Halos hindi na makahinga sa kakaiyak si Eva dahil sa kanyang narinig. Natitiyak niys na boses babae iyon. at Isa pa ang dating hindi naman ginagawa ng kanyang asawa ang p*****n siya ng cellphone habang kausap siya nito, ngayon ay nagagawa na nito. Okay pa naman sila noong una pero dahil sa pagdating ni Belinda, nagkagulo gulo na silang dalawa. Dalawang araw pa lamang pero ganito na kalala ang nangyayari sa kanila ng kaniyang asawa. Hindi niya ma bosesan kung si Belinda nga ba ang babaeng nag sasalita kanina pero wala naman siyang ibang pag-iisipan kundi ang babae lamang na iyon dahil magkasama ang dalawa. Gusto niyang puntahan ito sa opisina nito pero ayaw naman niyang mag-eskandalo dahil baka lalong magalit ito sa kanya. Kaya minabuti na lamang niya na hintayin ito sa bahay para makap