Kanina pa pabalik-balik sa paglalakad si Eva sa silid nilang mag-asawa tapos napapatingin siya sa flowers na ibinigay sa kanya ni Audrix para peace offering kuno. Tapos malalaman niya na magkasama na naman pala ang dalawa at ni hindi na siya nagawang gisingin ni Audrix para makasabay sa almusal gaya ng ginagawa palagi nito. Sa umaga kasi siya ang nag-aasikaso dito bago pumasok pati na ang almusal nito siya ang naghahanda. Pero ngayon minabuti nito na hindi siya gisingan. Ano ang ibig sabihin nito, para malaya itong makasabay si Belinda at talagang isinama pa ito sa opisina nito na bihirang-bihira nitong gawin sa kanya. Isinasama lamang siya nito doon kapag may gagawin ito na mapapakinabangan siya. Kahit nga sa mga okasyon ay hindi na siya isinasama tapos si Belinda ay isinama nito, ba