Chapter 10

1168 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Ipinaliwanag ko kay Alicia na bumalik na nga ang mga alaala ko pero wala doon ang lahat ng may kinalaman sa kapangyarihan. At sa reaksyon niya ay para bang hindi na siya nagtataka na nangyari iyon. Pero ang totoo niyan ay naaalala ko ang ilang detalye tungkol dito pero may ilang impormasyong nagpapagulo sa utak ko kaya kailangan ko ng kaunting paliwanag pa sa kung ano ang nalalaman ni Alicia.   Kaya agad ko siyang tinanong dahil posibleng maipaliwanag niya ito sa akin.   “Mayroon kang tatlong klase ng kapangyarihan.” aniya. “Ang pag-access ng memories na namana mo sa iyong ina. Ang pagiging empath na namana mo naman sa iyong ama at ang pagpapaamo ng mga hayop na namana mo sa iyong lola.”   “And?”   “There is a huge possibility that you erase all of that memories noong nasaksak tayo to make sure that no one will be able to know what kind of power you possess.” paliwanag niya. Posible nga ito pero may mga bumabagabag sa akin na hindi ko pa maipaliwanag ng husto.   “Ibig sabihin ay walang ibang nakakaalam ng tungkol sa kapangyarihan ko kundi ikaw at ang mga magulang ko?”   Tumango siya. “And I don’t really understand you why you are hiding that since alam naman ng buong kaharian na posibleng namana mo ang parehong kapangyarihan ng mga magulang mo.”   “But they don’t have any idea that I am also a tamer.” dagdag ko. “But I also don’t understand. Bakit gusto nilang malaman ang kapangyarihan ko?”   Nagkibit-balikat siya. “Sa kabila ng pagiging duwag at iyakin mo, nagtatago ang isang matalino at wais na babae kaya tingin ko ay alam mo ang sagot sa tanong na iyan pero inalis mo lang sa pag-aakalang matutuluyan ka na.”   “But unfortunately for them, I am still alive.”   Sina wanted to hide something. At alam ng mga nagtatangka sa buhay niya na posible ang nilang makuha iyon kapag patay na siya.   But they didn’t expect that after what happened in that tower, mabubuhay pa ito at ngayon nga ay tuluyan nang lalabas.   “At dahil sa katalinuhan at kaduwagan mo, kahit ako na kaibigan mo ay hindi mo pinagkakatiwalaan.” sambit niya.   “Hindi kita hahayaang manatili sa tabi ko kung wala akong tiwala sayo.” mabilis kong sabi dahil ramdam ko ang pagtatampo sa kanyang boses.   “But you never told me anything kahit pa kami ng iyong ina ang nananatili sa tabi mo mula nang magdesisyon kang magtago sa toreng iyon.” anas niya.   Napakamot ako ng ulo at binalikan ang mga alaala ni Sina.   And sad to say, wala nga itong nabanggit sa kanya na kahit ano sa kahit na anong bahay. Madalas lang tahimik sa isang tabi si Sina habang si Alicia naman ay panay ang kwento ng mga bagay tungkol sa kanya.   Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay ni Alicia.   “I know, hindi ako naging mabuting kaibigan sayo.” panimula ko. “Pero tulad ng sinabi ko, hindi kita hahayaang manatili sa tabi ko kung hindi kita pinagkakatiwalaan. Siguro, kung anuman ang mga tumatakbo sa isip ko noon na hindi ko masabi sayo ay para din sa ikabubuti mo.”   Kumunot ang noo niya. “At paano iyon magiging mabuti sa akin?”   “Kung anuman ang hinahabol sa akin ng mga nagtatangka sa buhay ko ay nasisiguro kong mahalaga iyon na kinailangan ko pang alisin sa mismong alaala ko para lang maprotektahan.” paliwanag ko. “Kaya kung sakaling binanggit ko sa iyo ang bagay na iyon ay baka natuluyan ka at nakuha na nila ang kailangan nila sa akin.”   Napaisip naman siya pagkuwa’y tumangu-tango. “May punto ka nga naman.” aniya. “Pero sana naman sa susunod ay matuto ka nang magsabi sa akin. Alam kong mabigat ang responsibilidad na nakapatong sa balikat mo, tapos may mga bruha pang nakikisabay sa problema mo kaya sana naman ay matuto kang humingi ng tulong.”   Ngumiti ako. “Don’t worry, Alicia. Kapag bumalik na ang lahat ng alaala ko ay ipapaalam ko agad sayo.”   Ngumiti din siya. “Aasahan ko iyan.”   __________   May labing isang kaharian sa buong Thamani.   At ang bawat  kahariang iyon ay hango sa mga mahahalagang bato hindi lang sa Earth kundi maging sa mundong ito.   Garnet, Amethyst, Aquamarine, Diamond, Emerald, Alexandrite, Ruby, Peridot, Sapphire, Tourmaline at Topaz.   Ang bawat kaharian din ay ang siyang nagre-representa sa mga kapangyarihan ng elemento at ilan pang malalakas na kapangyarihan dito.   Maliban pa doon, ang bawat buwan na nagdadaan dito ay hango din sa pangalan ng mga kaharian. Kaya sa isang taon ay mayroon lamang labing isang buwan.   At sa bawat buwan ay may tatlumpu’t limang araw.   Ang taon naman na kanilang pinagbabasehan ay kung kailan mismo nilikha ng diyos nila ang mundong ito which is almost one thousand five hundred fifty seven. (1557)   Kaya ang date sa araw na ito ay ikatlong buwan, which is Aquamarine 13, 1557.   Higit pa palang matagal na nag-e-exist ang Earth kaysa sa mundong ito.   Isinara ko ang librong binabasa ko at bumaling kay Alicia.   Matapos kasi naming kumain kanina ay muli kaming naglibot-libot hanggang mapadaan kami sa book store na ito.   Naalala kong mahilig sa mga libro si Alicia kaya naman niyaya ko muna siya dito at bakas sa mukha niya na mayroon syang gustong bilhin.   Habang ako ay nagbasa-basa ng ilang libro tungkol sa history ng mundong ito.   Pero mukhang hindi pa din siya tapos mamili ng mga bibilhin niya dahil nandoon pa din siya sa shelves kung saan ko siya iniwan.   Bumuntong hininga ako.   Noong high school ako ay madalas din akong magbasa. Pero hindi ko naman hilig iyon at ang tanging dahilan lang kaya ako nagbabasa ng mga libro ay dahil kay Hyun.   Ang lalaking iyon ang mahilig sa mga libro.   Madalas iyong pumunta sa mga bookstore o library. At para makasama ko siya ay nagpapanggap akong mahilig sa mga libro kahit na madalas akong antukin kapag nagbabasa.   At hindi kalaunan ay nagugustuhan ko na din naman pero hindi pa rin sapat para maging past time ko.   Mukhang matatagalan pa si Alicia kaya naman lumabas muna ako ng bookstore para makapagpahangin. Bumabalik lang ang mga alaala ng katangahan ko sa nakaraang buhay na mayroon ako eh.   Kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang lalaki na ngayon ay nakatayo sa harap ko.   Nakatulala ito sa akin at parang wala yatang planong umalis sa harap ko.   “Excuse me?” Tinaasan ko ito ng kilay at mukhang doon pa lamang ito natauhan.   Agad siyang umatras at nag-iwas ng tingin sa akin. “Pa-pasenya na.”   Inirapan ko lang siya at naupo sa isang bench na hindi kalayuan ng bookstore. Doon ko nalang hihintayin si Alicia at siguradong mamaya pa siya matatapos sa paghahanap ng bibilhin niyang mga libro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD