CHAPTER 32 Ngayon lang ako parang nakahinga ng maluwag. Parang bumibigat ang aking mga mata. Tama. Inaantok ako. Mula dumating ako, mukhang ngayon lang ako mapapasarap ng tulog. Hindi ko namalayang napaidlip na ako ng tuluyan. Nagising na lang ako nang parang may naulinigan akong hagikhik ng bata. Parang nanggagaling iyon sa paanan ko. Nang tinignan ko ay isang cute na batang lalaki nga ang naroon, tumatawang nakatingin sa akin. Nang inilibot ko ang aking paningin ay may naka-set nang mesa na puno ng pagkain. Tanging mga kandila ang sumasabog ng liwanag sa kuwarto. Nandoon din ang sari-saring mga paborito kong pagkain. “Hayan anak, gising na ang Mommy Khaye.” Binuhat niya si Jay-ar at inilapit sa akin. Iniabot sa akin ng bata ang isang tangkay ng pulan rosas. Kinuha koi yon sa malii