CHAPTER 31 Nang, mabasa ko ang nilalaman ng sulat ay inilagay ko muna sa akin dibdib. Sobrang hirap sa akin ang huminga. Basam-basa ng luha ang aking mukha. Niyakap ako ni Mama. Pinunasan niya ang aking mga luha. Hindi siya nagsalita ngunit alam niya kung gaano kabigat ang dinadala ko. Naiintindihan niya kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ko. “Ma, hahanapin ko siya.” “Saan? Malay mo babalik rin naman siya rito.” “Hindi, Ma. Ayaw ko na lang iasa ag lahat sa amin ni Jyles sa pagkakataon. Gusto kong hanapin siya para maitadhana kaming dalawa.” “Sige, anak. Gawin mo kung ano sa tingin moa ng magpapatahimik at magpapasaya sa’yo. Kahit kasi maganda ka na at seksi, hindi ko pa rin nakikita sa mga mata moa ng tunay na kaligayahan. Baka nga si Jyles na ang bubuo no’n.” “Oo Ma. Ala