Chapter 54

1468 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “Luna.” Hinila ako ni Alicia sa isang gilid. “My mother said something to me about the decision that has been made when the marquess decided to seal the entrance.”   Kumunot ang noo ko. “You did investigate?”   Tumango siya. “Alam ko kasing hindi ka mapapakali kaya pinakiusapan ko si Mommy na alamin ang lahat ng nangyari noong araw na iyon at natagpuan nila ang mismong nag-sealed ng minahang ito.”   “What did she say?”   “Ang mga minerong ito ang nagmakaawa sa marquess na ikulong na lamang sila sa minahan.” sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. “Popular ang gastly sa mga minero. Ang mga minahan daw kasi ang ginagawa nitong lungga dahil sa mausok nitong paligid kapag naghuhukay sila and this kind of monster actually help them with their daily lives inside the mine.”   “What do you mean?”   “Ang pinakapagkain ng isang gastly ay mga usok at alikabok.” aniya. “Kaya naman agad nitong inaalis ang mga usok at alikabok na nililikha ng paghuhukay ng mga minero na nakakatulong sa kanila upang makahinga ng maayos sa loob at makita agad ang kanilang trabaho.”   Inilahad niya ang kanyang kamay at lumabas doon ang isang holographic video kung saan ipinapakita ang pagtulong ng mga gastly sa trabaho ng mga minero.   At bakas dito ang pagkakasundo ng dalawang magkaibang nilalang sa kanilang pagta-trabaho sa loob ng minahan.   “If that is true then how come this monster who works beside them before is actually harming them?”   “Like what you said, they have been controlled.” sabi niya. “Maybe they are also brainwashed by that person that’s why it is behaving like this.”   It is possible. Dahil wala akong nakikitang kahit na anong dahilan para bigla na lamang maging masama ang monster na ito at manakit ng mga nilalang na masaya nilang nakakatulong sa araw-araw.   “At dahil nga magkasundo ang mga gastly at minero ay agad nilang naramdaman ang biglang pagbabago ng mga ito at sila pa ang nagmakaawa sa marquess na isara na lamang ang bukana ng minahan at ikulong sila kasama ang monsters.” dagdag niya.   “Eh?”   Bumuntong hininga siya at isa pang holographic video ang ipinakita niya sa akin. At dito ipinapakita na pilit pinipigilan ng mga minero na makalabas ng minahan ang mga gastly habang nagmamakaawa sa marquess na ikulong nalang sila kasama ang mga ito.   “They know what is happening to these monsters and they choose to stay behind with them.” sambit pa niya. “So, I think we don’t really have any right to meddle in this issue.”   “But--”   “Tama ang sinabi niya.” Napalingon kami sa mga minero. “Ang pagpasok ng mga gastly sa aming katawan ay kusa naming hinayaan.”   Agad kaming lumapit sa kanila.   “Anong ibig mong sabihin?”   “Kakaiba ang mga gastly na aming nakasalamuha at nakasama.” sabi ni Wallyu, isa sa mga minerong may halimaw sa loob ng kanyang katawan. “Hindi sila iyong natural na monster na walang ibang ginawa kundi ang manugod at manakit lamang ng iba. Kaya ang pagpasok nila sa aming katawan ay kagustuhan naming mangyari.”   “Are you saying that they are not being brainwashed?”   Umiling sila.   “Pero totoong may gustong kumontrol sa kanila at inuutusan silang lumabas sa lugar na ito.” dagdag ni Chang. “Kaya nakiusap kami sa marquess na isarado na lamang ang minahan at hayaan kaming makulong doon kasama ang mga iyon.”   “Bakit? Bakit nyo ginawa iyon?”   “Dahil kapag umalis sa lugar na ito ang mga gastly ay tuluyan na silang makokontrol ng taong iyon.” singit ni Gracia. “At iyon ang hindi namin maaatim na mangyari.”   “Ibig sabihin ay hinayaan nyo silang manirahan sa loob ng katawan niyo nang sa gayon ay malabanan nila ang nagtatangkang kumontrol sa kanila?” singit ni Soren na agad tinanguan ng mga ito.   “Are you kidding me?” Hindi ko na napigilan ang pagtataas ng boses. “Alam nyo ba ang kapalit ng ginawa niyo?”   “Alam namin.” sabi ni Taku, ang pinuno ng mga minerong ito. “Kusa naming ibinigay sa mga gastly ang buhay namin upang magkaroon sila ng sariling isip na siyang tutulong sa kanila upang malabanan nila ang sinumang magtangkang kumontrol sa kanila.”   “Bakit?”   Ngumiti siya. “Dahil kaibigan namin sila.”   Pakiramdam ko ay may kung anong tumama sa akin dahil sa mga salitang iyon. At doon sabay na nag-flashback sa utak ko ang alaala ko kay Alice at ang alaala ni Sina kay Alicia.   Ang dalawang taong nakahandang isugal ang kanilang buhay para sa amin na kaibigan nila.   Napaluhod ako habang patuloy na nakikita ang mga alaalang iyon. “Bakit napakadali para sa inyo ang itapon ang sarili nyong buhay para sa isang nilalang na hindi naman kayo sigurado kung worth it nga ba? Hindi ko maintindihan.”   “Luna.” tawag sa akin ni Alicia kaya iniangat ko ang ulo para tumingin sa kanya. “Friends are ready to bet their lives for each other no matter how dangerous the situation is. That is the code of friendship and you can’t say that you are friends with someone if you are not ready to bet your life for them.”   Hindi ako sumagot.   Ano nga ba kasing alam ko sa pakikipagkaibigan. I never had anyone before except Hyun who never really showed me the real meaning of friendship. And Alice only showed me a little bit of it so I don’t really know anything about it.   Even Sina didn’t know about it.   Well, she appreciated Alicia just like how I appreciate Alice but I don’t know how she viewed their friendship.   “Isa pa, hindi lang naman namin ito ginawa para sa mga gasty.” dagdag ni Taku na ikinabalik ng tingin ko sa kanya. “Alam namin oras na makontrol ng taong iyon ang mga gastly nang wala silang sariling pag-iisip ay posibleng unang manganib ang village kung nasaan ang mga pamilya namin. Hindi namin maaatim na makitang mapahamak sila sa kamay pa ng nilalang na itinuturing naming kaibigan.”   “You really think everything is ahead.” sabi ni Chien. “So? What will happen to all of you after the gastly dried out all your blood?”   “Of course, we will die.” ani Gracia. “And the evolved gastly will get out of our body and stay again inside the mine forever without harming anyone.”   “Paano kayo nakasisiguro na ganoon ang mangyayari?” tanong ni Soren. “They are still a monster and you don--”   “We know.” sabay ni Chang pagkuwa’y ipinatong ang kanyang kamay sa kanang dibdib. “Dahil sa mga oras na ito ay iisa lang kami. Nararamdaman namin ang emosyon ng isa’t-isa kaya nakasisiguro kaming wala silang ibang gustong gawin kundi ang bumalik sa kung ano ang kanilang pamumuhay nila noon kasama ang mga minerong nagta-trabaho sa minahang ito.”   Tinitigan ko sila at ilang sandali ay bumuntong hininga na lamang ako. “Ihanda nalang natin ang pagbaba ng exp points natin.”   Napalingon sila sa akin.   “What do you mean?” tanong ni Alicia.   “I can feel their emotions.” sabi ko. “What he said is true. We don’t need to worry about them because they will stay inside the mine no matter what happens. So I think we need to abandon this quest.” Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko tsaka bumaling sa mga kasama ko. “Sorry for causing you trouble.”   “You don’t have to say sorry, Luna.” nakangiting sabi ni Chien. “In fact, kami pa ang dapat na mag-sorry sayo.”   Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “What do you mean?”   “We kinda lied to you about the quest that the palace gave to our guild.” aniya pagkuwa’y binuksan niya ang isang scroll na naglalaman ng isang quest at iniharap iyon sa akin. “Saving the miner’s life is not what the palace wants.”   Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa quest na iyon.   “Gusto ng palace na sundin natin kung ano ang magiging desisyon ng mga minerong sangkot sa insidenteng ito.” sabi ni Soren. “And now, making sure that the gastly will return inside the mine safe and sound will be the our real quest.”   Damn! How did my mother know all of this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD