Chapter 6: Comfort
TAHIMIK lang na umiiyak si Agatha sa may kama niya habang ang mga guardians niya naman ay nakamasid lang sa kanya.
Hindi naman maiwasang makaramdam ng pagsisisi at pagkaawa si Lucien kay Agatha. Hindi kasi alam ni Lucien kung dapat lang ba na hinayaan niyang magalit ang dalaga dahil sa huli ay nasaktan lang ito.
"Agatha?" tatlo naman silang napabaling sa pintuan ni Agatha ng marinig nilang may tumawag sa pangalan ni Agatha.
Mabilis naman nagpunas ng luha si Agatha saka tumayo sa kama niya para maglakad patungo sa pintuan ng kwarto niya.
Nang mabuksan na ni Agatha ang pintuan niya ay nagsimula naman siyang magtaka ng makita niya si Emily na nag-aalalang nakatingin sa kanya sa harapan niya ngayon.
"E-Emily? A-anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong naman ni Agatha kaya naman nabigla si Agatha ng hawakan ni Emily ang kamay niya.
"Pasensya ka na sa ginawa ni Mommy ah? Sana huwag kang magtanim ng sama ng loob sa kanya. I-Ito nga pala iyong wallet mo. Kinuha ko iyan kay Mommy ng hindi niya nahahalata. Alam ko kasi na pinaghirapan mo iyan eh," sabi naman ni Emily.
Kaya naman nagsimulang mangilid ulit ang luha ni Agatha ng makita niyang nilapag ni Emily sa palad niya ang wallet niya. Agad namang napayakap si Agatha sa dalaga nang mahigpit saka mahina na namang napahagulgol.
"M-maraming salamat, Emily. Salamat ng marami pero hinayaan mo na lang sana ako. B-baka mapagalitan ka pa ni Ma'am kapag nalaman niyang tinutulungan at nakikipag-usap ka sa akin," mahinang sabi naman ni Agatha.
Kaya naman ng maghiwalay sila sa yakap ay agad namang hinawakan ni Emily nang mahigpit ang kamay ni Agatha saka marahang ngumiti.
"Huwag kang mag-alala sa akin, Agatha. Hindi naman ako sasaktan ni Mommy. Huwag mo na lang ipakita sa kanya na nakuha mo na ulit iyong wallet mo. Saka huwag ka na lang din muna magpapakita sa kanya dahil mainit pa rin ang ulo niya sa'yo, eh." bilin naman ni Emily kaya naman marahang tumango si Agatha bago nagpaalam si Emily sa kanya at umalis.
Nang maisara ni Agatha ang pintuan ng kwarto niya ay muli siyang napaiyak habang binibilang sa kama ang perang naipon at naitabi niya.
"Maraming salamat a-at walang nagkulang sa pera ko," naiiyak na sabi naman ni Agatha kaya naman napapikit nang mariin si Lucien.
Marahan namang humakbang si Lucien palapit kay Agatha saka naupo sa kama sa tabi ng dalaga.
"Ayos ka na ba, Agatha?" nag-aalalang tanong ni Lucien.
Marahan namang tumango si Agatha saka pilit na ngumiti. "Oo, a-ayos na ako dahil nabawi ko na iyong pera para sa tuition fee ko,"
"Agatha, huwag kang mag-alala. Hangga't nandito ako sa tabi mo hinding-hindi kita papabayaan, okay? Kahit ilang pera pa ang mawala sa'yo gagawa ako ng paraan para mapalitan iyon," pagpapagaan naman ng loob na sabi ni Lucien kay Agatha.
"A-alam ko. Maraming salamat din sa pagco-comfort sa akin, Lucien. K-kung wala ka pa rin siguro sa tabi ko, hahayaan ko lang siguro na saktan ako ni Ma'am Eleanor," sabi naman ni Agatha.
Nang marinig ni Lucien ang sinabi ni Agatha ay naikuyom niya ang kamao niya. Sa totoo lang kasi ay ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang dalaga.
Masyadong mabait kasi ito para lang maltratuhin at saktan. Kaya naman naisip ni Lucien na hindi niya na hahayaan na may manakit pa sa dalaga.
At dahil gabi na rin ay hindi namalayan ni Agatha na nakatulog na siya. Kaya naman habang natutulog ng mahimbing si Agatha ay nananatili lang na nakatingin sa kanya ang guardians niya.
"Lucien, anong iniisip mo?" nagtatakang tanong ni Seraphim.
Kasalukuyan kasing nakaupo si Lucien sa bintana ni Agatha kaya naman nang marinig ni Lucien na nagsalita si Seraphim ay napabaling siya sa anghel.
"Wala naman... Nag-iisip lang ako ng magandang karma na pwedeng gawin sa matandang babae kanina," seryosong sagot naman ni Lucien.
Kaya naman napakamot na lang si Seraphim nang marahan sa ulo niya. Nang makaisip si Lucien ng magandang karma sa ginawa ng ginang kay Agatha ay mabilis na napatingin si Lucien sa palad niya.
Inisip niyang maghirap ang matandang babae sa ginawang pananakit kay Agatha. Binulong ni Lucien na sa tuwing sasaktan ng ginang si Agatha ay may karma itong kapalit.
Matapos lumikha ni Lucien ng karma ay inihip niya sa palad niya ang kapangyarihan niya para kumalat iyon sa hangin at mapunta sa ginang.
"A-anong karma ang binigay mo sa step mom ni Agatha?" tanong ni Seraphim kaya naman tumayo si Lucien sa pagkakaupo sa bintana.
"Sa tuwing sasaktan niya si Agatha ay magkakaroon iyon ng kapalit na karma," sabi naman ni Lucien kaya naman nanlaki ang mata ni Seraphim.
"Talaga? Eh, ano namang balak mo bukas? Alam mo namang malungkot si Agatha 'di ba?" sabi naman ni Seraphim.
Kaya naman napatingin si Lucien sa mahimbing na natutulog na si Agatha. Hindi rin naiwasan ni Lucien na mapabuntong-hininga.
"Dadalhin ko siya sa park bukas ng umaga. Papalakasin ko na lang ang loob niya para hindi na siya malungkot kapag pumasok kami," sabi naman ni Lucien kaya naman napangiti si Seraphim.
"Alam mo, Lucien... Masasabi ko na ang swerte ni Agatha sa'yo. Kasi kahit na huli ka na dumating sa buhay niya ay nakikita kong desidido kang baguhin ang buhay ni Agatha. At alam ko na habang nasa tabi ka ni Agatha ay walang mangyayaring masama sa kanya," masayang sabi naman ni Seraphim.
Hindi naman namalayan ni Lucien na napapangiti na pala siya dahil sa sinabi ni Seraphim kaya naman napakamot si Lucien sa ulo niya.
"Ginagawa ko lang naman ang misyon na binigay sa akin ni Ama. Pero tama ka, Seraphim. Hangga't nasa tabi ako ni Agatha ay hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kanya," sabi naman ni Lucien.
Kaya naman matapos ang pag-uusap nila ni Agatha ay nagpasiya na lang si Lucien na tabihan sa higaan si Agatha.
Nakaramdam na rin kasi ng pagod si Seraphim kaya naman natulog na rin ito. Pero dahil anghel naman si Seraphim ay nakalutang lang ito sa hangin habang nakahiga na natutulog.
Habang si Lucien naman ay napapatitig lang kay Agatha habang nagpapaantok. At dahil nakaharap si Lucien sa mukha ni Agatha ay naihawi niya ang buhok ng dalaga ng may humarang sa mukha nito.
Matapos nun ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Kaya naman kinabukasan ng umaga ay kusa namang nagising si Lucien ng maaga.
Nang mapatingin siya sa orasan ni Agatha ay nakita niya namang ala-sais pa lang ng umaga. Kaya naman nagpasiya si Lucien na maaga silang aalis ng dalaga para madala niya pa ito sa park.
"Agatha..." mahinang tawag ni Lucien sa dalaga saka marahang hinaplos ang pisngi nito.
Kaya naman nang magmulat si Agatha ay bigla siyang napaupo sa kama niya. Naramdaman na lang kasi ni Agatha na parang tumalon ang puso niya sa gulat dahil masyadong malapit ang mukha ni Lucien sa kanya ng ginigising siya nito kanina.
"Agatha, magbihis ka na. Aalis tayo ng maaga. Naalala mo naman sinabi ng kapatid mo kagabi 'di ba?" seryosong turan naman ni Lucien kay Agatha.
Kaya naman tumango na lang si Agatha sa nagmamadaling pumunta sa banyo para maligo at magbihis. Nang matapos maligo ni Agatha ay nagulat naman siya ng makalabas siya sa banyo at nakitang nagkatawang tao na ulit si Lucien.
"N-nagpalit-anyo ka na pala..." mahinang sabi ni Agatha pero narinig naman ni Lucien nang malinaw ang sinabi sa kanya ng dalaga.
"Ah oo, para hindi na ako magta-transform mamaya," nakangiting sabi naman ni Lucien.
Mabilis namang tumalikod si Agatha sa lalaki dahil naramdaman na naman niya ang pag-init ng pisngi niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin masanay si Agatha sa itsura ng lalaki.
Paano ba naman kasi, napakagwapo nito kapag nagkakatawang-tao. Para itong celecrity crush ng mga kababaihan. Kaya naman huminga nang malalim si Agatha bago kinuha ang bag niya at saka humarap sa lalaki.
"Tara na?" nakangiting anyaya naman ni Lucien sa kanya.
"Kaso saan tayo dadaan? Kapag sa may pintuan sa baba tayo dumaan baka makita ka ni Ma'am Eleanor," nag-aalalang tanong ni Agatha kaya naman kumunot ang noo ni Agatha ng makitang ngumisi si Lucien.
"Huwag kang mag-alala, Agatha. Alam ko na kung saan tayo dadaan," pagkasabi ni Lucien nun ay bigla na lang nitong hinawakan ang kamay ni Agatha.
At dahil sa ginawang iyon ni Lucien ay nagsimula na namang magwala ng puso ni Agatha. Napakapit na lang ang dalaga sa puso niya para pakalmahin ito.
Maya-maya pa ay nanlaki na lang ang mga mata ni Agatha nang bigla silang tumalon mula sa binata ng kwarto ni Agatha.
Kaya naman mahigpit na napakapit si Agatha sa kamay ni Lucien dahil ang akala niya ay mahuhulog sila. Ngunit hindi iyon nangyari, bago pa kasi sila bumagsak sa lupa ay bahagyang lumutang ang mga katawan nila sa ere at dahan-dahang lumapat ang mga paa nila sa lupa.
"Akala mo ba mahuhulog tayo? Sa tingin mo ba hahayaan ko na may mangyaring masama sa'yo?" nakangiting sabi ni Lucien kaya naman napakurap-kurap ang dalaga.
Hindi maintindihan ni Agatha kung bakit sa bawat araw na magkasama sila ni Lucien ay hindi niya maiwasang humanga sa kakayahan ng lalaki.
Bukod pa dun ay hindi rin maiwasan ni Agatha ang ma-touch sa mga bagay na ginagawa ni Lucien palagi para sa kanya.
Lihim na lang na napangiti si Agatha habang nagpapahila sa binata. Napapaisip na lang si Agatha kung gaano siya kaswerte na magkaroon ng guardian na tulad ni Lucien.
---