CHAPTER 7

1637 Words
Chapter 7: Park HINDI naman sumakay sila Agatha kaya naman nagsimula ng magtaka ang dalaga. Hanggang ngayon kasi ay naglalakad pa rin sila ni Lucien at hindi alam ni Agatha kung saan siya dadalhin ng binata. "Lucien saan ba tayo pupunta?" hindi na napigilan ni Agatha ang magtanong. Kaya naman ng lingunin ni Lucien si Agatha ay binigyan niya lang nang matatamis na ngiti ang dalaga. At dahil sa ginawang iyon ni Lucien ay mas lalong nagtaka si Agatha. Nang mapatingin si Agatha sa wristwatch niya ay nakita niyang alas-siyete pa naman ng umaga. At dahil alas-otso pa naman ang pasok nila ay hindi na kailangan mag-alala ni Agatha na baka late na sila sa klase nila ngayon. Agad namang napatingala si Agatha kay Lucien ng maramdaman niya ang mahigpit na pagkakahawak ni Lucien sa kamay niya. Nang tumingin si Agatha sa harapan nila ay napanganga siya dahil hindi niya inaasahan ang makikita niya. Huminto lang naman sila ni Lucien sa park. Hindi alam ni Agatha kung anong dapat maramdaman ng mga sandaling iyon. Matagal na kasi simula ng makapunta si Agatha sa park. Biglang naalala ni Agatha na noong nabubuhay pa ang ina niya at kasama pa nila ang ama niya palagi silang nasa park. Kaya naman wala sa sariling naglakad si Agatha papunta sa isang bench at napaupo doon habang nililibot niya ang paningin niya. "Mukhang masaya si Agatha, Lucien ah?" masayang turan ni Seraphim kaya naman napangiti si Lucien. "Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko sa'yo?" tanong ni Lucien. Kaya naman pagak na napatawa si Agatha saka nagsimulang mapaluha. Kaya naman nagsimulang mapabuntong-hininga si Lucien dahil hindi niya inaasahan na magiging emosyonal ang dalaga. Kaagad na tumabi si Lucien sa bench kung saan nakaupo si Agatha saka ito inakbayan at nag-aalalang tiningnan ang mukha nito. "Hindi ka ba masaya na dinala kita rito?" nag-aalalang tanong ni Lucien kaya naman mabilis na umiling si Agatha. "H-hindi naman sa ganun! A-ano kasi, sobrang saya ko lang k-kasi naalala ko si Mama at Papa," mahinang sabi ni Agatha. "Bakit ano bang nangyari?" hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ni Lucien. Kaya naman ng magsimula na lumuha ng tuloy-tuloy ang mata ni Agatha ay nagsimula ng punasan ni Lucien ang pisngi ni Agatha gamit ang hinlalaki niya. "Bakit ka ba umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Lucien kaya naman napahawak si Agatha sa kamay ni Lucien saka marahang ngumiti. "M-maraming salamat, Lucien. P-pasensya ka na kung masyado akong naging emosyonal. I-Itong park kasi na 'to ang natitirang ala-ala ko sa mga magulang ko. N-noong bata pa kasi ako palagi kaming pumupunta rito eh. N-na-miss ko lang na pumunta rito kasama sila," sabi ni Agatha at nagtuloy-tuloy na nga ang pag-iyak niya. Kaya naman wala ng ibang nagawa si Lucien kundi ang hawakan sa ulo si Agatha at isandal sa dibdib niya ang mukha ng dalaga. Niyakap na lang ni Lucien si Agatha saka marahang hinagod ang likuran niya. "Kung nasaan man ang mga magulang mo ngayon, sigurado akong proud sila sa'yo dahil naging matapang ka..." pagpapalakas ni Lucien sa loob ni Agatha kaya naman mas napasubsob si Agatha sa dibdib ni Lucien. Napayakap din siya nang mahigpit sa lalaki. Naisip ni Agatha na siguro ay hindi niya kakayanin ang lahat ng problema niya kung hindi niya nakilaka si Lucien. Sobrang sarap kasi sa pakiramdam ni Agatha kapag kino-comfort at pinagtatanggol siya ng binata. Pakiramdam kasi ni Agatha ay kahit papaano ay may mga tao pa rin namang nag-aalala sa kanya. Kaya naman kahit guardian lang ito ni Agatha ay unti-unting nagkakaroon ng spot si Lucien sa puso ni Agatha. Unti-unti na rin kasing nagiging mahalaga si Lucien para sa dalaga. "Guardian devil kita p-pero napakabuti mo sa akin, Lucien. H-hindi mo kasi ako tinuturuang gumawa ng masamang bagay kahit na nakikita mo kung gaano ako nahihirapan. Sa halip ay tinutulungan mo pa akong ipagtanggol ang sarili ko," seryosong sabi ni Agatha ng huminto sa pag-iyak. "Hindi naman lahat ng guardian devil at mga demonyo ay masasama. Sa katunayan niyan kaming mga devil at demons ang nagpaparusa sa mga makakasalanang kaluluwa," paliwanag naman ni Lucien kaya naman napabilib si Agatha sa sinabi ni Lucien. "Teka, Agatha. Diyan ka na muna... Hintayin mo ako may bibilhin lang ako," agad na bilin ni Lucien kay Agatha kaya naman walang nagawa ang dalaga kundi maghintay sa kinauupuan niya. Nang makalayo si Lucien ay agad itong nagpunta sa ice cream vendor at bumili ng sorbetes para sa kanila ni Agatha. At dahil palaging naghahanda si Lucien ng pera sa tuwing nagkakatawang tao siya ay hindi naging mahirap sa kanya ang bayaran ang pinamili niya. Nang makalakad pabalik sa kinauupuan ni Agatha ay nakita ni Lucien na nanlalaki ang mga mata ni Agatha at natatakam sa ice cream na hawak niya kaya naman palihim na napangiti si Lucien. Hindi talaga maiwasang mamangha ni Lucien sa mga nagiging reaksyon ni Agatha. Para kasi itong bata na takam na takam sa pagkain. Kaya naman mabilis na inabot ni Lucien ang ice cream na hawak niya kay Agatha saka binigyan nang matamis na ngiti si Lucien. "Maraming salamat!" masayang pasalamat ni Agatha saka nito sinimulang kainin ang ice cream na hawak. Ganun din naman ang ginawa ni Lucien. Saglit lang naman silang kumain kaya naman nang matapos kumain nila Agatha at Lucien ay tumayo na kaagad sila. Muling hinawakan ni Lucien ang kamay ng dalaga. At dahil sa pagtambol ng puso ni Agatha ay hindi niya rin maiwasang maisip na mukha silang magkarelasyon ng binata dahil sa paraan ng paghahawakan nila ng kamay. "Saan mo naman ako dadalhin ngayon?" nagtatakang tanong ni Agatha pero hindi naman siya sinagot ni Lucien kaya naman nanatiling walang kibo si Agatha. Nang makahinto sila sa isang claw machine sa harap ng toy store ay agad namang nakarandam ng excitement si Agatha. "Gusto mo i-try?" nakangiting tanong Lucien sa dalaga kaya naman mabilis na tumango si Agatha. Nang magsimula ng maghulog ng barya si Lucien ay agad namang pumwesto si Agatha saka nag-focus sa pagkuha ng premyo. Nakailang beses din ng hulog si Lucien sa claw machine dahil ilang beses ding natalo si Agatha. "Bakit ayaw makuha nung teddy bear?" malungkot na turan ni Agatha kaya naman sabay na natawa nang mahina sila Lucien at Seraphim. Agad namang ginulo ni Lucien ang buhok ni Agatha saka inagaw ang control ng claw machine kay Agatha. "Kukunin ko 'to para sa'yo," kampanteng sabi ni Lucien saka kumindat pa kay Agatha. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang napasinok si Agatha dahil hindi niya inaasahan na sobrang lakas ng appeal ni Lucien sa kanya. Kaya naman nagpatuloy na lang si Agatha sa panonood sa lalaki habang seryoso itong gumagamit ng claw. Nang makuha ni Lucien ang teddy bear ay bigla na lang nahulog ito kaya naman pareho sila Agatha at Lucien na nagreklamo. "Kaya mo 'yan, Lucien!" pagchi-cheer naman ni Agatha sa binata kaya naman napangiti si Lucien. Ngunit nakailang beses na ring nakahulog ng barya si Lucien ngunit hindi pa rin nila nakukuha ang teddy bear. Kaya naman sa inis ni Lucien ay ginamitan niya na lang nang kapangyarihan ang claw nang hindi nahahatala ni Agatha. Nang kumapit na nang tuluyan ang teddy bear sa claw ay napahiyaw sila sa tuwa ni Agatha nang maihulog na ang papremyo. "Agatha, para sa'yo nga pala." nakangiting sabi ni Lucien saka inabot ang pink na teddy bear kay Agatha. Hindi naman mapantayan ang sayang nararamdaman ni Agatha habang yakap ang teddy bear na bigay ni Lucien sa kanya. Ito lang kasi ang unang beses na may nakasama siyang gumala at maglaro ng arcade sa labas ng school. Sobrang masaya si Agatha na nagkaroon siya ng kaibigan na tulad ni Lucien. Hindi lang kaibigan dahil guardian niya rin ito kaya naman kahit papaano ay nakalimutan ni Agatha ang iniiyakan niyang problema kagabi. Nagsimula naman silang maglakad ulit ni Lucien sa park. At gaya kanina ay magka-holding hands na naman sila ng binata. Malamig ang kamay ni Lucien at hindi alam ni Agatha kung malamig lang ba ang kamay ni Lucien dahil nilalamig ito, o baka naman ay dahil hindi naman talaga ito tao. At habang naglalakad si Agatha at Lucien ay hindi naman nakatakas sa paningin ni Agatha ang dress na palagi niyang nakikita sa dress shop noong bata pa siya. Dahil napansin ni Lucien na napahinto si Agatha sa paglalakad ay napabaling naman ang lalaki sa dalaga. Nang makita ni Lucien na kumikinang ang mga mata ni Agatha sa dress na tinitingnan nito ay agad namang napatingin si Lucien sa palad niya. Matapos nun ay palihim siyang lumikha ng pera saka iyon marahang binigay sa kamay ni Agatha. Kaya naman ng mapatingin si Agatha sa palad niyang may hawak na pera ay halos lumuwa na ang mga mata ni Agatha. "L-Lucien, ano 'to?" nagtatakang tanong ni Agatha. "Pera. Ano bang tawag diyan sa hawak mo?" kunot-noong tanong naman ni Lucien. "Hindi! A-ang ibig kong sabihin para saan ang pera na ito? Bakit inaabot mo sa akin?" paliwanag naman ni Agatha. "Ah, huwag kang mag-alala. Totoong pera iyang hawak mo at hindi galing sa masamang bagay. Sa akin galing iyan at nilikha ko iyan para sa'yo. Ayoko kasing nakikita na may gusto kang bagay na hindi mo makamit kaya binigay ko 'yan sa'yo. Mukhang gusto mo kasi iyong damit kaya bilhin mo na iyon habang naka-display pa," nakangiting sabi ni Lucien. Kaya naman nang marinig ni Agatha ang sinabi ng binata ay hindi na naman niya napigilang maging emosyonal. Hindi talaga siya binibigo ng binata. Palagi na lang siyang pinapakitaan ng kabaitan nito. Hindi alam ni Agatha kung kaya niya pa bang mabuhay kapag nawala na si Lucien sa tabi niya. Sobra-sobrang saya kasi ang binibigay ng binata sa kanya at ang mga bagay na hindi niya nararanasanan noon. Ay nararanasan niya na ngayon nang dahil kay Lucien. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD