Chapter 35

1266 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “Mom.” agad akong yumakap sa reyna nang salubungin niya ang aking pag-uwi. Hindi ko alam pero pakiramdam ko talaga ay pagod na pagod ako at gusto kong mayakap ang reyna.   “Hey.” Hinaplos niya ang aking likod. “Did something happen?”   Tumango ako. “I already got my job roles and started as a rank E adventurer.” Ipinakita ko sa kanya ang copper necklace ko pero hindi pa din ako bumibitaw ng yakap sa kanya. “And tomorrow, before we go back here for the awarding ceremony, kukuha muna kami ni Alicia ng quest to start our first day as a regular adventurer.”   “And?”   Iniangat ko ang aking ulo upang makita ang mukha niya. “And?”   “What you said are the good things that happened today,” she said. “Pero hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang mga nangyari na hindi mo nagustuhan sa araw na ito.”   Tinitigan ko siya pagkuwa’y bumuntong hininga. “I don’t really know if you feel what I am feeling or if you just really know me well.”   Hinalikan niya ang aking noo. “I don’t really know you that well, baby. Ahm, not the “you” after you almost die.”   Tumangu-tango ako. “Dahil malaki ang pagbabago ko mula nang magising ako matapos ang isang buwan mula nang may nagtangka sa buhay ko.”   “Yeah,” aniya. “That’s why it is hard for me to know what you really feel and to be honest with you, since the day you woke up, hindi ko na maramdaman kung ano ang emosyon mo.”   “Eh?”   Tumango siya. “So, I ended up relying on my mother’s instinct.”   “Mother’s instinct.” mahina kong sabi. And I remember my mother on Earth and how she treats me after I met Hyun and his father.   Agad kong iniiling ang aking ulo at muling sumubsob sa dibdib ng reyna. Ayokong maalala ang mga masasakit at malulungkot na bagay na naranasan ko sa Earth bilang si Luna Nueva.   Ang gusto ko na lang alalahanin sa nakaraan kong buhay ay ang mga masasaya dahil isa iyon sa pinaghuhugutan ko ng dahilan upang mapanatiling buhay sa mundong ito si Luna kahit pa nasa loob ako ng katawan ni Sina.   “So? Can you tell me what happened?” tanong ng reyna.   “Dahil sa ginawa namin ni Alicia sa tarangkahan ng kaharian ay naging target kami ng kung sino ang nasa likod ng panggugulong iyon dahil itinuturing nila kaming hadlang sa kung anuman ang plano nilang gawin dito.” kwento ko. “Kanina kasi habang nasa novice examination ako ay nagawa agad nilang makontrol ang buong arena at gawing hostage ang lahat ng manonood kaya walang magawa ang Ruwan Rai upang iligtas kami sa loob.”   “Did you regret doing what you did?” tanong niya na ikinakalas ko ng yakap sa kanya at umiling-iling.   “Kung hindi ako nakialam, nasisiguro kong sa mga oras na ito ay malungkot si Alicia dahil sa pagkaubos ng kanyang mga kaibigan.” sabi ko. “At hindi ko kakayaning makita na malungkot ang nag-iisang nilalang na hindi ko naman kadugo na siyang tumanggap sa akin at hindi ako iniwan kahit pa isa lamang akong duwag noon.”   I only did what I did because of Alicia. Masyadong malaki ang utang na loob ko sa babaeng iyon kaya nakahanda akong siguruhin ang kaligtasan at kasiyahan niya.   Well, hindi lang para makabawi ako sa mga nagawa niya para sa akin. She also deserves that because she is a great human.   “But…” Bumuntong hininga ako. “I feel like I am risking her life for letting her be with me. Being with me as Princess Sina because of those unknown people who want me dead and being with me as Adventurer Luna Nueva because of the mastermind of the group that wanted to do something bad inside of our kingdom.”   I don’t want her to die. Ayokong sa ikalawang pagkakataon ay mamatay na naman ang kaibigan ko dahil sa akin. Dahil sa pagiging malapit niya sa akin. Dahil sa mga desisyon ko sa buhay.   Isa pa, naaalala ko din ang aking panaginip noong bago ako magising sa katawang ito.   Malinaw pa iyon sa alaala ko at sigurado ako sa sinabi sa akin ng babaeng nagpakita sa panaginip kong iyon.   “Be sure to protect her because in this life, if she dies, you will also die.”   That was her exact words and I am sure, si Alicia ang tinutukoy niya dahil malaki ang posibilidad na nasa katawan din nito ang kaluluwa ni Alice.   That’s why I also want to protect her.   Not just because she is Alice but Alicia herself did everything she can for Sina. Kung wala si Alicia sa tabi ni Sina ay nasisiguro kong ang pagkakataon kong ito na muli mabuhay at makasama si Alice ay hindi posible dahil sa isang maliit na pagkakataong naging koneksyon namin sa mundong ito.   “Honey…” Muli akong niyakap ng reyna at hinaplos ang aking buhok. “Alam ko ang pag-aalala mo para kay Alicia. Alam kong hanggang ngayon ay binabalot ka pa din ng iyong konsensya dahil sa kamuntikan niyang pagkamatay nang dahil sa pagliligtas sayo. At alam kong nag-aalala ka sa kanya dahil hindi mo man ipinapakita sa kanya noon ay talaga namang itinuring mo siyang higit pa sa kapatid.”   Mas naging kapatid pa kasi siya sa akin kaysa sa mga mismong kapatid ko kaya talagang gusto kong pangalagaan at protektahan ang babaeng iyon. Siya lang ang tanging nagtyaga sa akin kahit may pagka-cold pa ang pinakikita sa kanya ni Sina.   “But honey, ano ba ang mas mahalaga para sayo?” tanong niya. “Ang kaligtasan ni Alicia o ang mararamdaman niya?”   Tumingin ako sa kanyang mga mata at kumunot ang noo. “A-anong ibig mong sabihin?”   “Si Alicia mismo ang nagdesisyon na sumama sa iyo mula pa noong nagkulong ka sa tower.” aniya. “Alam niya ang mga posibleng mangyari at alam niyang darating ang pagkakataon na posible siyang maharap sa kamatayan ngunit siya pa din ang nag-insist na alagaan ka at manatili sa tabi mo.”   I know that.   “Siya din ang nag-insist na manatili pa din sa tabi mo kahit na muntik na siyang mamatay at ngayon nga ay hindi ka pa din niya iniiwan kahit na alam niyang isang panibagong panganib na naman ang inyong kahaharapin ngayong lumabas na kayo sa palasyo.” dagdag pa niya.   I also know that.   All of that, it was Alicia’s decision. Because she really treats me as her friend and she wants to stay by my side whatever happens.   “So, if you exclude her in your life just because you are worried about what will happen to her, sa tingin mo ba ay magugustuhan niya iyon?” tanong niya. “Sa tingin mo ba ay hindi siya masasaktan sa gagawin mong iyon?”   Hindi ako nakasagot sa kanya kahit alam ko naman ang sagot. Hindi ko lang masabi dahil alam kong mali kung anuman ang iniisip ko kanina.   “So, I am asking you again.” sabi niya. “Higit bang mas mahalaga sa iyo ang kaligtasan niya kaysa sa mararamdaman niya kapag inilayo mo siya sa gulong posible mong kaharapin bilang prinsesa at adventurer?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD