CHAPTER 8

1528 Words
Chapter 8: Embarrassment HINDI naman nahuli sa klase sila Agatha. Maaga pa rin naman ng makapasok sila sa school. At hanggang ngayon ay hindi mapawi ang sayang nararamdaman niya dahil nabili na rin sa wakas ni Agatha ang dress na gusto niyang mabili noon pa. At dahil papasok pa sila ay nilagay na lang muna ni Agatha ang teddy bear at dress na binili niya sa bag niya para hindi makita iyon ng mga kaklase nila. Kaya naman matapos ang dalawang subject nila ay nagsimula na sila Agatha na lumabas ng classroom nila. Ngayon na kasi sila pupunta sa mga club na sinalihan nila. Kaya naman magkasabay sila ni Lucien na naglalakad patungo sa Acting Club. Nang makarating sila sa Acting Club room ay agad namang naupo sila Agatha at Lucien sa may bandang dulo na upuan. At dahil agaw pansin naman talaga ang kagwapuhan ni Lucien ay napapansin agad ni Agatha na tumitingin ang mga kasama nila sa room kay Lucien. Pero kahit na pinag-uusapan at pinagtitingnan na ang binata ay parang wala lang itong pakialam sa paligid nila. Nilalaro lang kasi ni Lucien ang ballpen na hawak nito habang naghihintay sa iba pa nilang kasama. Kaya naman ng makita ni Agatha na dumating ang iba pa nilang kasama sa club ay nanlaki agad ang mata ng dalaga. Nakita niya kasi sila Cindy at Scarlett na pumasok sa loob ng club. Kaya naman napaiwas kaagad si Agatha ng tingin. Nang makumpleto na silang lahat ay nagsimula namang tumayo ang president ng club. "Okay, dahil kumpleto na tayo ay magsisimula na ako sa announcement. Sa susunod na linggo ay magkakaroon tayo school festival. At dahil Acting Club tayo ay kailangan natin maghanda ng ipe-perform sa araw na iyon. May naisip na kami nang story ng vice president na paggagayahan natin," paliwanag ng president ng club nila Agatha. Kaya naman tinuon ni Agatha ang atensyon niya sa pakikinig. Binanggit na rin ng president nila ang storyang itatanghal nila kaya naman hindi maiwasan ni Agatha na kabahan. Ito kasi ang unang beses na ipapakita niya ang talento niya sa pag-arte. At pinapanalangin ni Agatha na sana ay maganda ang makuha niyang role. "Ngayon ay kailangan natin nang magiging prinsipe sa play," pagkasabi ng president nila nun ay biglang nagtaas ng kamay sila Cindy. "Si Lucien! Ang gwapo niya naman at bagay sa kanya ang maging prinsipe sa play!" suhestiyon nila Cindy kaya naman agad namang napatingin ang president ng club nila Agatha kay Lucien. Agad namang kumunot ang noo ni Lucien dahil mukhang wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari. Nakita pa ni Agatha na nag-usap pa ang president at vice president nila. "Mukhang tama ka, Cindy. Ang magiging prinsipe natin ay si Lucien at si Cindy naman ang magiging prinsesa. Si Scarlett naman ang magiging kapatid ni Cindy sa play," anunsyo ng president nila. Bigla namang napasimangot si Agatha dahil sa narinig niya. Hindi naman sa umaasa si Agatha na mapipili siya bilang prinsesa. Kung ikukumpara kasi ang itsura ni Agatha ay mas may style sa pananamit si Cindy at mas marunong mag-ayos ng sarili kaysa kay Agatha na simple lang. Nang lumingon si Lucien kay Agatha ay agad namang kumunot ang noo ng binata dahil nakita niyang mukhang nalulungkot ang dalaga. "Mukhang malungkot yata si Agatha. Naririnig ko ang nasa isip niya at mukhang hindi niya gusto ang naging resulta," malungkot na sabi ni Seraphim kay Lucien. Kaya naman akmang magsasalita na si Lucien nang biglang magsalita ulit ang president nila. "Ngayon ay kailangan naman natin ng magiging maid ng prinsesa sa play," sabi ng president nila at agad namang nagtaas ulit ng kamay si Cindy. "Si Agatha! Si Agatha ang bagay sa role na iyon. Sa itsura niyang iyan ay magmumukha na siyang katulong lalo kapag pinagbihis n'yo siya ng maruming damit," suhestiyon ni Cindy at saka naman nagtawanan ang mga studyante sa paligid nila. At dahil hindi naman nagustuhan ni Lucien ang pang-iinsultong ginagawa nila kay Agatha ay agad siyang nagtaas ng kamay. "Excuse me. Pwedeng ibang prinsipe na lang? Mas gugustuhin ko pa kasing maging partner ng isang maid kaysa sa mapanglait na prinsesa," Nang sabihin iyon ni Lucien ay narinig naman ni Agatha na nagsinghapan ang mga studyanteng kasama nila. Maski ang president ng club ay napanganga sa sinabi ni Lucien. Habang si Lucien naman ay nakaseryoso lang ng tingin sa kanilang lahat. Kaya naman napatawa nang pagak si Cindy dahil hindi nito inaasahang sasabihin iyon ni Lucien. "Teka, Lucien! Hindi ka na pwede magpalit. Nailista ka na namin at ikaw ang pinakabagay na gumanap para sa role ng prinsipe," natatarantang sabi naman ng president nila. "Paano ba iyan? Ayoko ng role na binibigay n'yo sa akin. Ibigay n'yo na lang na role sa akin ay iyong hardinero. Mas gusto ko pa makasama sa play si Agatha sa backstage habang naghihintay kung kailan kami lalabas sa play," seryosong sabi ni Lucien kaya naman nagsimula na magbulungan ang mga ka-member nila Agatha sa club. At dahil napansin naman ni Agatha na masasama ang mga tingin sa kanya ng mga kasama nila ay napayuko na lang ang dalaga. Napaisip si Agatha na bagay naman talaga si Lucien sa role na binigay para sa kanya. Isa pa ay play lang naman iyon at maayos na ring may role si Agatha kaysa mapasama sa mga taga-ayos lang ng play. "Lucien, tama naman sila. Mas bagay sa'yo ang role na prinsipe. Isa pa wala namang hardinero na role sa play natin. Huwag kang mag-alala ayos lang naman sa'kin maging katulong. Ang mahalaga may role ako kaysa naman wala," nakangiting sabi ni Agatha kaya naman tumaas ang kilay ni Lucien sa sinabi ng dalaga sa kanya. "Hmp! Ayoko pa din. Ayokong makasama sa play ang babaeng iyan. Mas lalo namang ayoko makapareha dahil baka kung ano lang magawa ko sa play pag dumikit sa akin ang babaeng iyan," bakas ang pagkainis sa boses ni Lucien ng sabihin iyon kay Agatha. At dahil mahina lang naman ang boses nilang dalawa ay hindi naman naririnig ng mga kasama nila sa club ang pinag-uusapan nila. Kaya naman hindi maiwasan ni Agatha na matawa nang mahina dahil alam ng dalaga na inis na inis ito kila Cindy. "Ano ka ba, Lucien! Pagtiisan mo na lang si Cindy. Isa pa makakasama mo naman ako sa play kaya pumayag ka na sa gusto nila," sabi naman ni Agatha. Napanguso at napasimangot pa si Lucien dahil mukhang ayaw talaga nitong makapareha si Cindy. Kaya naman napabuntong-hininga na lang si Agatha. "Lucien, please? Isipin mo na lang na ginagawa mo 'to para sa'kin. Gusto rin kasi kita makitang nakasuot ng costume ng prinsipe. Sige na please?" pagmamakaawa ni Agatha kaya naman natahimik si Lucien. "Lucien pagbigyan mo na si Agatha. Sincere naman siyang nagmamakaawa sa'yo eh," nakangiting sabi naman ni Seraphim. Kaya naman napabuntong-hininga si Lucien bago napabaling ulit kay Agatha. Nakita naman ng binata na mukhang sinsero itong nakiki-usap sa kanya kaya naman mas lalong walang magawa si Lucien kundi ang pumayag na lang. "Pumapayag na 'kong maging prinsipe, pero ayokong umarte ng hindi kasama si Agatha sa lahat ng scene," seryosong sabi ni Lucien. "Huh? E-edi anong gagawin namin..." nag-aalinlangang tanong ng president nila. "Gusto ko lahat ng scene na meron ako ay meron din si Agatha. Kapag nawalan siya ng scene sa play hindi ako magpa-participate sa bawat scene na wala si Agatha," seryosong sabi naman ni Lucien. Nakita naman ni Agatha na napakamot sa ulo ang president at vice-president nila. Ngunit sa huli ay wala ring nagawa ang mga ito kundi ang sumang-ayon sa gusto ni Lucien. Ang naisip lang nilang paraan ay ang baguhin ang bawat scene ng play na dapat ay hindi kasama si Agatha. Kaya naman sa huli ay ginawa na lang si Agatha na personal maid ni Cindy. Kaya naman ng makita ni Agatha na tumitingin si Cindy sa kanya ay iniirapan naman siya agad ng babae. Mukha kasing hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Lucien kanina. At dahil dun ay walang ibang nagawa si Agatha kundi ang manahimik na lang sa isang tabi. Hindi naman kasi makapag dahilan si Agatha dahil alam niyang masisira lang ang desisyon ni Lucien. Kaya naman nang matapos ang meeting nila sa club ay agad nilang narinig ang pag-ring ng bell. At dahil breaktime na nila ay nagpasiya ng tumayo sila Agatha at Lucien para sana umalis ng club room. "Lucien, pre! Di ba wala ka pang sinasaling sports? Gusto mo ba subukang mag try out ng basketball? Kulang kasi kami ng team para sa sports festival," sabi naman ng kaklase nila Agatha na lalaki na humarang sa kanila. Agad namang nangunot ang noo ni Lucien at saka napabaling kay Agatha. Nag-aalangan namang napangiti si Agatha ng makitang nakatingin din sa kanya ang mga lalaking kumakausap kay Lucien. "A-ah nga pala, Lucien. M-mauna na ako sa'yo sa cafeteria. Hintayin na lang kita dun. Mukha kasing may gusto pa sabihin sa'yo 'tong mga kaklase natin eh, bye!" pagkasabi ni Agatha nun ay mabilis niyang nilagpasan ang mga ito. Narinig pa ni Agatha na ilang beses pa siyang tinawag ni Lucien pero hindi na siya lumingon sa lalaki saka nagpasiyang dumiretso sa cafeteria ng school nila. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD