Chapter 34

1242 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “Hindi mo ba talaga pwedeng sabihin sa amin kung paano mo naikulong ang lahat ng nasa cellar ng arena?” tanong ni Saila nang makabalik na kami sa guild building.   Ang guildmaster at ilan pang adventurer ng Ruwan Rai ang umasikaso sa grupong nakialam sa novice test at makailang beses nila kaming tinanong kung ano ang ginawa namin at kung paano kami nakaligtas sa kritikal na sitwasyong iyon kung saan daan-daang manonood ang hostage.   “Sa sitwasyon namin ngayon, mas mabuting walang makakaalam ng kakayahan,” sabi ko kay Saila. Makailang beses na din kasi naming tinanggihan ang pagsagot sa mga tanong nila. “Kapag nalaman ng mga nilalang na iyon an g kaya naming gawin ay nasisiguro kong maaari nila iyong gamitin laban sa amin.”   Bumuntong hininga siya. “Sa bagay. Kaya mas mabuti na ngang hindi niyo na lang sabihin.” aniya. “Ang mahalaga ngayon ay walang sinuman ang nasaktan dahil na rin sa pagiging kampante namin.”   “It is not our guild’s fault,” sabi ni Alicia. “Kung ano mang grupo ang nakialam sa novice test namin, iyon ang may kasalanan. And we are at fault too dahil hindi agad namin napansin ang kanilang presensya.”   Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Saila. “Sinasabi mo bang may kakayahan kayong maramdaman agad ang presensiya ng kalaban niyo?”   Tumango ako at itinuro ang aking sarili. “I can sense their emotions. Pero dahil masyadong marami ang manonood at hindi ko inaasahan ang pagdating ng mga iyon ay hindi ko agad ito napansin.”   Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Saila kaya tinapik ko nalang siya sa balikat.   “Huwag mo na iyong intindihin,” sabi ko. “Just focus on your job and thank you for worrying about us.”   Kinuha na namin ni Alicia ang kwintas namin bilang ganap na adventurer ng Ruwan Rai. I am an all rounder adventurer habang support adventurer naman si Alicia.   Pero dahil baguhan pa lang din naman kami sa guild at sa pagiging adventurer ay kailangan pa din naming magsimula sa pinakamababang rank which is rank E, ang pinakamababang rank sa mga adventurers. Kulay copper ang pendant ng kwintas namin.   Silver ang kulay ng mga nasa rank D. Gold naman ang mga nasa rank C. Platinum ang mga nasa rank B habang Diamond ang mga nasa rank A.   Sa Ruwan Rai, tatlo palang ang mga may diamond necklace. Sila iyong mga nasa max level na at talagang ipinapadala pa ng guild sa iba’t-ibang lugar upang gawin ang pinakamahihirap na quest.   Hindi naman aabot ng sampu ang mga may platinum necklace. At kabilang na doon sina Soren, Chien and Lolly.   At karamihan sa mga nasa Ruwan Rai ay mga may gold and silver necklace. And as of this moment, kaming dalawa lang ni Alicia ang may copper necklace dahil kami lang naman ang pinakabaguhan sa guild.   Iyong mga sinundan kasi namin ay naka-rank up na din last month.   Kaya dapat lang ay magpatuloy kami sa pagtanggap ng quest upang unti-unti kaming makaangat ng rank dahil sa mga points na ibinibigay ng questor at experience points na nakukuha namin kapag may nakakalaban kaming mga monster.   “So? What do you want to do now?” tanong ni Alicia. “Wanna go grab a bite before we go home? We can celebrate our success.”   Umiling ako. “Inaantok na ako kaya umuwi na lang muna tayo.”   May pag-aalala siyang humawak sa braso ko. “Okay ka lang ba?”   Pilit akong ngumiti. “I am fine. Napagod lang siguro ako dahil ngayon ko palang naman nagamit ang null magic ng ganito.”   Hindi din naman kasi biro ang mana na kinonsumo ng program and levitate null magic kaya hindi na nakakapagtaka na makaramdam ako ng pagod. Maliban pa doon ay makailang beses ko ding ginamit ang heal sa kalaban ko kaya kailangan ko talagang umuwi nang makatulog na ako.   At kailangan ko na ding magpahinga dahil ilang araw na lamang mula ngayon ay ang award ceremony na inihanda ng palasyo para sa amin ni Alicia bilang mga adventurer na nagligtas sa kaharian.   “Sa bagay,” aniya. “Oh, sige. Umuwi na tayo para makapagpahinga ka. Maaga din kasi tayong babalik sa guild building para sa mga bagong quest na ipapaskil sa bulletin board.”   Ngumiti ako at tumango pagkuwa’y tinahak na namin ang daan pauwi sa palasyo.    *********   Soren Klude’s Pov (Tourmaline Kingdom’s First Prince)   “May nakita ka bang kakaiba?” tanong ko kay Chien matapos niyang inspeksyunin ang kabuuan ng arena na ginamit sa novice examination nila Alice at Luna.   Isa kasi kami sa naatasang mag-imbestiga dahil ayaw magsalita ng mga nilalang na nakakulong sa cellar.   Ah, ang tamang salita ay wala din silang alam sa mga pangyayari kung paano nga ba sila napunta doon. Para bang nasa ilalim sila ng mahimbing na pagkatulog dahil ayon sa isa ay ang huli nilang natatandaan ay nasa itaas sila ng arena at nagmamasid sa paligid.   At nang magkamalay ay nakita na lang nila ang sarili sa loob ng kulungan. Maliban pa doon ay hindi nila magawang makalabas doon kahit pa hindi naman naka-lock ang kandado nito.   Kaya naman marami sa amin ang talagang gustong malaman ang nangyari dito. Pero bigo kami dahil wala namang nakasaksi sa ginawa nila Luna at Alice.   Hindi din naman namin mapilit sina Luna para sabihin sa amin. Ngayon kasing sila ang nagiging target ng mga nilalang na nagnanais manggulo sa kahariang ito ay mas makakabuti kung kakaunti lamang ang nakakaalam ng kanilang kakayahan nang sa gayon ay hindi sila ma-disadvantage sa tuwing may kikilos para saktan sila.   “Huwag na nating alamin kung ano ang nangyari dito.” sabi ni Chien. “Mas makakabuti na iyon. Ang pagtuunan nalang natin ng pansin ay ang pag-iimbestiga kung anong grupo ang kinabibilangan ng mga tarantado dahil nasisiguro kong hindi titigil ang mga ito sa pagtatangka sa buhay nila Luna at Alice.”   Tumangu-tango ako.   Isa pa, kung uumpisahan namin ang pag-iimbestiga sa mga ito ay maaari kaming dalhin nito sa pinakaugat ng nangyari sa nanakaw na roho.   “Soren. Chien.”   Nilingon namin si Lolly na siyang tumawag sa mga pangalan namin.   “May problema ba?” tanong ni Chien.   Umiling ito. “Pero kailangan daw tayong makausap ni Guildmaster pagbalik natin sa office.”   Kumunot ang noo ko. “Bakit? Tungkol saan ang pag-uusapan?”   “Confidential quest.” sabi nito. “At galing ang quest na ito sa buong kaharian ng Diamond Kingdom.”   “Eh?” Bakas ang matinding gulat sa mukha ni Chein. “Teka, hindi ba’t napaka-rare na magkaroon  ng isang quest na manggagaling mismo sa buong kaharian? I mean, iyong napagkasunduan mismo ng mga mamamamyan ng isang kaharian?”   “It is rare dahil alam naman nating lahat na magkaiba ang isip ng tao.” sabi ko. “But sometimes, may mga bagay ding napagkakasunduan ang majority ng population and this is that time.”   “So? Are you up for this kind of quest?” tanong ni Lolly.   Nagkibit balikat ako. “I will see to it later.” Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa mga mamamayan ng Diamond Kingdom at kung ano ang kanilang napagkasunduan pero parang may ideya na ako kung ano iyon.   I will just confirm it later.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD