Ilang sandali nang nakalabas si Audrix sa silid na inukopa ni Belinda ay nananatili pa rin siya sa loob ng closet at patuloy na umiiyak. Masakit para sa kanya ang natuklasan pero kailangan niyang tatagan ang kanyang sarili dahil hindi pwedeng pahina-hina siya dahil kung hindi mawawala ng tuluyan ang kanyang asawa sa kanya. Kailangan lang niyang mailabas lahat ng sama ng loob para paglabas niya ng silid na ito ay okey na ulit. Kailangang may nakahanda ng magandang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi na niya kokomprontahin pa si Audrix tungkol sa babaeng kanina ay narinig niya sa phone. Kailangang ipakita niya sa lalaki na mahal na mahal niya ito at siya ang karapat-dapat na babae para dito. Hindi kung sino man at lalong hindi si Belinda. Ipapakita niya sa lalaki na nagkakamali itong hangga