CHAPTER 5

1654 Words
Chapter 5: Dispute NANG sumapit na ang oras ng pagsasara ni Agatha ng convenience store ay mabilis naman niyang sinara ang store para makauwi kaagad. Hindi kasi 24-hours na bukas ang store kaya naman kailangan iyong isara ni Agatha. At dahil masyado na rin siyang ginabi ng uwi ay nararamdaman ni Lucien ang kaba ni Agatha. "Agatha, bakit masyado ka yatang kinakabahan?" nag-aalalang tanong ni Lucien kaya naman pilit na ngumiti si Agatha. "G-ginabi na kasi ako ng uwi. B-baka mapagalitan na ako ni Ma'am Eleanor," nanginginig pa ang boses na sagot ni Agatha. Kaya naman ng bumaling si Lucien kay Seraphim ay binigyan lang siya ng malungkot na tingin ng anghel. Huminga na lang nang malalim si Lucien bago sumunod kay Agatha papasok ng gate nila. Nang makarating si Agatha sa pintuan ay biglang nanlaki ang mga mata niya ng makitang gising pa rin ang mga kasama niya sa bahay. Nanonood ng TV ang mag-iina habang si Emily naman ay nag-aaral sa sala. Kaagad namang natuon ang atensyon ng mga ito kay Agatha. Nang makita ni Agatha na tumayo ang step mom niya sa kinauupuan nito palapit sa kanya ay napahawak nang mariin si Agatha sa hawakan ng bag niya. "Aba, mukhang ginagabi ka na lang yata parati ng uwi ah? Ano ka ba donya? Nauuna pang umuwi mga tao sa'yo rito!" agad na sermon kay Agatha kaya naman mas napahawak pa nang mariin si Agatha sa bag niya. Kunot-noo namang napatingin si Lucien kay Agatha at nakitang namumutla na ang dalaga sa kaba. Kaya naman sumama ang tingin ni Lucien sa matandang babae. "Oh? Bakit hindi ka makasagot? Umamin ka nga sa aking babae ka! Lumalandi ka siguro sa labas kaya palaging ganito na lang uwi mo, ano?!" dagdag pa ni Eleanor. "H-hindi po totoo yan!" agad na tangging sagot ni Agatha kaya naman biglang tumaas ang kilay ni Eleanor. "Aba! Talaga lang huh? Huwag mo sabihin sa akin na may balak ka na mag-asawa! Hoy, Agatha! Baka nakakalimutan mo na hindi ka pa pwedeng mag-asawa hangga't nandito ka pa rin sa poder ko!" singhal ni Eleanor kay Agatha kaya naman nagsimula na mangilid ang luha ni Agatha. "Mommy, hindi naman talaga siya lumalandi. Nakita ko iyan si Agatha kanina nung napadaan ako sa isang convenience store. Nagtatrabaho siya dun at sure akong siya ang nakita kong naka-uniform dun," sabad naman ni Ellie. Nang tumingala si Agatha kay Eleanor ay nakita naman ni Agatha na nakangisi ang matandang babae. Matapos nun ay marahas nitong kinuha ang bag ni Agatha at wala namang nagawa si Agatha ng agawin sa kanya ang bag niya. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Agatha ng makuha ni Eleanor ang wallet ni Agatha sa loob ng bag niya na nakatago pa. "Aba, maraming pera ito ah!" masayang turan ni Eleanor saka sinimulang bilangin ang perang iniipon ni Agatha. "H-huwag n'yo pong kunin sa akin iyan, ma'am! Please, parang-awa n'yo na po... Kailangan ko po iyan pangbayad sa tuition fee ko," mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Agatha. Tinaasana naman siya ng kilay ni Eleanor saka inirapan bago ito bumalik sa pagbibilang ng pera na nakatabi sa loob ng wallet ni Agatha. "Tuition fee ka diyan! Aral-aral ka pa ng college wala ka namang natututunan! Hoy, Agatha! Wala lang mararating sa pag-aaral mo ng kolehiyo! Habang buhay ka na lang magiging walang silbi dahil katulad ka lang ng ina't-ama mo na mga walang kwenta! Mga walang narating sa buhay!" pang-iinsulto ni Eleanor kaya naman nagsimulang mapaluha si Agatha. Naikuyom niya ang kamao niya dahil sa mga masasakit na salitang binabato sa kanya ni Eleanor. Nang mapabaling si Agatha kila Ellie at Emily ay napansin niyang nakatingin lang ang dalawa sa kanya. Nakangisi si Ellie na nakatingin sa kanya habang awang-awa naman si Ellie sa kanya. Kaya naman napayuko na lang si Agatha at napaiyak nang tahimik. "Ito ba? Itong sampung libo lang ang pinagmamalaki mo? Pinagdadamot mo sa akin ang pera mo samantalang simula nung bata ka pa ako na ang bumubuhay at nagpapalamon sa'yo! Pasalamat ka nga at hindi pa rin kita pinapalayas sa bahay ko na 'to!" sabi pa ni Eleanor kay Agatha saka dinuro-duro si Agatha sa ulo niya. Sobrang galit naman ang naramdaman ni Lucien habang nakikitang kinakawawa at iniinsulto si Agatha sa harapan nila ni Seraphim. "Sumusubra na talaga sa kasamaan ang babaeng ito!" dinig naman ni Lucien na komento ni Seraphim sa tabi niya. Napapaisip na lang si Agatha ng mga sandaling iyon. Hindi alam ang gagawin at halu-halong emosyon na ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Kaya naman nang maramdaman ni Agatha ang kamay ni Lucien sa braso niya ay napapikti na lang si Agatha nang mariin. "Sige lang, Agatha. Magalit ka sa kanya. Ilabas mo lahat ng hinanakit mo dahil karapatan mong magalit at ipagtanggol ang sarili mo. Huwag mong hayaan na insultuhin ka ng babaeng iyan," bulong ni Lucien sa tenga ni Agatha. At sa hindi malamang dahilan ni Agatha ay para na lang siyang bulkan na sasabog ano mang oras. "Oh? Anong tinitingin-tingin mo riyan?" matapang na tanong ni Eleanor kay Agatha kaya naman naikuyom ni Agatha nang mariin ang kamao niya. "Oho! Totoong kayo ang kumupkop at nagpalaki sa akin s-simula ng umalis si Papa. At para sabihin ko po sa inyo na hindi n'yo po pamamahay ito dahil sa amin pong bahay ito! D-dinala lang kayo ni Papa dito pero sa akin po nakapangalan ang bahay na 'to dahil ito po ang pamana na iniwan sa akin ni Mama!" nagsimula namang maglabas ng hinanakit si Agatha. Napasinghap naman ang mga kapatid ni Agatha nang magsimula siyang sagutin ang step mom niya. Habang si Eleanor naman ay luluwa na sa laki ang mata dahil sa sinabi ni Agatha. Hindi naman inalis ni Agatha ang matatalim na tingin kay Eleanor saka nagpatuloy sa pagsasalita. "W-wala po kayong karapatang kunin iyang perang pinag-ipunan ko dahil pinaghirapan ko po iyan! Dugo't-pawis ko po ang ginamit ko para lang kitain ang pera na iyan d-dahil hindi po kayo nagbibigay sa akin kahit pang baon ko simula noon pa na nag-aaral ako! K-kapag po ba hindi ako nag-aral sa college papaaralin n'yo ako? Di ba hindi? M-mas mahalaga sa inyo ang kinabukasan ng mga tunay n'yong anak! K-kaya po ako nagsumikap na makapasok ng trabaho habang nag-aaral p-para makabukod na po ako sa inyo balang araw! Tinitiis ko lahat ng hirap at pasakit sa poder n'yo! At kahit na ginagawa n'yo na akong katulong ay hindi ako nagreklamo ni isang beses sa inyo d-dahil alam ko na may utang na loob ako sa inyo kung ba't ako nabubuhay ngayon! P-pero para insultu-insultuhin n'yo ako pati na nang mga magulang ko ay ibang usapan na po iyon!" hindi na naiwasan ni Agatha na magtaas ng boses. Kaya naman pagak na natawa si Eleanor sa sinabi ni Agatha. At nang ma-realize ng babae ang mga sinabi ni Agatha sa kanya ay kusa na lang lumipad sa ere ang kamay ni Eleanor. At ang sumunod na nangyari ay lumapat na lang ang palad niya sa pisngi ni Agatha habang galit na galit na nakatingin kay Agatha. Agad namang napahagulgol si Agatha nang maramdaman niya ang hapdi ng pisngi niya dahil sa sampal na inabot niya sa ginang. "Napakawalang-hiya mo! Ang kapal nang mukha mong sumagot sa akin! Anong utang na loob pinagsasabi mo?! Wala kang utang na loob! Wala kang modo! Dapat lang sa'yong maging katulong sa bahay dahil kahit anong pag-aaral ang gawin mo ay walang papasok diyan sa maliit mong kukote! Ni-pag galang nga hindi mo alam!" sigaw ni Eleanor kay Agatha. Matapang namang tiningala ito ni Agatha saka sumigaw pabalik sa ginang. "Galang?! Respeto?! Kung gusto n'yo ng respeto ko alamin n'yo muna kung paano irespeto ang ibang tao! Paano ko kayo rerespetuhin kung puro insulto ang inaabot ko sa inyo?! Kung gusto n'yo nang respeto ko, respetuhin n'yo muna ang pagkatao ko! Hindi ako hayop na para lang lait-laitin n'yo! Tao pa rin ako! Mas mukha pa nga akong tao kaysa sa inyo na ubod ng sama ang ugali!" "Aba't walang-hiya ka talagang babae ka!" sigaw ni Eleanor saka hinablot ang buhok ni Agatha saka winasiwas ang ulo ng dalaga matapos nitong sabunutan si Agatha. "Ahhhh! B-bitiwan n'yo po ako!" pagmamakaawa ni Agatha habang nakahawak sa kamay ni Eleanor na mahigpit ang kapit sa buhok ni Agatha. "Mommy! Tama na po!" sa wakas ay umawat naman si Emily. Mabilis nitong niyakap palayo ang ina kay Agatha. Kaya naman mas lalong napahagulgol si Agatha nang maramdaman niya ang hapdi at sakit sa anit niya. "Wala kang galang! Walang hiya kang babae ka! Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong kalbuhin kita! Punyeta kang babae ka! Wala kang utang na loob! Walang hiya!" nagsisigaw na sabi ni Eleanor kaya naman mabilis na tumakbo si Agatha patungo sa kwarto niya. Matapos makaayat ni Agatha sa kwarto nita ay mabilis siyang nagkulong sa loob ng silid niya. Agad na napaupo sa may kama niya si Agatha. At saka niyakap ang mga tuhod niya habang tahimik na umiiyak. "Agatha, pasensya ka na... H-hindi ko naman alam na kapag binulungan kita ng dapat mong maramdaman ay sasaktan ka ng impakta na iyon!" sabi ni Lucien. Mahina namang tumawa nang pilit si Agatha saka umiling nang mapabaling ito kay Lucien. "L-Lucien, wala kang kasalanan kaya huwag kang mag-sorry sa akin. A-ako pa nga dapat ang magpasalamat sa'yo, eh. Kung hindi dahil sa pag-gabay mo sa akin hanggang ngayon siguro hindi ko pa rin alam kung paano ipaglaban ang sarili ko. Ginagawa mo lang naman ang trabaho mo bilang guardian devil ko," sabi naman ni Agatha. Kaya naman mas lalong nakaramdam ng lungkot si Lucien. Nang maisip ni Lucien na yayakapin na sana niya si Agatha para patahanin ito ay nakita naman niya na yumakap si Seraphim kay Agatha. Matapos nun ay binulungan niya ang dalaga kaya naman napansin ni Lucien na naging mahinahon na ulit si Agatha. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD