PROLOGUE

1649 Words
Prologue: The Devil's Mission "GOOD morning ma'am," magalang na bati ni Agatha sa stepmom niyang kakagising pa lang. Madaling araw pa lang kasi ay gumising na si Agatha para maghanda ng almusal para sa mga kasamahan niya sa bahay. Hindi tulad ng ordinaryong pamilya meron si Agatha dahil maaga na siyang naulila. Bata pa lang si Agatha nang pumanaw ang tunay niyang ina at matapos naman ang isang taon nang pumanaw ang ina ni Agatha, ay saka naman pinakilala ng ama niya ang bago nitong asawa. Kaya naman lumaki si Agatha na ang nagpapalaki sa kanya ay ang kanyang stepmom. At dahil sa nangyaring iyon ay maihahalintulad ang pamumuhay ni Agatha sa bidang si Cinderella ng fairy tale. Dahil katulad ni Cinderella ay ulila na rin ito at tanging stepmom niya at ang mga step sisters niya na lang ang kasama niya sa buhay. At gaya ni Cinderella ay hindi naging mapalad si Agatha dahil hindi rin maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga ito kaya naman ang tawag niya sa stepmom niya ay ma'am dahil ayaw nitong tinatawag siya ni Agatha na para nitong tunay na ina. Bukod pa do'n ay lumaki si Agatha bilang katulong ng mga ito dahil matapos silang iwan ng ama niya ay hindi na nila ito nakontak pa ulit. Kaya naman naging utang na loob ni Agatha ang pagpapatira sa kanya ng stepmom niya sa pamamahay nito kasama ang mga step sisters niya na sila Ellie at Emily. At nang makapagtapos sa high school ang dalaga ay agad siyang nagpasiya na maging working student dahil sinabihan siya ng stepmom niya na hindi na nito sasagutin ang pagpapaaral nito sa kanya. Kaya naman pinagsabay ni Agatha ang pagtatrabaho at pag-aaral sa kolehiyo. At dahil lumaking mabuti si Agatha ay hindi rin nito nagawang umalis sa poder ng stepmom nito dahil palaging iniisip ni Agatha ang utang na loob niya rito. "Hoy babae, gisingin mo na ang mga kapatid mo dahil kailangan pa nilang pumasok sa paaralan," utos ni Eleanor na stepmom ni Agatha sa kanya. "Sige, masusunod po!" pagkasabi no'n ni Agatha ay agad siyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila para puntahan ang silid ng mga kapatid niya. Unang pumasok si Agatha sa kwarto ni Ellie para gisingin ito. "Ellie, bangon na. Mag-almusal na muna kayo bago pumasok sa school." "Hmm, a-ano ba! Hindi mo ba nakikitang ang sarap ng tulog ko?" inis na sambit ni Ellie sa kanya kaya naman napabuntong-hininga na lang si Agatha. "Osige, babalikan kita mamaya. Gigisingin ko muna si Emily. Bumangon ka na ah? Magagalit si Ma'am kapag hindi kapa gumising," tanging nasabi na lang ni Agatha bago lumabas ng silid ni Ellie. Sunod na naglakad patungo si Agatha sa silid ng pinaka nakakabata nilang kapatid na si Emily at nang makapasok siya sa silid nito ay gising na ito. "Oh, tamang-tama gigisingin pa lang sana kita eh. Pinapatawag na kayo ni Ma'am para mag-almusal dahil baka mahuli pa kayo sa klase n'yo mamaya," nakangiting sabi naman ni Agatha kay Emily. "Salamat, susunod na ako ililigpit ko lang itong pinaghigaan ko," pagkasabi no'n ni Emily kay Agatha ay agad namang tumango si Agatha. Muling binalikan ni Agatha si Ellie sa kwarto nito at nang makabalik siya sa silid nito ay gising na rin ito.  "Pakiligpit nga ng higaan ko, bababa na ‘ko para mag-almusal." Pagkautos sa kanya ni Ellie ay padabog nitong sinara ang pintuan ng kwarto nito nang makalabas na ito ng tuluyan kaya naman napahinga na lang ng malalim si Agatha saka iniligpit ang higaan ni Ellie. Sa dalawang magkapatid si Ellie ang pinakamaldita at kasing ugali nito si Eleanor dahil kapag minamaltrato si Agatha ng stepmom niya ay ginagatungan pa ito ni Ellie. Samantalang si Emily naman ang palihim na tumutulong sa kanya dahil binalaan ito ng ina na huwag makikipaglapit sa kanya, at hindi tulad ni Ellie ay mabait si Emily kay Agatha kapag silang dalawa lang sa iisang silid. Nang makababa si Agatha ay nakita niyang nag-aalmusal na ang mag-iina kaya naman tahimik lang na pumasok si Agatha sa kusina saka humarap sa mga ito. "Ma'am, pasensiya na pero kailangan ko pa po kasing pumasok sa school. Pakibilisan na lang po sa pagkain n'yo para po mahugasan ko pa ang mga pinagkainan n'yo," magalang na sabi ni Agatha. Pero hindi niya inaasahan ng bigla na lang malakas na binitawan ni Eleanor ang kutsara't tinidor nito. "Ako ba talaga'y iniinis mo? Ang aga-aga pinapakulo mo na naman ang dugo ko! Sinabihan na kitang huwag mo kaming inuutusan 'di ba? Ano namang pakialam namin kung mahuli ka sa klase mo?" sigaw na sabi ni Eleanor kay Agatha kaya naman walang nagawa si Agatha kundi ang manahimik. Hindi naman umimik si Emily habang si Ellie naman ay mahina siyang pinagtatawanan kaya naman walang nagawa si Agatha kundi ang tumalikod sa mga ito at saka napahawak ng mariin sa lababong nasa harapan niya. Kahit na masama ang trato kay Agatha ay hindi man lang niya magawang magreklamo sa mga ito at hindi rin magawa ni Agatha na magalit at magtanim ng sama ng loob sa mga ito dahil palagi lang iniisip ni Agatha ang kabutihang ginawa sa kanya ng mga ito. Kaya naman habang pinapanood siya ni Seraphim ang guardian angel ni Agatha ay nakaramdam na naman ito ng awa sa kanya. "Sumusobra na talaga ang pamilya ni Agatha..." Iyon lang ang tanging nasabi ni Seraphim saka ito lumapit kay Agatha at saka nito hinagod ang likuran ng dalaga. At dahil hindi naman nakikita ni Agatha si Seraphim ay hindi naging problema kay Seraphim ang ginawa niya. At dahil hindi na makatiis ang guardian angel na si Seraphim ay agad niyang ginamit ang powers niya para bumuo ng mahiwagang papel, pakpak na panulat at isang sobreng may pakpak. "Magpapadala na lang ako ng liham para kay Lucifer. Hihingi ako ng permiso na mabigyan si Agatha ng guardian devil para naman mabigyan siya ng hustisya sa pang-aabuso sa kanya ng mga tagalupa na 'to," Pagkasabi no'n ni Seraphim sa sarili niya ay automatiko niyang pinagsulat ang pakpak na panulat sa mahiwagang papel na nakalutang sa harapan niya ngayon. Inisip lang ni Seraphim ang magiging laman ng liham at pagkatapos no'n ay agad niyang inilagay sa sobre ang mahiwagang papel. At dahil may pakpak naman ang sobre ay kusa na lang itong lilipad patungo sa destinasyon nito. Ibinulong lang ni Seraphim na magtungo ang sobre sa impyerno at sinabi rin ni Seraphim na kay Lucifer mapupunta ang liham. Sa mundo kasi nila Agatha ang lahat ng taong nabubuhay ay may kanya-kanyang guardian angel at devil. At kahit pa na may kanya-kanya silang guardian ay hindi rin nakikita ng mga kapwa guardian's ang isa't-isa kung hindi sila pareho ng taong inaalagaan. At dahil din sa dahilang iyon kaya naman hindi rin magawang kausapin ni Seraphim ang guardian devil ng mga kasama ni Agatha sa bahay nila dahil hindi maayos ang trabaho ng mga guardian devils ng mga ito. Dahil imbis na ilayo sila nito sa mga masasamang gawain ay binubulong pa ng mga ito na maging malupit sa alaga ni Seraphim na si Agatha. Sa araw ding iyon ay agad na dumating ang liham na pinadala ni Seraphim para kay Lucifer. At dahil madaming liham palagi ang pinapadala sa impyerno ay natagalan din si Lucifer bago mabasa ang liham mula kay Seraphim. Nang tuluyan ng mabasa ni Lucifer ang liham ni Seraphim ay agad niyang kinumpirma kung tunay ngang walang naitalaga na guardian devil para kay Agatha. At nang makita ni Lucifer na tunay ngang guardian angel lang ang tagapagbantay ni Agatha ay agad na nag-isip si Lucifer ng ipapadala sa lupa para maging guardian devil ni Agatha. Agad namang ipinatawag ni Lucifer ang anak niyang si Lucien ng makapagpasiya na siya kung sino ang ipapadala niya sa lupa para maging guardian devil ng tagalupang si Agatha. "Ama, pinapatawag n'yo daw ako?" agad naman na tanong ni Lucien sa ama nitong si Lucifer ng makapasok siya sa loob ng opisina nito. "May misyon akong ibibigay sa 'yo. Gusto kong ipadala ka sa mundo ng mga tagalupa para maging isang guardian devil. Hindi ka na rin pwedeng umapela dahil nakapagdesisyon na ako na ipadala ka sa mundo ng mga tagalupa para na rin may malaman ka pa sa mundo ng mga tao," seryosong wika naman ni Lucifer. At dahil sa narinig na iyon ni Lucien na sinabi ng ama niyang si Lucifer ay hindi napigilan ni Lucien na ikuyom ang kamao niya. Nakaramdam na naman si Lucien ng sama ng loob sa ama niyang kahit kailan ay hindi man lang siya pinagtuunan ng atensyon. Anak kasi si Lucien ni Lucifer ngunit hindi tulad ng iba niyang kapatid gaya na lang ni Beelzebub ay hindi si Lilith ang tunay niyang ina. Ang sabi kasi ni Lucifer sa kanya ay namatay na ang tunay niyang ina na si Eve kaya naman ang tumatayong ina ngayon ni Lucien ay si Lilith na siyang reyna ng impyerno dahil si Lucifer ang tumatayong hari ng impyerno ngayon. "Kung iyan ang desisyon n'yo ama, hindi na ako tututol dahil papatunayan ko sa inyo na pagbalik ko dito sa impyerno, balang araw maipagmamalaki n'yo rin ako bilang anak n'yo tulad ni Beelzebub," seryosong sabi naman ni Lucien. Hindi naman tumugon si Lucifer. Agad lang na ginamit ni Lucifer ang kapangyarihan nito para gumawa ng portal patungo sa mundo ng mga tao. "Bilang guardian devil ni Agatha gusto kong ibalanse mo ang takbo ng buhay niya. At kapag nagtagumpay ka sa misyon mo, maluwag ulit kitang tatanggapin dito sa impyerno," habilin ni Lucifer kay Lucien bago pumasok si Lucien ng tuluyan sa portal na ginawa ni Lucifer. Nang tuluyan ng makapasok si Lucien sa portal ay agad siyang nakarating sa mundo ng mga tao. Nasa loob siya ng kagubatan at dahil do'n ay ginamit ni Lucien ang pakpak niya para lumipad patungo sa bahay ni Agatha. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD