Chapter 22

1136 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Nakahanda na ang lahat at nandito na sa tarangkahan ng kaharian. Hinihintay na lang namin si Alicia dahil siya lang daw ang makakapagsabi kung nasaan ang kumuha ng roho na siyang may kakayahan na kontrolin ang maraming black lion.   Ang sabi kasi nila, maaaring magamit ng kahit sino ang kapangyarihan ng roho ng isang Hunter’s Moon kaya ganoon nalang ang pag-iingat nila sa mga ito lalo pa’t marami talaga ang naghahangad sa mga malakas na kapangyarihang hawak nito.   At may kakayahan naman ang sealer na tulad ni Alicia na i-locate ang anumang roho na kanilang na-seal. Kaya din nilang maramdaman kung sakaling mawala ang seal na kanilang inilagay dito.   “Hey, rookie.” Bumaling ako sa isang babae na lumapit sa akin. “Are you going to join this fight?” Base sa mag weapon na dala niya ay nasasabi kong isa siyang sniper. And from her aura, siguro ay kasing level na siya ni Soren.   Umiling ako. “Hinihintay ko lang din ang hinihintay nyo.” sabi ko. “Kaibigan ko kasi iyon.”   “Oh.” aniya pagkuwa’y inilahad ang kanyang kamay. “I am Lolly, a sniper. Level 69.”   Shit! Higit palang mas mataas ang level niya.   Tinanggap ko iyon at nakipagkamay sa kanya. “Luna, novice.”   “Ah.” Binitiwan niya ako at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Ikaw iyong madalas ikwento ni Chein.”   “Eh?”   “Luna the novice.” she said. “The one who has healing, memory access and taming power.”   “Ah, ako nga iyon.” Pero natigilan ako nang maalala na isa din akong empath na namana ko sa hari. Ibig sabihin ay may apat akong kapangyarihan and I think, Alicia knew that.   Pero ang sinasabi nila ay tatlo lang ang kapangyarihan ng isang Thamanian.   “Hey.” Natauhan ako nang yugyugin ako ni Lolly. “If you are a tamer, why don’t we help tame those black lions?”   Umiling ako. “Impossible. I can’t do that because I don’t even know how to use my powers.”   “You can do it.” aniya. “Taming power is not something that you need practice. It is a talent so you can use it without having a problem.”   Hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin. Kasi naman iyong mga mata niya ay puno ng pag-asa na papayag ako sa gusto niyang mangyari.   Kaya napabuntong hininga na lamang ko at nag-iwas ng tingin. “I-I can try.”   “Yes!” Binitawan niya ako at nagtatalon sa tuwa. “You will surely reduce our enemy and we can save those poor black lions.”   And that hit me. Ang sabi ni Alicia, hindi naman talaga ganoon kaagresibo ang mga black lion. Hindi sila nanggugulo sa ibang mga monster at hindi din sila umaalis sa kanilang tirahan kaya nabuo ang konklusyon niya na may kumokontrol sa mga ito.   And now I see that they don’t really want to hurt those monsters but they don’t have any choice since it has been controlled and ordered to kill humans.   Tinitigan ko ang aking kamay.   Hindi ko alam kung makakaya ko bang gamitin ang kapangyarihan ni Sina but I am willing to try kung makakatulong naman ito upang mailigtas ang mga black lion na iyon.   “Luna!”   Napalingon ako kay Alicia na palapit na sa akin. “Did you get what you need?”   Tumango siya. “At naibigay ko na din kay Chein kaya ngayon ay pinagpa-planuhan na nila ang kanilang magiging hakbang.”   “That’s good news.”   “But I need you to do something, if that’s okay with you.” sabi niya na agad kong tinanguan.   “Anything I can help.”   Huminga siya ng malalim. “Alam kong hindi mo pa nagagamit ang taming power mo but can you please try and tame those black lion that we might encounter?”   Ngumiti ako at ipinatong ang kamay sa balikat niya na ikinatigil niya sa pagpapaliwanag. “You don’t need to explain everything to me. Nabanggit na nito--” itinuro ko si Lolly na hanggang ngayon ay masaya pa ding tumatalon-talon dahil sa pagpayag ko sa sinabi nya kanina. “--ang bagay na iyan at nakapag-decide na din akong tumulong.”   Lumiwanag ang kanyang mukha at dahan-dahang ngumiti. “S-salamat.”   “Pero, why do I feel like you are more attached to these black lions than the others?” I asked.   “Well, those black lions are actually the gift of your grandmother on my 10th birthday.” aniya. “At I decided to raised them in the forest para hindi sila aabala dahil iyon ang natural nilang tirahan. And I was the reason why they grew into a large number kahit na idineklara na silang instinct before.”   “In other words, they are your friends and now, they are under control by someone who just wanted to use them.”   Tumango siya.   “Okay,” I said. “I understand the situation and to be honest, I don’t want to promise you anything because I don’t even know how to control my power but I will do everything to save them.”   Kung noon ay ang tanging alam ko lang gawin sa buhay ay pumatay ng pumatay, sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, kabaliktaran ang aking gagawin ko.   Ililigtas ko ang lahat ng kaya kong iligtas sa kahit na anong paraan. Maging tao man sila o hayop.   Napakamot ako ng ulo.   I sounded like Alice.   Kahit kasi tanggap niya ako bilang assassin ay hindi naman ibig sabihin ay sumasang-ayon siya sa ginagawa ko. Kaya madalas ay lagi niyang sinasabi sa akin na pahalagahan ko ang lahat ng nilalang na may buhay at huwag kong itatak sa utak ko na normal lang ang pagpatay.   Pero hindi ko magawang sumunod sa kanya dahil hindi ko kayang suwain si Hyun.   At ngayong wala na sa buhay ko ang lalaking iyon ay maaari ko nang gawin ang mga bagay na laging sinasabi sa akin ni Alice noon.   “Luna! Alice!”   Bumaling kami kay Chein na kalalapit lang sa amin.   “Nakahanda na ang lahat.” aniya. “Pumunta na kayo sa karwahe.”   Tumango kami. “Sige, salamat.”   Agad kaming tumakbo palapit sa unang karwahe na siyang nakahanda para sa mga sasama sa misyong ito.   Pero bago pa man kami tuluyang makalapit doon ay agad akong tumigil sa pagtakbo, hinawakan ko ang kamay ni Alice at muling tumakbo sa kabilang direksyon palayo doon.   At ilang sandali lang ay isang malakas na pagsabog ang naganap.   “s**t! Nandito na sila!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD