Chapter 11

1312 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Tulad ng inaasahan ay inabot ng halos isang oras ang hinintay ko bago lumabas ng bookstore si Alicia kaya hindi na ako nagulat nang makita ang halos isang malaking kahon na kanyang hila na naglalaman ng mga librong kanyang pinamili. “Bakit kaya hindi mo pa binili ang buong bookstore?” sarkastiko kong sabi na ikinasimangot niya. “Just kidding.” bawi ko. Maliban sa pagsama sa akin ay libro lang ang naging libangan niya kaya hindi na nakakapagtaka na ganito siya ka-obsess sa mga ito. “Anyway, kaya mo bang dalhin iyan hanggang makauwi tayo?” “Sino ba may sabing ako ang magdadala nito?” balik tanong niya na ikinakunot ng noo ko. “Don’t tell me, ibabahila mo sa akin iyan?” Natawa siya at ginulo ang buhok ko. “Silly.” Inilabas niya ang isang whistle na laging nakasabit sa leeg niya pagkuwa’y hinipan iyon. Actually, wala iyong tunog kaya nakakunot noo lang akong nakatingin sa kanya. Pero ilang sandali lang ay may dalawang lalaki na nakasuot ng itim na suit ang biglang sumulpot sa likod niya. Agad na-bow ang mga iyon nang humarap si Alicia sa kanila. “Kayo na ang bahala sa mga pinamili ko.” nakangiting sabi ni Alicia. “Ali.” Humawak ako sa braso niya. “Sino ang mga iyan?” bulong ko. “After what happened in the tower, my parents assigned some guards that I can call using this silent whistle anytime.” aniya. “In this way, they will ensure that I am safe whenever I am not with them.” Tinitigan ko ang whistle na iyon. “If you have that kind of item, bakit hindi iyan ibinigay sayo ng parents mo before?” “Well, like what you always think before.” sabi niya pagkuwa’y sinenyasan na ang mga guard niya na umalis. “They also think that the tower is safe kaya hindi na sila nag-abala pang magdagdag ng magbabantay sa akin.” Napaiwas ako ng tingin. Well, it is not actually my fault dahil kapabayaan ni Sina ang nangyari pero hindi ko pa din maiwasang hindi ma-guilty sa nangyari sa kanya. She nearly died because of Sina. Pero kahit ganoon ang nangyari ay nananatili pa din siya sa tabi nito at handang tumulong. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko at dahil ayokong makita niya ito ay agad ko siyang niyakap. “S-sina?” “I know that I put your life in danger.” mahina kong sabi. “And you still stay by my side even if you almost die.” “Kaibigan kita eh.” aniya. “And this is the only thing I can to help you.” “And I want to thank you for that.” Kumalas ako ng yakap sa kanya at tinitigan ang mukha niya. Malaki talaga ang pagkakahawig nila ni Alice. Hindi man ako sigurado kung nasa katawan nga siya ni Alicia ay nasisiguro ko naman na nandito din siya sa mundong ito dahil nararamdaman ko siya. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay titingnan at ituturing ko siyang si Alice. Hangga’t hindi niya sinasabing siya si Alice, I will treat her as who she is in this world. “And I am sorry if I didn’t let you feel how much you mean to me before.” Umiling siya. “You don’t have--” “I have to.” sambit ko. “So that we can start from the beginning and this time, I can assure you that there will be no secrets between us.” “Really?” Tumango ako. “I trust you and I know now that you can also protect yourself. So no secrets in this friendship.” Lumapad ang kanyang ngiti at bumakas sa kanyang mga mata ang matinding tuwa. “You don’t really need to tell me everything. But I hope that you can also rely on me. Kahit iyong maliliit na bagay lang.” “That will surely happen.” sabi ko. “Lalo pa ngayong nagdesisyon na akong lumabas ng tower. I need all your knowledge on everything para hindi naman ako magmukhang ignorante kapag naggagala tayo.” Kumunot ang noo niya. “Ibig mong sabihin, hindi ito ang una’t huling paglabas natin ng palasyo?” Mabilis akong tumayo. “Syempre naman.” “Sina!” Malapad akong ngumiti. “I have to know everything about this kingdom dahil simula sa araw na iyon, handa na akong tanggapin ang responsibilidad na nakaatang sa akin. Hindi na ako matatakot. Hindi na ako tatakbo.” Tinitigan niya ako pagkuwa’y ngumiti at bumuntong hininga. “You are really changed.” “Is it bad?” Umiling siya. “Well, mas gusto ko ang Sina na nasa harap ko ngayon. At least madadala na kita sa mga paborito kong lugar.” “Then, I will stay what I am now.” sabi ko. “At sisiguraduhin kong hindi na ako muli pang babalik sa kung anuman ako noon.” Sina, Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako ang nasa katawan mo pero patawarin mo sana ako kung tuluyan ko nang aangkinin ang buhay mo. Bilang kapalit nito, nakahanda din akong protektahan ang lahat ng mga nilalang na pinahahalagahan mo. Maging ang harapin ang problemang pilit mong tinataguan at tinatakbuhan. I will stay here no matter what happens. Kahit pa bumalik ang tunay na Sina at bawiin ang buhay na iniwan niya, hindi ko ito ibabalik sa kanya. Ipaglalaban ko at ipapakita sa kanya na deserving ako sa pagkakataong ito. At ipapamukha ko sa kanya ang mga bagay na iniwan niya. ********** “I’m sorry, Queen.” nakayukong sambit ng tauhan ko habang nakaluhod sa aking harapan. “Hindi namin nagawang kunin ang kanyang roho dahil sa biglang pagsulpot ni Hunter.” Kumunot ang aking noo. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Sigurado kaming napatay namin ang babae.” sambit ng isa ko pang tauhan. “At habang hinihintay namin ang paglabas ng kanyang roho ay biglang lumitaw si Hunter sa aming harapan at pinrotektahan ito.” “Imposible.” Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig. Kailanman ay hindi bumaba ang nilalang na iyon sa mundong ito. Ngunit ngayon ay nag-abala pa siya upang protektahan lamang ang isang prinsesa? Ano ang koneksyon ng prinsesang iyon kay Hunter? Bakit siya pinagkaabalahang puntahan ng nilalang na iyon gayong alam niyang malaki ang posibilidad na makarating sa akin ang bawat kilos nito? “Ano na ang nangyari sa prinsesang iyon?” tanong ko. “Bago kami umalis sa kanilang kaharian ay nabalitaan naming buhay ito at ngayon nga ay nagdesisyon nang lumabas sa kanyang pinagtataguan.” sambit nito. “At nahuli nila ang isa sa espiyang aming kakuntsaba.” Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. “Ngunit huwag kayong mag-alala, mahal na reyna.” dagdag ng isa. “Siniguro naming hindi na ito makakapagsalita pa kahit kailan.” Kumalma ako at huminga ng malalim. Kung nagawa naman pala nila ng paraan, makakahinga ako ng maluwag dahil wala pa ding nakakaalam sa mga bagay na aking ginagawa. Ngunit kailangan ko pa ding kumilos lalo na’t nagpakita ang nilalang na iyon. “Ipagpatuloy ang pangangalap ng mga roho.” sambit ko. “Ngunit ang isa sa inyo ay kailangang magpatuloy sa pagmamanman sa prinsesang iyon.” Tumayo sila at yumuko sa harap ko. “Masusunod, mahal na reyna.” At mabilis na silang naglaho sa aking harapan. Bumuntong hininga ako at tumingala sa kalangitang natatanaw mula sa aking kinauupuan. “Maghintay ka lamang, Hunter.” Itinaas ko ang aking kamay ay pilit inaabot ang berdeng buwan na aking tinatanaw. “Muli akong makakarating diyan. Maghintay ka lamang!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD