Chapter 36

1161 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Magdamag ding gumugulo sa aking isipan ang tanong na iniwan sa akin ng reyna at sa totoo lang ay hanggang sa mag-umaga ay wala pa din akong napagde-desisyunan.   Kaya naman hindi ko alam kung paano ko nga ba kakausapin si Alicia tungkol sa iniisip ko para na rin alam niya ang mga posibleng mangyari kapag desidido na talaga ako sa gusto kong gawin para sa kapakanan niya.   “Alic--” Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong sampalin ni Alicia nang tuluyan siyang makalapit sa akin.   “Akala ko ba, wala nang secrets.” naluluha niyang sabi. “Akala ko ba magre-rely ka na sa akin simula ngayon? Pero bakit, Sina? Bakit pinag-iisipan mong ilayo ako sayo? Bakit?”   “A-Ali…”   “You said it yourself, Sina.” Marahas niyang pinunasan ang kanyang pisngi na basa na ng luha. “Pero bakit ikaw pa mismo ang tatalikod sa pangako mong iyon gayong wala naman akong ibang ginusto kundi ang manatili sa tabi mo dahil maging ako ay nag-aalala sayo.”   “Please. Just let me--”   “Save your breath!” sigaw niya at agad akong tinalikuran pagkuwa’y tumakbo palayo sa akin.   At wala akong nagawa kundi ang habulin na lamang siya ng tingin hanggang sa tuluyan ko na siyang hindi makita.   Napabuntong hininga ako habang hawak ang pisngi ko.   Yeah, I deserve that slap dahil wala nga namang ibang ginawa si Alicia kundi ang manatili sa tabi ko dahil kaibigan niya ako.   Alam kong kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya ay ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin.   Pareho kaming nag-aalala sa kaligtasan ng isa’t-isa.   Pero kasi, ako lang naman ang target ng mga iyon. Ako lang din naman ang dahilan kung bakit kami ngayon napapa-trouble sa mga nagtangkang sumalakay dito sa kaharian.   Aish! Inis kong ginulo ang aking buhok dahil hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gawin.   “Luna?”   Bumaling ako sa bumanggit ng pangalan ko at nakita ko ang nakakunot noong mukha ni Soren.   “Did something happen?” tanong niya. “Hindi mo yata kasama si Alice.”   Bumuntong hininga ako. “She’s mad at me.”   “Eh?”   Itinuro ko ang upuan na nasa harap ko bilang signal na pinauupo ko siya.   Nandito kasi ako sa loob ng isang restaurant kung saan dapat kami magkikita ni Alicia at private room ito kaya walang ibang nakakita ng pagsampal niya sa akin.   Hindi lang naisara ni Alicia ang pintuan ng silid na ito nang lumabas siya kaya marahil ay nakita ako ni Soren mula sa labas nito.   Agad naman siyang naupo. “What happened?”   “Sa tingin ko ay narinig ng isa sa evil step-sister ko ang usapan namin ng reyna kagabi,” sabi ko. “Tungkol iyon sa kagustuhan kong ilayo si Alicia sa gulong pilit humahabol sa akin. Medyo natakot kasi talaga ako sa nangyari kahapon.”   Hindi man halata pero talagang natakot ako para sa kaligtasan ni Alicia nang ma-realize ko kung ano ang nangyayari kahapon at walang magawa ang guild para tulungan kami.   “Hindi ko pa nga natatapos ang problema ko sa mga gustong pumaslang sa akin bilang prinsesa tapos heto na naman, may kasunod agad na mga nilalang na gusto akong patahimikin bilang adventurer.” Ipinatong ko ang pisngi ko sa mesa. “Ayoko lang na maulit sa kanya ang nangyari sa tower. Kung hindi lang naman mabait ang tadhana sa amin ay siguradong sa mga oras na ito ay patay na talaga kami.”   “Sa tingin mo ba ay hindi alam ni Alice ang mga consequence ng patuloy niyang pananatili sa tabi mo?” tanong niya.   “Alam ko naman na napag-isipan na niya itong mabuti,” sabi ko. “At handa siyang tanggapin ang lahat ng iyon. Maging ang magulang niya ay nakahanda ding harapin ang consequence ng pagpayag nilang manatili ang kanilang anak sa tabi ko. Alam kong alam niya at iyon ang kinatatakutan ikinakakonsensya ko.”   Hindi ako takot mamatay. I am always ready for that pero hindi ko hahayaan na sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang masayang ang buhay ni Alice dahil lang sa isang tulad ko.   Alicia and Alice are both great friends that me and Sina didn’t deserve to be with. They are too good for someone like us.   Kaya kahit alam kong nangako ako sa kanya, nakahanda akong baliin iyon masiguro ko lang ang kaligtasan niya.   Tama na iyong isang beses niyang hinarap ang kamatayan dahil nag-stay sila sa tabi namin. Tama na iyon. Hindi na kailangan pang maulit iyon.   “Ayoko nang maulit pa kung ano ang dinanas niya noong nasa tower siya kasama ako,” dagdag ko. “Alam kong hindi ko nakakayanin pang makita na mapahamak siya.”   Sariwa pa sa alaala ko ang pagkamatay ni Alice. At sa alaala ni Sina, sariwa pa din ang muntik na pagkamatay ni Alicia.   At hindi pa lumilipas ang isang buwan nang mangyari ang lahat ng iyon.   “Did you talk about it with her?” tanong niya.   Bumuntong hininga akong muli at umiling.   “Then, iyan ang una mong dapat gawin.” sabi niya. “Kasi, hindi ka mapapanatag hangga’t hindi mo naipapaliwanag kay Alice ang ikinababahala mo.”   “But she’s mad at me,” sabi ko at itinuro ang pisngi ko. “Nakikita mo ba ang pamumula nito? Siya ang may gawa niyan.”   “Don’t be offended but you deserve it for not asking her opinion about this matter because it is between you and her.” aniya. “It is not just about you.”   Naupo ako ng maayos at pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko. “I know that. Hindi naman ako galit sa ginawa niya and I really wanted to talk to her and explain everything pero tinakbuhan niya agad ako eh.”   “So?”   Tinaasan ko siya ng kilay.   “Ano naman kung galit siya at tinakbuhan ka?” tanong niya. “Wala kang planong habulin siya?”   “May plano ako noh.” giit ko. “Pero syempre, kailangan ko muna palamigin ang ulo niya para kapag pumunta ako doon ay talagang pakikinggan na niya ako.”   I don’t really have any idea kung paano magalit si Alicia kaya kailangan ko munang palamigin ang ulo niya ng mga ilang oras bago ako muling magpakita sa kanya.   Ayoko din namang tuluyang magkasira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa isang desisyon kong hindi pumabor sa kanya kung pwede naman namin itong pag-usapan ng maayos.   Tumayo siya at lumapit sa akin pagkuwa’y hinawakan ang aking kamay. “Let’s go.”   Kumunot ang noo ko at nagpahila nalang sa kanya palabas ng restaurant. Hindi na nga ako nakapagtanong kung saan kami pupunta eh.   Saan naman kaya ako dadalhin ng lalaking ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD