Chapter 43

1097 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at aaminin kong isa ito sa pinakamasarap na tulog na naranasan ko kahit pa noong nasa Earth ako.   Hindi ko sigurado kung talagang ganoon epekto ng magic ni Kronen o epekto ba iyon ng mga salitang binibitiwan niya habang papikit na ako.   At nanlaki nalang ang mga mata ko nang maalala iyon.   My love? My princess?   What the hell is that?   Hindi lang ba ordinaryo ang relasyon ni Sina sa lalaking iyon?   He even said that he will protect me.   Bumangon ako at nakitang maging sina Sage at Alicia ay pareho na ding gising. Pero napakunot ang noo ko nang makitang magkatalikuran sila at pareho ding namumula ang kanilang mga tainga.   “May nangyari ba?”   Nanlaki ang kanilang mga mata at sabay pang bumaling sa akin at sumigaw ng “Wala!”   “Eh?”   Agad naman silang natauhan.   Umiwas ng tingin si Sage habang si Alicia naman ay huminga ng malalim at tumayo tsaka naupo sa tabi ko.   “Bakit dito mo kami dinala?”   “Well, masyado kayong lasing at nakakahiya naman kung mang-iistorbo pa sa mga taong nasa palasyo kaya dito ko na kayo idineretso.” sabi ko. “At ayokong may makakita na nasa ganoon kayong estado. Aba’t hindi din biro ang posisyong hinahawakan niyo noh.”   Tumangu-tango siya. “It makes sense. Pero buti naman at naisipan mong hindi kami iwan dito.”   “Madami na din kasi ang nainom ko.” sabi ko tsaka tumayo at nag-inat. “At tinatamad na din akong umalis pa nang makarating tayo dito.” Bumaling ako sa kanila. “Anyway, dito ka na mag-breakfast.”   Tumango siya.   Sabay-sabay na kaming umalis ng tore at pumasok sa main building ng palasyo. Saglit kaming dumaan sa aming mga silid upang makapagpalit ng damit pagkuwa’y dumeretso na kami sa dining hall kung saan naghihintay ang iba pang miyembro ng royal family.   Nang pumasok kami sa dining hall ay agad tumayo ang lahat, maliban sa hari, reyna at inang reyna, pagkuwa’y yumuko bilang paggalang sa amin ni Sage.   Yumuko din si Alicia bilang paggalang sa royal family pagkuwa’y naupo na sila ni Sage sa mga bakanteng upuan na nakalaan para sa kanila.   Ako naman ay humalik muna sa pisngi ng hari, reyna at inang reyna bago naupo. Nakasanayan ko na iyong gawin noong magsimula akong sumabay sa kanila sa umagahan.   That gesture is kind of rare in this world. Kaya minsan ay nagugulat pa din sila kapag ginagawa ko iyon but I think, they find that sweet kaya napapangiti nalang din sila pagkatapos kong gawin iyon.   Nagsimula na kaming kumain.   Noon, tahimik ang lahat tuwing kumakain ngunit dahil masyado akong madaldal and I find it boring and sad if we are just eating in silence kaya madalas akong magkwento sa aking mga magulang at lola ng mga nangyayari sa bawat araw ko.   Hanggang sa nakasanayan na nilang sila ang nagtatanong sa akin tuwing umaga.   “So? Ano naman ang pinagkaabalahan niyo kagabi?” tanong ng inang reyna. Most of the time, siya ang unang nagsasalita kaya wala ding magawa ang ibang royal consort kahit against sa kanilang tradisyon ang pagku-kwentuhan sa harap ng hapag kainan.   “Ipinaghanda kami ng guild bilang welcome party.” sabi ko.   “And she cried when she saw it.” singit ni Alicia na ikinalaki ng mga mata ko. Aba’y iyon pa talaga ang sasabihin niya?   “Hindi na nakakapagtaka iyon.” natatawang sabi ng inang reyna. “Hindi natin naparanas sa kanya ang pagkakaroon ng surprise party dahil ilang taon din siyang nagkulong sa tore.”   “Maging si Sage ay winelcome na din ng guild.” dagdag ko para mailihis ang topic sa pag-iyak ko. Tiyak kasing pagtatawanan ako nila Mommy dahil doon eh. “And they said that it was you who recommended him to the guild.”   “Oh, yes.” Tumangu-tango ang inang reyna. “Higit na madaming quest ang natatanggap ng Ruwan Rai kaya naisip kong isa din iyong magandang training para kay Sage. Higit pa doon, mas makakabuti sa inyong magkapatid kung magkasama na lamang kayo sa iisang guild.”   “Oh.” Tumangu-tango ako at palihim na sumulyap sa ina ni Sage.   Masama ang ekspresyon ng mukha nito na nangangahulugang hindi nito gusto ang pagiging adventurer ni Sage pero dahil ang inang reyna ang nagdesisyon ay wala siyang magagawa para kontrahin ang kagustuhan ng anak.   Napatingin sa akin si Sage kaya agad akong ngumiti at binigyan siya ng ‘okay’ sign na ikinailing nalang niya.   “Anyway,” sumabat na si Mommy. “Regarding sa award ceremony na inihahanda para sa inyo ni Alicia.”   Nanlaki ang mga mata ko nang maalala iyon. Aba’y hindi ko akalain na itutuloy pa pala iyon dahil sa dami ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw. “Ka-kailangan pa ba talaga iyon?”   “Mamamayan mismo ng ating kaharian ang nagde-demand na bigyan kayo ng award at hindi natin sila maaaring biguin.” sabi ng hari. “Kaya naman sa ayaw at sa gusto nyo ay kailangan natin itong gawin.”   Bumuntong hininga ako. Mukhang wala nga kaming choice ni Alicia.   “Kaya gawin mo na ang sinasabi mong paraan noon upang maitago ang iyong identity bilang prinsesa upang makaharap ka sa ceremony.” dagdag ng aking ina.   Well, mas mapapadali ang lahat kung hindi namin itatago ang identity namin. Pero masyado iyong delikado para sa amin ni Alicia.   Pero may mga advantage din kasi kung ibubunyag namin ang pagkatao namin sa lahat.   Posibleng tigilan na kami ng mga nagtatangka sa amin dahil mare-realize nilang hindi lang kami basta pakialamero kundi responsibilidad talaga namin ang pagliligtas sa kaharian.   Pero kung mali ang aking iniisip ay posible pa silang makisanib pwersa sa mga nilalang na gusto akong patayin dahil ako ang prinsesa.   Nagulo ko na lamang ang aking buhok at bumuntong hininga. “Okay po. Ituloy na natin ang award ceremony na iyon.”   Hindi kasi pwedeng tanggihan ang kagustuhan ng taong bayan. Kalat na din sa buong kaharian ang pangalan namin ni Alicia kaya wala nang mawawala kung magaganap pa iyon.   Mas mabuti nang tapusin nalang agad ang cermony sa lalong madaling panahon upang makapag-focus na kami ni Alicia sa paggawa ng mga quest.   “Kailan ba magaganap ang award ceremony na iyon?” tanong ko sa aking ina at napakunot noo na lamang ako nang bigla siyang ngumisi.   “Bukas.”   Nanlaki ang mga mata ko.   Shit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD