Chapter 55

1134 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Hindi ko talaga maisip kung paanong ang lahat ng galaw at desisyon ng reyna ay umaayon sa mga nangyayari ngayon.   Tulad na lamang ng quest na kanilang ipinasa sa mga guild. Eh nang mga oras na sabihin namin ang sitwasyon dito ay kulang pa ang hawak naming impormasyon.   Pero nagawa na agad nilang maibigay ang nararapat na quest para sa kasong ito kaya’t wala kaming kailangang intindihin.   Tahimik lang akong nakaupo sa isang gilid habang pinagmamasdan ang mga minero.   Nagsisimula na kasi silang manghina at sa tingin ko ay bago pa sumikat ang araw kinabukasan ay tuluyan na silang natuyo at nakalabas na ang mga gastly sa kanilang katawan.   “Are you okay, Luna?” tanong ni Alicia na nasa tabi ko.   “I was just wondering how my mom knew the necessary quest for this kind of situation without having enough information.” Hindi na ako nag-abala pang bumaling sa kanya at nanatili lang na nakatingin sa mga minero.   “Talaga bang maging ang kakayahan ng iyong ina ay hindi mo pa din maalala?” tanong niya na ikinalingon ko sa kanya.   “Anong ibig mong sabihin?”   Bumuntong hininga siya. “Maliban sa pagiging empath, may kakayahan din ang iyong ina na makipag-communicate kay Hunter.”   Kumunot ang noo ko. “The queen of Diamond Kingdom can communicate with the god of moon who created this world?”   Tumangu-tango siya. “And to be honest, karamihan sa mga quest na ipinamimigay ng palasyo sa mga guild ay ikinokonsulta muna kay Hunter nang sa gayon ay maging necessary sa bawat sitwasyon ang bawat quest at hindi magkaroon ng problema ang mga adventurer.”   “Then…”   Tumango siya. “It is basically na galing din kay Hunter ang mga quest na iyon at ipinadadaan lang sa iyong ina dahil hindi naman siya basta nakikipag-interact sa mga nilalang na kanyang nilikha lalo na kung wala naman itong kakayahan upang makausap siya.”   Hunter.   Wala akong masyadong alam sa diyos na kinikilala ng mundong ito. Pero ang alam ko lang ay ito ang lumikha ng Thamani at lahat ng mayroon dito. Sa nilalang ding ito nanggaling ang kapangyarihang tinatamasa ng bawat nilalang dito.   Pero maliban pa doon ay wala nang ibang impormasyon ang ibinibigay tungkol sa kanya.   Sabi ni Alicia noon ay sapat na daw na alam naming si Hunter ang lumikha sa amin at hindi na namin kailangan pang alamin kung paano siya naging diyos at kung ano ang kanyang nakaraan.   “At sa kanya din panigurado galing ang quest na ito.” dagdag pa ni Alicai. “Dahil nakasubaybay si Hunter sa bawat Thamanian na kanyang nilikha at nagbibigay siya ng tulong sa lahat kung kinakailangan.”   That sounds like the god that we all know back on Earth. Though I am not sure kung talaga bang may mga taong nagagawang kausapin ang diyos na iyon.   “Hindi ba niya pwedeng tulungan ang mga minerong iyan?” tanong ko at muling bumaling sa mga minero.   “Luna, hindi porket gusto mo ang isang bagay ay makukuha mo.” aniya. “Ang mga minerong iyan na ang nagdesisyon ng kanila kapalaran at irerespeto ni Hunter ang kagustuhan nilang iyon. Kahit naman kasi siya ang lumikha sa atin ay binigyan pa din niya tayo ng sariling isip upang patakbuhin ang sarili nating buhay.”   Bumuntong hininga ako at ginulo ang aking buhok pagkuwa’y tumayo.   Hindi ko kayang panoorin kung paano mamatay ang mga nilalang na ito kaya lalayo na muna ako. Babalik nalang ako kapag kailangan na naming ibalik sa minahan ang mga gastly na lalabas sa kanilang katawan.   Pumunta ako sa isang puno na medyo malayo sa minahan at naupo sa ilalim nito. Sumandal ako sa katawan ng puno at ipinikit ang mga mata.   Hindi din naman nalalayo ang mga paniniwala na mayroon sa mundong ito kumpara sa Earth.   Ang tanging kaibahan lamang ay mayroong mga kapangyarihan dito at ang mga technology ay pinapatakbo lang din ng mahika. Maliba doon ay wala na kaya hindi din talaga mahirap para sa akin ang pamumuhay dito.   Ang nagpapahirap lang naman sa akin ay ang buhay na hindi ko kailangang pumatay na siyang kinalakihan ko sa dati kong mundo.   Isang maayos, marangya at puno ng pagmamahal ang buhay na tinatamasa ko ngayon. Kabaliktaran sa kung anong mayroon ako noon.   Kaya hindi ako sigurado kung makakayanan ko ba ito.   Bumuntong hininga ako at inis na ginulo ang aking buhok.   Nakakainis. Kung sana ay alam ko ang dahilan kung bakit ako napunta sa mundong ito.   At kung bakit nga ba nawala ng tuluyan si Sina? Maging ang mga pangitaing kanyang nakita na naging dahilan kung bakit hindi niya pinigilan ang pag-atake sa toreng kanyang tinitirhan noon.   Ah!   Ang daming tanong at hindi ko alam kung kailan nga ba ito mabibigyan ng kasagutan. O masasagot nga ba talaga ito? Gayong wala na sa mundong ito si Sina na tunay na nakakaalam ng lahat.   “Hey.”   Idinilat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mukha ni Soren. “What do you want?”   “Are you okay?”   Hindi ako nagdalawang-isip na umiling. Aba, halata naman siguro na hindi ako okay kaya walang saysay kung magsisinungaling pa ako.   “Care to share it with me?” tanong niya. “Baka makatulong ako.”   “It is something about the memories that I lost when I got stabbed.” sabi ko. “So, I don’t think you can help me with that.”   “Kung ang pinoproblema mo ay tungkol sa nawawala mong memorya, then, I can help you with that.” aniya na ikinakunot ng noo ko. “But of course, wala nang libre sa panahon ngayon kaya kailangan mong gawin ang isang pabor na hihingin ko sayo bago ko sabihin kung paano mo nga ba maibabalik ang memorya mo.”   “Is that even legit?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Baka mamaya ini-scam mo lang ako dahil alam mong desperada na talaga akong maibalik ang memoryang iyon.”   “I am not that kind of person, Luna.” aniya. “I can swear on the name of my kingdom.” Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko.   At tinitigan ko iyon. Nagdadalawang-isip pa kasi ako at isa pa ay may ibinigay ding kundisyon sa akin ni Kronen para maibalik ang memoryang iyon.   But on the second thought, wala namang mawawala sa akin kung pareho kong gagawin ang pabor na kanilang hinihiling.   At least, masisiguro kong maibabalik talaga sa akin ang memoryang binura ni Sina sa sarili.   Tinanggap ko ang kanyang kamay at tumango. “You got yourself a deal. Just keep your word.”   “Then, let’s start the favor next week.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD