CHAPTER 30 Sinagot ni Glenda ang “akala ko kasi” ng mahabang paliwanag. Paliwanag na gumising sa akin. Ipinamukha talaga niya sa akin kung anong kulang at mali kong naging desisyon. “Kaya maraming nadidisgrasiya dahil sa akala na ‘yan e. Alam mo khaye, iyan nga ang malaki mong pagkakamali. Alam mong panalo ka na e. Alam mong hawak mo ang suwerte sa larong iyon ngunit natakot kang ituloy ang laban ninyo.” “Paanong panalo ako e ikaw noon ang buntis. Kaya nga nagparaya ako dahil sa batang dinadala mo na direktang maaapektuhan.” “Kung lahat ng nakabuntis at nabuntis ay nagkakatuluyan, sana wala nang bata pa sa mundo ang lumaki na walang nanay o tatay. Mas mahalaga pa rin dapat yung nilalaman ng puso ng ikakasal at hindi dahil buntis lang yung babae. Ako kasi, nang sinabi niyang hindi niya