Chapter 14

1224 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “A-anong ibig sabihin niyan?” tanong ko. Maliban kasi sa tatlong kapangyarihan na nabanggit ni Alicia na mayroon ako ay may tatlo pang bullet na blangko na para bang may dapat pang nakalagay doon.   “You still have undiscovered power within you.” ani Saila na bakas din ang matinding pagkagulat habang nakatitig sa pahina kung saan nakasulat ang status ko. “But I am sure that only a rare person can have this kind of status.”   All of my status, especially my agility and defense have five digits habang ang kay Alicia kanina ay two to three digits lang.   “So? Can I still join this guild?” tanong ko.   Agad siyang tumalima at isinulat ang laman ng libro. “O-oo naman. You can do all kind of jobs base on this status kaya wala kang magiging problema sa pagkuha ng mga quest.”   Then, that would be good.   “Anyway, are you planning to use different names?”   Tumango ako. “She’s Alice--” itinuro ko si Alicia pagkuwa’y itinuro ko naman ang sarili ko. “I am Luna.”   “Oh. Alice and Luna.” May kung ano siyang ginawa sa dalawang itim na batong higit card pagkuwa’y nakangiting iniabot iyon sa amin. “Welcome to Ruwan Rai. I hope you will become one of our top adventurers.”   “Eh?” Kinuha namin iyon ni Alicia at napagtantong iyon na pala ang lisensiya namin bilang adventurer.   “For now, you will only get a beginner's quest.” dagdag ni Saila. “At maliban sa mga bayad sa quest na iyong magagawa ay may kaakibat ding puntos ang bawat quest at iyon ang pagbabasehan namin kung maaari na ba kayong mag-level up ng quest.”   “I see.”   “You can get a quest on those billboards and register it to us.” paliwanag pa ni Saila. “And you can start anytime you want.”   “Thank you, Saila.” Agad ko nang hinila si Alicia palabas ng guild building dahil kailangan pa naming mamili ng equipment na aming gagamitin para makapagsimula na agad kami sa quest.   “Sina.” tawag niya sa akin. “Hindi natin kailangang magmadali.”   “Pero excited ako.” sabi ko. “And I am sure that you are also excited.”   “I won’t deny it but please slow down.” Hinila niya ang kamay ko kaya naman natigil kami sa paglalakad. “We should tell it to your parents as soon as possible para naman hindi sila mabigla kapag hindi tayo makakauwi ng mga ilang araw.”   Kumunot ang noo ko. “Bakit naman?”   “Hindi lahat ng quest na makikita sa mga billboards ng mga guild ay kayang tapusin ng isang araw.” aniya. “May mga pagkakataon na kailangang matulog ng isang adventurer sa gubat at mag-camp out.”   “And most of the quest are outside the kingdom kaya hindi din tayo basta-basta makakauwi agad?”   Tumango siya.   Just like what I really know about MMORPG. And I think she is right. Lalo na sa sitwasyong kinakaharap ng palasyo ngayon dahil sa sunod-sunod na kalokohang ginagawa ng mga kapatid ko sa loob at labas ng kaharian.   “Then, let’s go home for now and tell our parents what we did today.” sabi ko. Ayoko din namang pag-alalahanin ang hari at reyna.   Masyado nang masakit sa ulo ang mga nangyayari sa palasyo.   __________   “Sina.” Agad akong niyakap ng aking ina nang makapasok sa dining area kung saan naghahapunan ang lahat.   Hinatid ko muna pauwi si Alicia. Plano ko pa nga sanang mag-stay upang sabihin sa magulang nito ang pagiging adventurer nito pero sinabi niyang siya na ang bahalang magpaliwanag ng lahat.   Kaya dito na ako dumeretso.   Nakita ko ang pag-irap sa akin ng mga kapatid ko pero hindi ko na iyon pinansin. They are all just peace of brats.   “Akala ko ay hindi ka na dito magdi-dinner.” sabi ni Mommy pagkuwa’y kumalas ng yakap sa akin. “Bakit napaaga yata ang dating mo?”   “Something came up and Alicia said that I should tell you what I did today.” sabi ko. “But it can wait for later. Kumain nalang po muna tayo.”   Ngumiti siya at agad akong hinila papunta sa bakanteng upuan na nasa tabi ng kanya. Pagkuwa’y inutusan niya ang ilang katiwala na ihanda ang aking kakainin.   “Kamusta naman ang pamamasyal mo ngayon?” tanong sa akin ng aking ama. “Nag-e-enjoy ka ba?”   Mabilis akong tumango. “Hindi ko akalain na maraming magagandang lugar pala dito sa kaharian. And tomorrow, we are planning to go downtown.”   “And why did you decide that?” tanong ng inang reyna.   “For me to understand the people who I will soon serve, I have to see their situation for myself.” sabi ko. “I don’t know how things work outside the tower where I almost live my whole life so I need to learn everything around the kingdom.”   Ngumiti siya. “I like the way you change and I know that it is wrong but maybe what happened to you in that tower is kind of blessing in disguise because you are no longer the coward and weak heiress of the throne.”   Well, I actually feel the same. Kung hindi pinabayaan ni Sina ang katawang ito ay posibleng hindi din ako nabuhay sa mundong ito. But I still want to know.   Bakit nga ba iniwan ni Sina ang katawang ito? Bakit ganoon nalang ang takot niya gayong ginagawa ng lahat ng nagmamahal sa kanya ang makakaya ng mga ito para protektahan siya?   Pero hindi ko naman makukuha ang sagot sa mga tanong na iyan.   Wala na si Sina at ako na ang nasa katawan niya. Ni hindi ko nga din alam kung bakit nga ba ako napunta sa mundong ito. Pero alam kong mabibigyan din ito ng sagot.   Not now but soon.   Medyo napangiwi ako nang maramdaman ang matatalim na tingin sa akin ng ibang nasa mesa.   From what I know, they are also eyeing the throne and they are planning to steal it from me.   Kaya nga maging sila at kasama sa mga suspects ng mga nagtatanga sa buhay ni Sina. Pero wala pa akong proof kaya tsaka ko nalang sila iintindihin.   “Are you sure that Sina has the capability to lead this kingdom?”   Bumuntong hininga ako ng marinig ang boses ng ikalawang asawa ng aking ama, si Royal Consort Mayze.   “At paano tayo nakakasiguro na tuluyan na nga siyang nagbago?” dagdag nito. “Maaaring ngayon lang iyan at kapag nakita na niya kung gaano kalaki ang responsibilidad na kanyang papasanin ay muli na naman niya itong takbuhan.”   Huminga muna ako ng malalim pagkuwa’y bumaling sa kanya. “Huwag po kayong mag-alala. Nakahanda naman po akong ipasa ang posisyon ko kung sakaling dumating tayo sa pagkakataong iyan.”   “Sina.” Pigil sa akin ng aking ina pero kailangan nilang malaman ito.   “Pero ngayon palang po ay gusto ko kayong siguraduhin na hindi na po ako muling tatakbo sa responsibilidad na ibinigay sa akin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD