Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)
“Ano ba talagang dahilan at naisipan mong maging adventurer din?” tanong ko kay Sage. Madami-dami na din ang aming nainom at karamihan sa mga kasamahan namin sa guild ay bagsak na sa kalasingan.
Ang iba naman ay nagsasayawan at nagkakantahan pa at kasama na doon sina Chien, Guildmaster at Saila.
Tanging kami lang nila Alicia, Soren at Sage ang nakaupo hindi kalayuan sa kanila at hindi pa masyadong apektado ng alak ang utak namin.
Sage is the third child of the current king. At dahil namatay na si Kuya na siya naman talagang tagapagmana, nalipat sa akin ang pagiging crown princess and that made Sage the second to the throne.
At kung mayroon mang mangyari sa akin na hindi maganda, siya ang makikinabang sa lahat ng posible kong pagpaguran para sa kahariang ito. Pero kahit kailan ay hindi siya napasama sa mga suspect ng nagtatangkang pumatay sa akin kahit pa siya ang higit na makikinabang kapag nawala ako.
Well, very vocal naman kasi siya na wala siyang planong tanggapin ang pamumuno sa Diamond Kingdom.
Instead, ang nanay niya ang napapasama sa listahan dahil ito ang higit na may kagustuhan na manahin ni Sage ang trono at mamuno sa kaharian.
“First reason.” Ipinakita niya sa akin ang hintuturo niya. Well, malakas na din ang tama sa kanya ng alak kaya ngayon ko siya naisipang tanungin. Aba, hindi porket nirekomenda siya ng inang reyna ay hindi ako gagawa ng sarili kong hakbang para masigurong hindi nga talaga siya kalaban. “Gusto ko talagang maging isang adventurer mula nang malaman kong isa ding dating adventurer ang ating ama.”
Tumangu-tango ako.
Malaki din kasi talaga ang paghanga niya sa aming ama dahil sa pagiging isa nitong dakilang hari sa buong kaharian at dakilang ama sa amin.
“Second reason.” Uminom muna siya ng alak bago nagsalita. “Gusto kong mapalapit sa babaeng bumihag sa puso ko.” Itinuro pa niya ang bandang kaliwa ng dibdib niya. “Tinamaan kasi talaga ako at ito lang ang nakikita kong paraan para maging malapit sa kanya.”
Then, halos pareho lang pala sila ng dahilan ni Chien kung bakit pinili nilang maging adventurer.
“Third reason.” Bahagyang sumeryoso ang kanyang mukha. “Gusto kong makalayo sa kontrol ni Mommy.”
Medyo natigilan ako nang sabihin niya iyon.
“Wala naman kasi talaga akong planong maging hari.” pagpapatuloy niya. “Hindi nararapat para sa akin ang posisyong iyon dahil wala ako ng mga kakayahan at abilidad na mayroon sina Kuya at Sina. Sila ang tunay at nararapat na mamuno sa kahariang ito dahil nasisiguro kong magagawa nilang patuloy na mapaunlad, hindi lamang ang Diamond Kingdom kundi maging ang buong mundo.”
“Ang taas naman yata ng tingin mo sa kapatid mo.” sabi ko. “Hindi ba’t kilala siya bilang duwag at mahinang prins--”
“Hindi siya mahina!”
Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang pag-angil.
“Hindi siya duwag!”
“Hey.” Inakbayan siya ni Soren at dahan-dahang iniupo. “Chill lang, dude. Wala kang kaaway dito.”
Medyo kinabahan ako doon ah. Kasi talagang bakas ang galit sa mga mata niya matapos kong sabihing duwag at mahina si Sina.
“Hindi alam ng lahat, maging si Alicia na ginagawa ng kapatid ko ang lahat upang masiguro na kailanman ay hindi magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga kaharian.” biglang sabi ni Sage na nagpakunot sa noo namin. “Ganoon din ang ginagawa ni Kuya noong nabubuhay pa siya at ipinagpatuloy ni Sina ang ginagawa nito upang masiguro ang kapayapaan sa buong mundo ng Thamani.”
Bumaling sa akin sina Soren at Alicia.
Nagkibit-balikat ako dahil maging ako ay walang ideya sa kung ano ang sinasabi ni Sage.
“Anong ibig mong sabihin, Sage?” tanong ni Alicia.
Mukha kasing nawala ang tama namin dahil sa sinabi niyang iyon eh.
“Madalas pumuslit palabas ng palasyo si Kuya.” sagot nito. “At nang minsang nahuli namin siya ni Sina ay ipinaliwanag niya sa amin ang ginagawa niya.”
“And?” tanong ko. Wala kasi ang alaalang iyon sa mga alaalang bumalik sa akin kaya wala akong ideya kung ano ang sinasabi ni Sage.
“Sinabi niya sa amin noon na palihim siyang nakipagkita sa pinuno ng bawat kaharian at ipinaliwanag ang kanyang plano upang maiwasan ang posibleng mga problemang kakaharapin ang bawat kaharian na maaaring humantong sa digmaan.” pagpapatuloy niya. “Sinabi niyang kailangang magtalaga ng bawat kaharian ng kakatawan sa kanila at tuwing full moon ay magkakaroon sila ng isang meeting upang pag-usapan ang bawat problema nang sa gayon ay maresolbahan ito agad.”
“And they agree?”
Tumango siya. “According to Kuya. And the night before he died, ipinasa niya ang tungkuling iyon kay Sina at ipinagpatuloy niya. Ang ipinagtataka ko lang ay nang gabing may nakapasok sa tower niya ay pumuslit pa siya sa kwarto ko pero wala naman siyang sinabi sa akin.”
“Eh?” Bumaling ako kay Soren. “Alam mo ba ang tungkol sa bagay na iyon?” Isa siya sa tagapagmana ng kaharian kaya maaaring may alam siya tungkol doon pero kumunot ang noo ko nang umiling siya.
“Walang anumang nababanggit ang aking ama na mayroon palang lihim na pagpupulong na nagaganap tuwing full moon upang masigurong hindi magkakaroon ng digmaan sa bawat kaharian.” sagot niya.
Bumaling naman ako kay Alicia at maging ang kanyang reaksyon ay nangangahulugang wala din siyang alam. Ibinaling ko naman ang tingin kay Chien.
Isa pa din kasi siyang prinsipe at hindi malayong may nabanggit sa kanya pero nagulo ko nalang ang buhok ko nang makitang masyado na itong lasing at nasisiguro kong hindi ko ito makakausap ng maayos.
Hindi ko alam kung bakit may mga alaala pa si Sina na hindi bumabalik sa katawang ito. At iyong mahahalaga pa talaga ang nawawala ah.
Kung may ganoon palang tungkulin si Sina, siguradong sa susunod na full moon ay hindi ako makakapunta sa kung saan man nagtitipon ang bawat representative ng bawat kaharian.
At alam kong hindi magiging maganda ang posibleng kalabasan noon dahil ang Diamond Kingdom ang nag-suggest ng paraang iyon.
Hindi maaaring wala ang kinatawan ng kaharian namin doon.
Muli akong bumaling kay Sage para sana magtanong muli ngunit nakita kong nakasubsob na ito sa mesa at mahimbing nang natutulog.
“Luna.” tawag sa akin ni Alicia. “What are you thinking?”
“I need to know everything about that meeting.” sabi ko. “Hindi ko alam kung bakit ang mga mahahalagang alaala ko pa ang hindi bumabalik sa akin pero kung wala tayong gagawin ay posibleng mawalan ng saysay ang ginawa ni Kuya.”
“Anong plano mong gawin?” tanong ni Soren. “Alam kong nasa alanganing sitwasyon ang kaharian nyo dahil malaki ang posibilidad na hindi ka naka-attend sa meeting na iyon noong nakaraang full moon pero that was a secret meeting that even me, a heir to the throne, don’t know anything about it.”
“Then, there is only one thing I can do.” seryoso akong tumingin sa kanilang dalawa. “And I think, I need your help on this one dahil limitado lang ang oras na mayroon tayo.”
Hindi ko alam kung magtatagumpay ba ang plano ko pero ito nalang ang pag-asa ko. Sana lang ay makisama ang mga taong haharapin ko dahil hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat gawin dahil sa mga kulang na alaalang bumalik sa katawang ito.