo na lang ay... hmm, ano bang magandang isulat mo diyan?" nag-iisip na sabi ni Seraphim habang nakapalumbaba pa ito. "Ah, may naisip ako! Bakit hindi na lang Kenward ang isulat mo bilang apilyedo mo? Lahat kasi ng tao dito ay gumagamit ng ikalawang pangalan at sa kaalaman ko ang ibig sabihin din ng Kenward ay guardian, at sa edad naman ilagay mo na lang na dalawampu't isang taong gulang ka na. Ano sa tingin mo?" nakangiting suhestiyon ni Seraphim. "Hmm, mukhang maganda nga iyang suhestiyon mo. Sige iyan na lang ang ilalagay ko dito," pagkasabi no'n ni Lucien ay ginamit nito ang kapangyarihan para maisulat sa papel ang suhestiyon sa kanya ni Seraphim.  Pagkatapos sagutan ni Lucien ang papel ay saka nito ginamit ang kapangyarihan para maisama ang papel na sinagutan niya sa files ng university nila Agatha bilang isang transferee student. "Isa na lang ang kailangan mong gawin Lucien. Kailangan mong ipakita sa akin ang katawang tao na anyo mo," seryosong sabi naman ni Seraphim kay Lucien. Kaya naman huminga ng malalim at saka pumikit si Lucien para makakuha ng malakas na enerhiya mula sa devil form niya, at pagkatapos no'n ay bigla na lang lumiwanag ang buong katawan ni Lucien at nang mawala na ang liwanag ay tuluyan na ngang nagbago ang anyo ni Lucien. Hubo't-hubad ang katawan ni Lucien habang ang kulay ng buhok niya ang nanatili pa ring kulay silver ngunit hindi tulad sa tunay na haba ng buhok ni Lucien ay mas umiksi ang buhok ni Lucien sa anyo niya ngayon. At ang kulay itim at pula niyang mata ay tulad sa mata ng tao ay naging puti rin ito habang ang gitna naman ng mga mata niya ay naging kulay abo. Kasabay ng pagpapalit anyo ni Lucien ay nawala na rin ang sungay at pakpak niya kaya naman tuluyang nagbago ang itsura ni Lucien. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD