Chapter 09

1115 Words
Sina Cresiente's Pov (Diamond Kingdom's First Princess)   Maaga palang ay agad kong inaya si Alicia na maglibot sa palasyo. Kung gusto kong tumulong sa hari at reyna para protektahan ang kahariang ito, kailangan kong kabisaduhin ang bawat sulok nito.   Base sa mga nangyari, marami akong posibleng kaharaping kalaban dahil sa posisyong hawak ko. Marami ang gustong umagaw nito na hindi ko maaaring hayaan. Dahil kapag naging pabaya ako ay parang ako na din ang sumira sa pinaghirapan ng hari at reyna.   "What do you want after this?" tanong ni Alicia matapos naming malibot ang palasyo. Itinuro nya ang bawat sulok at ang mga daang ginagamit ng mga tagapagsilbi kapag tumatakas sila para gumala sa labas. At ayon sa kanya, ginagamit din iyon ng mga pinsan at kapatid ko kapag lumalabas ito nang hindi nagpapaalam sa hari.   "I want to explore the whole city." walang gana kong sabi. "Gusto kong malaman at makita ang lahat ng nangyayari sa kaharian." Bumaling ako sa kanya. "Hindi naman magiging problema iyon, hindi ba?"   Umiling sya. "It's fine. Sinabi ng reyna na pwede kitang dalhin kung saan mo gusto kahit sa labas pa ng palasyo."   "Paano ang mga tao sa labas? Baka magkagulo sila kapag nakita tayo."   "Ang tanging nakakakilala lamang sa crown princess ay ang mga dumalo sa party kahapon at ilang miyembro ng mga noble clan kaya hindi mo dapat alalahanin ang mga commoners. They don't know you." paliwanag nya. "Makakapamasyal ka nang hindi inaabala ng kahit sino. Maliban lang kung may makakasalubong kang galing sa noble clan."   Tumangu-tango ako. "Then, magpalit tayo ng damit."   Ngumiti sya. "Iyan din ang iniisip ko."   __________   Matapos magpalit ng damit ay agad kaming umalis ng palasyo. At dahil kampante naman akong walang mangyayaring masama sa amin ngayon ay hindi ko na sinunod ang sinabi ng reyna na magpasama sa kawal.   Ayoko nang may nakasunod sa'kin at baka makaagaw ako ng atensyon na kailangan kong iwasan habang hindi pa ako masyadong nakakapag-adjust sa bagong buhay na ito.   Ang mundong ito kasi ay parang pinaghalo-halong kultura sa mundong pinanggalingan ko. Ang istruktura ng palasyo at mga bahay dito sa labas ay pang-western. Lahat ng bahay at mga establishment dito ay gawa sa bato na may hanggang dalawang palapag lamang.   Ang pananamit ay pang-ancient China and Japan. Cheongsam and kimono. Hanfu ang madalas gamitin sa pang-araw-araw na kasuotan at kapag may impormal o iyong hindi kalakihang party na iilang mga noble clan lang ang nakakapunta.   Ginagamit ang kimono sa pormal na party at isinusuot din kapag may mga panglahatang pagdiriwang tulad ng fiesta sa bawat tempo sa kaharian o kaya ay new year.   Sa pagkain, hindi ko pa natitingnan lahat dahil ang pagkain na inihanda sa palasyo ay puro prutas at inihaw na karne. May mga minatamis din pero karamihan ay kakanin lang.   Walang technology dito dahil halos lahat ng ginagamit nila sa pang-araw araw ay pinapatakbo ng mahika. May mga bato sila dito na tinatawag nilang lacrima na nagpo-produce ng kuryente, hangi, apoy at tubig.   Sobrang convinient ng pamumuhay dito dahil sa mahika lang sila umaasa sa bawat araw. At mukhang ang mundong ito ay may unlimited supply ng magical power.   "Sina, sinabi kong huwag kang lalayo sa akin." Agad akong hinawakan ni Alice. "Masyadong maraming tao dito kaya kapag napahiwalay ka sa akin ay siguradong mahihirapan akong hanapin ka."   Nandito kasi kami ngayon sa market at tulad ng sabi nya ay marami ngang tao dito pero hindi iyon nakasagabal sa pagtitingin ko sa mga panindang mayroon dito. At talagang sobra ang pagkamangha ko.   Nasa ibang mundo nga talaga ako dahil wala ng mga ito sa pinagmulan ko.   "Oh." Iniabot sa akin ni Alicia ang isang malaking candy na hugis ibon. "Tanghali na kaya kailangan na nating maghanap ng makakainan."   "Doon sa Liu Fei Restaurant na madalas mong ikwento." sabi ko. "Gusto kong matikman iyong mga kinakain mo doon."   Madalas ikuwento ni Alicia ang nangyayari sa kanya sa labas ng palasyo kapag nagpupunta sya noon sa tower dahil nagbabakasakali syang makakatulong iyon para mapalabas ng tower si Sina pero hindi iyon umuubra na alam kong ikinalulungkot nya kaya gusto ko ding bumawi sa kanya.   Malaki ang naitulong nya kay Sina kaya gusto ko iyong ibalik sa kanya and beside, she reminds me of Alice kaya hindi sya mahirap makasundo.   "Sigurado ka?" tanong nya na agad kong tinanguan. "Sure ka talaga?"   Sinimangutan ko sya. "Bakit ayaw mong maniwala?"   "Sa pagkakaalala ko, sinabi mo noon na ayaw mong pumunta sa lugar na iyon." aniya. "Kaya nga itinigil ko ang pagku-kwento ng tungkol doon."   Kumapit ako sa braso nya at ngumiti. "That was in the past. Nagbago na ako kaya gusto kong puntahan lahat ng lugar na madalas mong ikwento."   Pinakatitigan nya ako pagkuwa'y ngumiti din. "Ang laki ng pagbabagong nangyari sayo pero mas gusto ko ang Sina na nasa harap ko ngayon."   "Tara na nga."   Pagdating sa restaurant ay agad kaming nakahanap ng pwesto. Sa second floor iyon at sa tabi pa ng bintana kung saan tanaw ang kalsada.   "Iyong mga specialty nyo dito." sabi ko sa tagapagsilbi. "Pakisamahan na din ng alak. Iyong pinakamasarap."   "Sina!" madiing tawag sa akin ni Alicia at pinanlakihan pa ako ng mata. "Hindi ka pwedeng umuwi nang nakainom."   "Konti lang." Nag-abot ako ng small silver coin sa waitress at umalis.   Copper, silver at gold coins ang gamit sa mundong ito pero ang currency ay tinatawag na ren. At may anim na coins na ginagamit dito.   Small copper na nagkakahalaga ng ten ren. Habang ang big copper naman ay one hundred ren.   Ang small silver ay nagkakahalaga ng one thousand ren at ang big silver ay ten thousand ren.   At ang coins na may pinakamalaking halaga ay ang small gold na nagkakahalaga ng one hundred thousand ren habang ang big gold coin naman ay one million ren.   Pero tanging mga copper at silver lang ang umiikot sa mga ganitong market at restaurant dahil ang mga gold coins ay tanging makikita lang sa mga malalaking establishment na nasa uptown.   "Anyway." Bumaling ako kay Alicia. "Now that you finally decide to get out of that tower, siguro naman ay hahayaan mo na ang mga magulang mo na kumuha ng mga magbabantay sayo."   Napangiwi ako. "Kailangan ba iyon?"   Mabilis siyang tumango. "Syempre naman noh. Lalo na ngayong hindi mo pa alam gamitin ang kapangyarihan mo."   Nanlaki ang mga mata ko. "M-may kapangyarihan ako?"   Kumunot ang noo niya. "Aba'y nasaan ba ang isip mo at pati ang sarili mong kapangyarihan ay nakalimutan mo yata."   Napakamot ako ng ulo.   Oo nga't bumalik na ang alaala ni Sina sa akin pero wala doon ang kahit anong may kinalaman sa kapangyarihan.   Aish!   Ano ba talagang nangyari kay Sina at bakit ganito kagulo ang nangyayari sa buhay niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD