"Tsskk... Hanggang ngayon pala itinatabi mo pa rin itong photo frame na 'to. Ito ang patunay na hanggang ngayon hindi ka makausad sa nakaraan nating dalawa. Hindi ako ang may kasalanan Belinda kundi ikaw, iniwan mo ako sa ere. Tapos ngayon muli mong bubuksan ang nakaraan ngayong may asawa na ako. Ngayon ka pa nagsisisi kung bakit mo nagawa iyon." Dinig na dinig niyang wika ng kanyang asawa habang hawak hawak ang photo frame kung saan nandoon ang picture nito at ni Belinda noong mga bata pa. Hindi siya makapaniwala sa narinig ibig sabihin may nakaraan pala talaga ang dalawa. At ibig sabihin may binabalak pala talagang masama si Belinda kaya dumating ito bigla sa buhay nilang dalawa. Pero naguguluhan siya dahil winarningan siya ni Belinda. Ano ang ibig sabihin sa warning na iyon ng babae k