Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)
“I am proud of you, hija.” nakangiting sabi ng inang reyna matapos naming kumain at ngayon nga ay papunta na kami sa library kung saan ko sasabihin sa kanila ang aking pakay. “Noon ay halos hindi ka makapagsalita sa tuwing nandyan ang mga ina ng iyong mga kapatid ngunit ngayon ay buong tapang mo na silang hinaharap.”
“Tingin ko po kasi ay kailangan kong gawin iyon.” sabi ko. “I need to establish my authority inside the palace if I want to make the people respect me.” After all, kilala ang Sina Crisiente bilang isang duwag na prinsesang nagtatago sa tore.
Kailangan kong ayusin ang tingin ng tao sa akin.
Hinaplos niya ang aking pisngi at malungkot na ngumiti. “Siguradong maging ang iyong kuya ay matutuwa din sa pagbabagong nangyari sayo.”
Maging ako ay nakaramdam din ng kalungkutan nang mabanggit ang kapatid ni Sina.
Alam kong hindi ko naman siya kapatid ngunit ang katawang ito ay konektado pa din sa emosyon ni Sina kaya naman hindi ko maiwasan ito kahit pa hindi ko naman nakilala ang kapatid niya.
Besides, alam ko kung gaano kahalaga sa lahat ang panganay na anak ng hari dahil sa taglay nitong talino, lakas at diskarte na siguradong makakatulong ng malaki sa pag-unlad ng kaharian.
Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon na lamang ang lungkot ng lahat ng mamatay ito at kung bakit ganoon nalang ang pagkadismaya nila na sa akin ipinasa ang titulong dating hawak nito.
“So?” panimula ni Daddy nang makapasok kami sa library at tanging kaming apat na lamang ang narito. “Ano ba ang iyong sasabihin?”
Huminga ako ng malalim at ikinakalma ang sarili. Kinakabahan kasi ako at baka hindi nila magustuhan ang ginawa ko.
Pakuwa’y inilabas ko ang adventurer’s card ko at ipinakita iyon sa kanila. “I decided to join a guild.”
Nanlaki ang mga mata nila at agad na akong pumikit dahil pakiramdam ko ay pagagalitan na nila ako.
Ngunit agad akong napadilat nang makaramdam ng yakap at nakita kong nakangiti sa akin ang inang reyna at ang hari.
“Eh?” Bakit parang natutuwa pa sila sa ginawa ko? Hindi ba sila magagalit dahil sa biglaan kong desisyon? At ang alam ko ay delikado ang pagiging adventurer kaya nag-e-expect din ako na mag-aalala sila sa akin.
“You really made us proud.” sambit ni Mommy at kumalas ng yakap sa akin pagkuwa’y hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “What you did is a really great decision.”
“Really?”
Tumango sila.
“I...I was actually expecting a different reaction from you.”
“And why is that?” tanong ng inang reyna.
“Well, I decided without consulting you and being an adventurer is not an easy job.” sabi ko.
“But you still decide to continue it and register because it is what you wanted.” sabi ni Daddy na tinanguan ko.
“And that made us proud.” sabi naman ni Mommy. “You did what you wanted and I am sure that you are ready for every possible situation that you might face.”
“At makakatulong ang pagiging adventurer mo upang matutunan ang lahat ng dapat mong malaman bilang susunod na tagapagmana ng kaharian.” dagdag ng inang reyna. “You can also establish your own influence habang naglalakbay ka sa iba’t-ibang bayan at kaharian na maaari mong gamitin kung maiipit ka sa hindi magandang sitwasyon.”
Ah, hindi ko naisip iyon. I just wanted to experience all of the things that I can face in this world dahil wala ito sa mundong pinanggalingan ko.
At gusto ko ding magamit ang kapangyarihang hawak ko para sa iba’t-ibang sitwasyon.
And of course, I want to learn everything about this world. And the rest of the question I have in my mind and the reason why I am here instead of Sina.
“At ang totoo niyan ay naging adventurer muna kami ng iyong ina bago maging hari at reyna ng kahariang ito.” sabi ni Daddy na ikinalaki ng mga mata ko.
“Seryoso?”
Tumangu-tango sila.
“And we are hoping that you will become too.” dagdag ni Mommy tsaka ginulo ang aking buhok. “We want you to enjoy your life too before you indulge yourself inside this palace as its next ruler.”
Napangiti ako.
They do really love Sina and I am happy that I am able to feel this kind of love from them.
“We trust you, Sina.” sabi pa ng inang reyna. “And we hope that you will do every quest you accept with caution. You are too important in this kingdom so you have to take care of yourself.”
Tumango ako. “I can promise you that. Nothing will happen to me while I am doing my job.”
“And don’t stress Alicia too much.”
Kumunot ang noo ko. “Paano nyo nalaman na maging siya ay adventurer na din?”
“That girl will really do everything she can to stay by your side.” Inakbayan ako ni Mommy. “So, please do protect her also. Hindi ka na makakakita ng ganyan klaseng kaibigan sa buong buhay mo.”
Tumango akong muli. “Gagawin ko ang lahat para protektahan si Alicia at ang sarili ko.”
“Good.” Ginulo niya ang buhok ko. “So, anong status mo?”
Muli kong ipinakita sa kanila ang aking adventurer’s card. “Saila the receptionist said that my status is kind of rare for someone like me.”
Mukhang maging sila ay nagulat sa status ko dahil sa panlalaki ng kanilang mga mata ng makita iyon.
“It is really rare.” sabi ng aking ama. “And kind of disturbing so you need to keep it a secret for a while.”
Muling kumunot ang noo ko. “Why?”
“The ministers know that you don’t know how to use your own powers so they might say that there is a possibility that you will lose control of it and forbid you to get out of the palace.” my dad said.
“Hindi ba sila masaya na nakalabas na ako ng tower?”
“They are happy about that.” sabi ng inang reyna. “And you have their support but they are afraid na baka maulit ang pagkamatay ng tagapagmana ng trono kaya naman gusto ka nilang ingatan sa kahit na anong paraan. Hindi din kasi nila gusto na mapunta ang trono sa mga kapatid mo.”
“Eh?”
Ginulo lang muli ni Mommy ang buhok ko. “Don’t mind those issues and just focus on everything you want to do as an adventurer.”
“Your mother is right.” sabi naman ni Daddy. “We will take care of everything here.”