Chapter 23

1160 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “s**t!”   “Anong nangyari?”   Nagsimulang magkagulo ang lahat dahil sa malakas na pagsabog na naganap sa pinakaunahan ng mga karwaheng nakapila upang lumabas ng kaharian.   At kahit ako ay hindi din alamang nangyari. Nakaramdam lang ako ng pwersang palapit kaya agad kong hinila si Alicia palayo doon.   Mausok ang paligid at hindi man namin nakikita kung ano ang nasa likod noon ay nasisiguro kong hindi maganda ang bubungad sa amin.   “Luna! Alice!” Agad pumunta sa harap namin si Chein. “Okay lang ba kayo?”   “Oo.” sabi ko at tinulungan si Alicia na makatayo. “Alam mo ba kung ano ang nangyari?”   “I am not really sure but I think something big fell from the sky.” sabi niya. “At diretso iyong bumagsak sa karwaheng sasakyan nyo sana.”   Then, iyon ang naramdaman ko kanina.   Muling nanlaki ang aking mga mata nang maramdamang muli ang pamilyar na pwersang palapit sa kinatatayuan namin.   At agad akong tumingala.   Doon ko nakita ang hindi mabilang na black lion na siyang pabagsak sa amin.   Shit!   Hinila ko sina Alicia at Chein palayo. “Up in the sky!” paulit-ulit kong sigaw upang maging aware ang lahat.   Kumunot ang noo nila pero ilang sandali pa ay unti-unti din silang tumingin sa kalangitan. At tulad ng reaksyon ko ay nanlaki din ang mga mata nila sa nakita ngunit mabilis na kumilos.   Tumakbo kami palayo sa tarangkahan kung saan paniguradong babagsakan ng mga black lions na iyon.   “How did they manage to get those big creatures to fly?” hindi makapaniwalang sabi ni Chein habang iniiwasan namin ang pagbagsak ng mga black lion.   “I don’t have any idea but we have to get out of here kung ayaw nyong mabagsakan ng mga halimaw na iyan.”   We run as fast as we can. Avoiding those monsters who fell in the ground. At dahil malalaki ang mga ito ay ramdam din ang malakas na pagyanig ng lupa sa tuwing may bumabagsak sa kanila.   At unti-unti na ding binabalot ng makapal na usok ang lugar.   Hanggang marating namin ang isang mataas na pader na kung saan kita ang kabuuan ng malawak na lugar kung saan bumabagsak ang mga halimaw.   “Hindi ko akalain na ganito kalupit ang kung sinumang kumokontrol sa kanila.” mahinang sambit ni Alicia habang lumuluhang nakatingin sa mga nakakaawang black lion.   Ang ilan kasi sa mga ito ay napilayan at nagtamo ng sugat dahil sa malakas na pagbagsak. Ang iba ay tuluyang namatay dahil hindi kinaya ang impact. Habang ang iba naman ay nakayanan pa ding tumayo ngunit bakas ang pagdaing ng sakit.   “Kung sinuman ang kumokontrol sa kanila ay kailangang magbayad.” Mahigpit niyang naikuyom ang kanyang mga kamao. “They have to pay for what they did to them.”   Hinawakan ko ang kamay ni Alicia dahilan kaya siya napatingin sa akin. “Don’t worry, I am with you.”   Tumango siya. “Don’t hold back, Luna.”   Ngumiti ako. “Copy.”   Maya-maya ay dumating ang iba pang high level adventurers kung saan kami nagtitipon.   At isa-isa nilang ipinaliwanag ang mga dapat naming gawin.   Alicia will be in my team with another two support and the three of them will be supporting the main unit. Ang mga ito ang aatake sa mga black lions para makalapit sa lalaking nakamaskara na siyang tingin namin ay kumokontrol sa mga black lions.   And my role here? I will try to tame every black lion that will try to attack us. Busy kasi si Alicia sa pagprotekta sa iba kaya hindi niya kami basta mapo-protektahan kung sakali man.   Chein is a fighter along with Soren kaya naman kasama sila sa main unit.   “Do your thing, Luna.” ani Alicia. “Save them as much as you can.”   Tumango ako. “Then, can you tell me what I can do to activate this power?”   “First, you have to concentrate.” aniya. “Pakiramdaman mo ang pagdaloy ng mana sa katawan mo. If you already feel something like electricity within your body, then that’s when you will start to imagine.”   Kumunot ang noo ko. “Imagine?”   Tumango siya. “Imagine a strong thread. A really strong thread na nakakabit sa dibdib mo at sa dibdib ng monster na ite-tame mo. Let it feel what you want to do. Let it feel that you are not a threat to him and make sure that it will feel how sincere you are.”   “Is that how that ugly guy did?” Tukoy ko sa mga kumokontrol ngayon sa mga black lion.   Umiling siya. “What he is doing is controlling them using fear. Not a bond thread that your grandmother always does.”   “Hmm.” Tumangu-tango ako. “I understand.”   “Always remember, Luna.” Tumingin siya sa akin. “You are taming them, not controlling them.”   “Okay.   Huminga ako ng malalim at sinimulang gawin ang mga sinabi ni Alicia.   Hindi ko alam kung magiging madali ba ito pero wala naman akong choice kundi siguruhing magtatagumpay ako.   Ipinangako ko kay Alicia na ililigtas namin ang kaibigan niya kaya kailangan kong tuparin iyon.   Hindi man lahat, at least ay may mailigtas pa din kami upang masiguro na hindi sila magiging extinct sa mundong ito.   Bahagya akong bumalikwas nang maramdaman ang mahihinang ground sa buong katawan ko.   Napatayo pa ako dahil ito ang unang beses na naramdaman ko.   “Did you feel it?” tanong ni Alicia. “Mahihinang ground na bumabalot sa katawan mo?”   “Y-yeah,” mahina kong sabi habang nakatingin sa mga kamay ko.   “Always remember that feeling.” aniya. “That’s what you need to feel every time you use your powers. Now, do the second one.”   Tumango ako at bumaling sa black lion na ngayon ay palapit sa amin. Muli akong huminga ng malalim at sinimulang i-imagine ang isang makapal at matibay na sinulid na parehong nakadikit ang dulo sa dibdib ko at sa dibdib ng black lion.   After that, I imagine sending all those feelings that I saw to Alicia.   Iyong sakit habang nakikita niyang nasasaktan ang mga kaibigan niyang hayop. Iyong kagustuhan niyang iligtas ang mga ito. Iyong kagustuhan niyang talunin ang mga kumokontrol dito.   I want them to know what Alicia is feeling right now because to be honest, I don’t even know what I should feel right now.   Ang tanging nasa isip ko lang kasi ngayon ay ang matupad ang pangako ko sa kaibigan ko dahil hindi kinakaya ng puso ko ang makitang malungkot at nasasaktan siya.   “So, please! If you are really her friend, fight for yourself so you can get out of that man’s control. Fight! Fight! Fight!”   Nanlaki ang mga mata ko.   “W-what happened?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD