Chapter 42

1212 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Gabi na nang matapos ang kasiyahan sa guild building at heto ako ngayon, lumilipad habang dala-dala sina Alicia at Sage na parehong nalasing dahil sa dami ng kanilang nainom na alak.   Si Soren na ang nag-asikaso sa lasing din na si Chien dahil iisa lang naman ang inn na kanilang tinutuluyan.   At sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa din maalis sa isip ko ang mga naikwento ni Sage kanina.   Hindi ko pa kasi napag-iisipan kung paano nga ba ako pupuslit papunta sa kung anumamg kaharian para makausap ang pinuno doon. Iyon lang kasi ang alam kong paraan para malaman kung saan ba nangyayari ang meeting ng mga representative ng bawat kaharian.   Bumuntong hininga ako at dahan-dahang ibinaba sina Sage at Alicia sa kamang ginagamit ko noong nandito pa ako sa tower.   Oo, dito ko na sila dinala dahil ayoko na ding abalahin ang mga tagapagsilbi para asikasuhin ang dalawang ito. Ayoko din namang makita pa nila na nagkakaganyan ang dalawang ito.   Aba, hindi din naman biro ang posisyong pinanghahawakan nila at ayokong masira iyon dahil lang sa sandaling pagre-relax namin.   Naglagay nalang ako ng dalawang malaking unan sa pagitan nila at kinumutan sila tsaka naupo sa sahig.   May tama na din naman ako ng alak. Nahihilo na din ako at medyo napapapikit na pero masyadong ginugulo ng mga bagay-bagay ang utak ko kaya nagagawa ko pang pigilan ang antok ko.   Sigurado din naman kasing hindi magiging maganda ang tulog ko hangga’t hindi ko nare-resolba ang problema ko.   “Oh.”   Marahas akong napatayo at agad bumaling sa balkonahe ng toreng ito. At doon, nakita ko ang isang nakangising lalaki na nakatingin sa akin habang may hawak na itim na rosas.   “Sino ka?”   Bahagyang madilim sa kanyang kinatatayuan kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.   “Are you…” Naglakad siya palapit sa akin hanggang sa tuluyan kong nakita ang kabuuan ng mukha niya. “Princess Sina, right?”   Kumunot ang noo ko at sa totoo lang ay hindi ko alam kung dapat ko nga bang sagutin ang tanong niya.   Iniabot niya sa akin ang hawak niyang rosas at nang tanggapin ko iyon ay agad niyang hinawakan ang aking kamay pagkuwa’y hinalikan ang likod nito. “I am sorry for being rude, Princess.” Iniluhod niya ang isang tuhod habang nananatiling hawak ang aking kamay. “I am Prince Kronen of Aquamarine Kingdom.”   Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “Ang tagapagmana ng Aquamarine Kingdom. Anong ginagawa mo dito?”   Sandaling nanlaki ang mga mata niya pagkuwa’y tumayo at tumangu-tango. “Like what you said.”   Kumunot ang noo ko. “Huh?”   Umiling siya. “Anyway, nandito ako para ipaalala sayo ang meeting natin na magaganap sa ikatlong linggo sa susunod na buwan.”   “Isa ka sa mga representatives?”   “Yup.” sagot niya. “And all of us are aware what happened to you kaya naiintindihan namin ang dahilan ng una mong pagliban sa meeting  at sinabihan na ako ng acting leader na ipaalala sayo ang susunod na meeting to make sure na hindi ka aabsent.”   Right. Isang buwan din nga pala akong walang malay kaya may isang meeting na akong hindi nadaluhan. Ipagpasalamat ko nalang na nakarating sa kanila ang lagay ko kaya naiintindihan din nila kung bakit hindi ako nakarating noong nakaraan. At ngayon nga ay sila na ang nag-effort para ipaalala sa akin ang tungkol sa meeting na iyon upang maiwasan ang muli kong pagliban doon.   “Iyan ang kanina ko pa iniisip. Mabuti na din palang naisipan mong pumunta dito at sinabihan ako.”   “Well, ginagawa lang naman namin ang mga instruction mo noong huling meeting natin.” sabi niya na lalo kong ikinakunot ng noo at ikinatawa naman niya. “Don’t be too surprised about that but I know that you are confused right now because of what happened to you but we will explain everything in our next meeting.”   “Then, masasabi mo din ba sa akin ang ilan pang memorya na nawawala sa akin?” tanong ko. “Maging ang iba pang bagay na ginagawa ko para sa mundong ito?”   “Yes.” walang pagdadalawang isip niyang sabi. “You trust me with all your secrets kaya masasabi ko sayo kung ano pa bang memorya ang nawawala sayo.”   Nakaramdam ako ng pag-asa sa naging sagot niyang iyon.   Ibig sabihin ay malilinawan ako sa ilan pang gawain ni Sina na kailangan kong harapin kapalit ng pag-take over ko sa katawan niyang ito.   At posibleng makakuha din ako ng impormasyon tungkol sa kung paano nga ba ako napunta sa katawan ni Sina.   “Anyway.” Muli niyang hinawakan ang kamay ko. “Kailangan ko nang umalis. Babalik nalang ako dito sa gabi ng full moon para sunduin ka at dalhin sa lugar kung saan tayo magmi-meeting.”   Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. “But--”   Ngumiti siya at hinawakan ang aking pisngi. “You don’t have to worry, Princess. I will tell you everything you need to know in our meeting. But for now, you just have to relax and be more familiar with every day of your life here. Alam kong naninibago ka pa dahil sa biglaan mo ding desisyon na lumabas dito.”   Bumuntong hininga ako at tumango. “Okay. Pero may isang tanong ako na kailangan mong bigyan ng kasagutan.”   “I will try to answer that.” aniya.   “Did I intentionally erase part of my memory to keep something important?”   Tinitigan niya ako pagkuwa’y bumuntong hininga at tumango.   “Then, I was right.”   “You did erase your own memories.” aniya. “Because you want to protect something important that your enemy might get when you are still unconscious. Kung ano ang pagkakakilala nila sayo ay kabaliktaran sa kung sino o ano ka talaga. Marami kang nagagawa na hindi alam ng iba at isa iyon sa dahilan kung bakit may mga nilalang na nagnanais na patayin ka.”   Bumuntong hininga ako.   Then, Sina is not really a coward and stupid. Ganoon man ang ipinapakita niya sa marami pero isa siya sa pinakamaingat sa lahat.   Kailangan ko nalang hintayin na ang muling full moon upang madagdagan ang nalalaman ko sa mga bagay na inalis ni Sina sa sarili niyang alaala.   “Then, I will be leaving now, Princess.” Sa pagkakataong ito, hinalikan naman niya ang noo ko. “Rest now, my love.”   Dahan-dahan akong nakaramdam ng antok hanggang sa tuluyan akong manghina. “W-what did you--”   “I will just put you to sleep because I know that you have been thinking all day.” Binuhat niya ako at inihiga sa malambot na sofa na nasa gilid ng kama. “You can relax now, my love. I won’t let anything happen to you again. I will protect you no matter what happens.”   “K-Kronen…” Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay ngunit hinayaan ko na din ang sarili ko na hilahin ng antok. Ngayon ko kasi naramdaman ang pagod at epekto ng alak. “Kronen.”   “Sleep, my princess.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD