Chapter 24

1309 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. At hindi ko din maintindihan kung ano ang nangyayari.   Iyong bond thread kasi na inimagine ko kanina na nakakabit sa akin at sa isang black lion na siyang pinakamalapit sa amin kanina ay biglang dumami at ang lahat ng kabilang dulo nito ay nakadikit sa halos kalahating black lions.   At ngayon ay nagwawala ang mga ito ngunit wala itong inaatake na kahit sino dahil pinipilit nitong makawala sa kontrol ng lalaking iyon. And they are inflicting self-harm na tingin ko ay paraan nila upang makawala at maging malayang muli   At sinamantala naman iyon ng ibang adventurers. Nilagpasan nila ang mga nagwawala at ang tanging nilalabanan lang nila ay ang mga sumasalakay sa kanila.   Nakita ko din ang pagkataranta ng lalaking namumuno sa mga ito.   “Alicia.” Tumayo ako at tumabi sa kanya. “Maaari mo ba akong gawan ng light arrow that will explode?”   Kumunot ang noo niya ngunit tumango siya. “I can.”   “Then, please. I need one.” Hinablot ko ang isang pana at agad kinuha ang light arrow na ginawa ni Alicia. “Protect everyone.” Inilagay ko iyon sa pana at itinutok sa natatarantang kalaban.   Higit na malayo ang distansya ko sa kanya kumpara sa unang pagsasanay ko kanina kaya hindi ako sigurado kung tatama ba ang palasong ito pero nasisiguro kong makakatulong ito upang tuluyang mawala ang kontrol niya sa mga black lion.   Nang makakita ako ng tamang tyempo ay binitiwan ko na ang palaso at agad kong sinenyasan si Alicia na maglagay ng barrier sa pagitan ng kalaban at ng mga adventurers na agad naman niyang ginawa.   At ilang sandali lang ay malapit nang tumama iyon sa noo ng lalaki.   Ngunit bago pa iyon mangyari ay nagawa niyang masalo ang palasong iyon na ikinalaki ng mga mata ko at ikinangisi niya habang diretsong nakatingin sa akin.   Ngunit unti-unti din akong ngumisi dahil inaasahan kong iyon ang mangyayari.   At mukhang na-realize niya iyon dahil unti-unting nawala ang ngisi niya at akma pa sanang itatapon ang palasong hawak ngunit bago pa niya iyon mailayo sa kanyang mukha ay malakas iyong sumabog.   “D-did you kill him?” tanong ni Alicia na inilingan ko.   “I don’t have any intention of killing him.” I said. “But that explosion will be enough to stop him from escaping.”   Unti-unting nagbagsakan ang mga black lions na para bang nawalan ito ng lakas ngunit ramdam kong wala na ang kontrol ng lalaking iyon sa kanila at malaya na.   Ilang sandali pa ay nawala na din ang usok sa pinangyarihan ng pagsabog. Doon bumungad ang putol na kamay, sunog na mukha at lapnos na balat na katawan ng kalaban.   “Sila na ang bahala sa isang iyon.” sabi ko kay Alicia. “Mas mabuting asikasuhin natin ang mga kaibigan mo.”   __________   “Sigurado ka bang pwede natin silang patigilin dito panandalian?” tanong ko kay Alicia nang dahiln namin sa kanilang farm ang mga black lions na nakaligtas at nananatili pang buhay.   Ang mga namatay naman ay dinala sa guild office dahil karaniwang ginagawang potion at iba pang gamit ang ilang parte ng katawan nito.   “Naipagpaalam ko na ito sa mga magulang ko at pumayag naman sila.” aniya. “Pero sa oras na maka-recover sila ay kailangan natin silang dalhin agad pabalik sa kanilang tirahan.”   “Sa tingin mo ba ay magiging madali iyon?”   Tumango siya tsaka tumingin sa akin. “All you need is to form a contract to them and they will obey whatever you say.”   Kumunot ang noo ko. “Akala ko ba ay hahayaan natin silang maging malaya?”   “Iyan talaga ang gusto ko.” aniya. “Ang maging malaya sila ngunit sa nangyari ngayon ay nasisiguro kong mayroon pang ibang dadating at gagamitin sila.”   “At hindi sila magagamit ng iba kapag naka-kontrata sila sa akin?”   Muli siyang tumango. “It is not only your bond with them. It can also protect them from someone who wants to control and use them.” Bumuntong hininga siya. “At isa iyon sa naging pagkakamali ko dahil minsan na akong nasabihan ng inang reyna tungkol sa bagay na ito ngunit hindi ko inintindi dahil sa pag-aakalang muli lamang silang makukulong.”   Bago kami pumunta dito ay iniabot sa akin ni Chein ang isang libro tungkol sa taming and this is not that rare.   Marami talagang Thamanian ang may ganitong kapangyarihan ngunit ang karamihan sa kanila ay may specific type of monster lang na pwedeng i-tame.   At nakalagay sa librong iyon ang mga advantage at disadvantage ng pagpasok sa isang kontrata sa pagitan ng isang monster at tao.   Isa na doon ang absolute obedience. I am the master and they are my slaves once we enter a contract. They should obey everything I said. And they can’t harm me in any ways. And if I call them, they will immediately appear right in front of me whatever happens.   The second one has something to do with mana. I can use theirs as long as I want. And the third one, they will die once I die.   See? Lahat ng privilege ay tanging ang tao lang ang makikinabang.   And this is not a freedom for them. It is like a shackle that we will be putting in their neck.   “Sina.” tawag sa akin ni Alicia. “Please? It is the only way for us to really save them.”   Tinitigan ko siya at bakas na sa mata niya ang pagmamakaawa na ikinabuntong hininga ko nalang. “I need to talk to them first before deciding. Ayokong magdesisyon nang hindi inaalam ang side nila.”   “How are you going to talk to them?” tanong niya.   “They are connected to me so I will be able to know what their hearts want.” Ipinatong ko ang kamay as ulo niya at ginulo ang kanyang buhok. “Just call me when they wake up.”   Lumabas ako ng barn para magpahangin. At eksakto naman na nandoon din si Tita Asia, ang ina ni Alicia.   “I heard what you did, Sina.” nakangiti niyang sabi. “And I wanted to thank you for saving Alicia’s friends.”   “Is it okay for you to let her be friends with those kinds of monsters?”   Tumango siya.   “Why?”   “Because I trust my daughter.” aniya. “I know that she can protect herself if those monsters hurt her. Though, I also know that no one will be able to resist the charm that she has even if she is not a tamer.”   Tumangu-tango ako. “I agree with that.” Sumandal ako sa pader ng barn at tumingala sa kalangitan na puno ng maliliwanag na bituin. “I have a question for you.”   “Sure.”   “She almost died because of me.” I said at ibinaling ang tingin sa kanya. “Why do you still let her stay by my side?”   Tinitigan niya ako at akmang magsasalita ngunit hindi niya itinuloy at ngumiti na lamang.   “You can’t answer me?”   “I can’t.” aniya. “Not today.”   Oh. Then, there is really something behind the reason why they still let Alicia stay by Sina’s side after all the things that happened.   “But you don’t have to worry.” aniya. “I can assure you that we are on your side. We are not doing anything that will harm you or your future in the throne.”   Tumitigil ako sa mga mata niya pagkuwa’y bumuntong hininga.   I guess, I can trust her like how I trust her daughter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD