Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang maliwanag na kalangitan. At ilang sandali pa ay bumungad sa akin ang mukha ni Alicia.
“Gising ka na?”
“A-anong nangyari?” tanong ko pagkuwa’y bumangon.
“Nawalan ka ng malay kanina.” sabi niya. “And before you passed out, agad na dumating sina Luigi at sinalo ka.”
“And you didn’t bother to bring me home?”
Umiling siya. “Sigurado kasing magkakagulo ang palasyo kapag nalaman ito. Besides, wala ka namang sakit.”
Kumunot ang noo ko. “At paano mo nasabi?”
“You have healing power so your body will automatically heal you.” aniya. “Kaya dito ka nalang namin dinala para makahiga ka ng maayos.”
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nasa malawak kaming field ngayon. May kainitan dahil tirik ang araw pero malakas naman ang hangin at nasa ilalim kami ng lilim ng puno.
“So?”
Bumaling ako sa kanya.
“Who’s Luna?”
Nanlaki ang aking mga mata sa pangalang binanggit niya. “W-what do you mean?”
“You called her name while you are sleeping.”
“Ah.” Nag-iwas ako ng tingin. “I was thinking of using different names when I join the guild. And I am thinking of using Luna.”
“Eh?”
Napatakip ako ng tenga dahil sa bigla niyang pagsigaw kaya agad akong tumingin sa kanya at bakas ang matinding pagkabigla sa mukha niya.
“Sina!” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Sasali ka sa guild?”
Tumango ako. “H-hindi ko ba nabanggit sayo?”
“You didn’t say anything!”
Ah, hindi ko nga naman na nabanggit.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan niya. “Naisip ko palang naman. Hindi ko pa masyadong napag-iisipan.”
“Then, don’t even think about it.”
Hindi na ako sumagot.
“Anyway, let’s go eat something.” Tinulungan niya akong tumayo. “Itutuloy natin ang paggagala pagkatapos kumain.”
Tumango ako. “Okay.”
__________
Marami pang lugar kaming pinuntahan ni Alicia at karamihan sa mga iyon ay paborito niyang pasyalan noong bata pa siya.
Pero kahit ano yatang gawin niyang panglilibang sa akin ay hindi maalis sa isip ko ang mga bagay na napanaginipan ko kanina.
Hindi ko alam kung sino ang lalaking iyon. Kahit sa memorya ni Sina ay hindi ko ito mahagilap pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay kilala ko siya.
At ang mga sinabi niya sa akin tungkol sa ilang impormasyon tungkol sa mundong ito.
“Nakikinig ka ba sa akin, Sina?”
Napalingon ako kay Alicia nang bigla nitong hawakan ang braso ko. “Huh?”
Tinitigan niya ako pagkuwa’y bumuntong hininga. “Are you really that interested in becoming an adventurer?”
“Well, it is not that I am interested but I just realize that if I wanted to know everything, why not study it personally, based on experience in the field.” sabi ko. “At isa pa, hindi ba’t ang pagiging adventurer ang isa sa pangarap mo?”
“Eh?” Napabitaw siya sa akin at hindi makapaniwalang humakbang paatras. “Na-naalala mo iyon?”
Tumango ako. “Lagi mo iyong bukam-bibig kaya imposibleng makalimutan ko iyon noh.”
“Pe-pero bata pa ako noon mga panahong sinasabi ko iyon.” Nag-iwas siya ng tingin sa akin. “Hi-hindi ko na--”
“Talaga?”
Muli siyang napatingin sa akin at hindi magawang makasagot.
“Hindi mo na gustong maging adventurer ngayon?”
“Ahm…” Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin.
“Ah, are you thinking that maybe your parents will not agree to this?” tanong ko at sa pagkakataong ito ay bumagsak ang kanyang mga balikat pagkuwa’y tumango. “They are expecting me to get married to a high ranking noble family.”
“Eh?”
“Iyon ang isa sa kundisyong ibinigay nila sa akin nang sabihin kong gusto kitang alagaan sa tower.” dagdag pa niya.
Alicia really does everything she can to help Sina. It is not that much but she really put her best just for her friend.
And I don’t think of any reason why Sina didn’t even bother to open herself in front of this woman.
Ganoon ba siya binalot ng takot kaya maging ang mga taong nagmamahal at pumoprotekta sa kanya ay hindi niya pinagkakatiwalaan?
Ah! Kahit anong gawin ko ay hindi ko malalaman ang sagot sa mga katanungang ito.
Si Sina lang naman kasi ang nakakaalam noon at wala iyon sa mga alaalang nasa akin ngayon.
And I don’t really think of anything to get all those memories so I will just do what I can for now.
Hinawakan ko ang kamay ni Alicia. “Let’s register in that guild.”
“H-huh?”
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at agad na lamang hinila papunta sa guild building ng Ruwan Rai.
Makailang beses pang tumakbo palayo si Alicia palayo sa akin upang hindi ko lamang magawa ang plano ko pero lagi ko naman siyang nahuhuli so in the end, nagawa naming makarating sa Ruwan Rai at ngayon nga ay kaharap na namin ang front desk at pina-process na ang mga kailangan namin upang tuluyang maging ganap na adventurer.
“Please place your hand here.” Inilapag ni Saila ang isang libro na may blankong pahina. “It will get all the information about your ability.”
Agad kong itinulak si Alicia at dahil hindi niya inaasahan iyon ay aksidente niyang naipatong ang kamay sa ibabaw ng librong iyon.
Kaya naman agad siyang tumingin ng masama sa akin nang umilaw ang libro pero hindi ko na siya pinansin.
Ilang sandali pa ay nawala na ang pagliwanag ng libro kaya agad akong sumilip doon.
“You have a nice status.” sabi ni Saila habang inilalagay sa hiwalay na papel ang mga impormasyong nakasulat sa libro. “Oh, you can get a job as support.”
May tatlong kapangyarihan din si Alicia. Light barrier that can be used on every monster that lives outside the kingdoms. Piercing light that she can cast for long distance combat and sealing.
Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang i-seal but according to Saila, lahat ng kapangyarihan niya ay magagamit hindi lamang sa mga monster, maging sa mga kriminal na hinahabol ng bawat kaharian.
“It’s your turn, young lady.” sabi niya sa akin at inilipat ang pahina ng libro kung saan muli itong blangko.
Ngumiti lamang ako at agad nang pinatong ang aking kamay sa libro. Gusto ko na ding malaman kung ano ang status ng katawang ito.
Tulad kanina ay lumiwanag ang libro ng ilang sandali at nang mawala ito ay nakasulat na ang kapangyarihan at iba pang impormasyon tungkol sa akin.
Agad naming sinilip ang libro at nanlaki nalang ang aming mga mata nang makita ang nakasulat dito.
“What the hell is this?”