Chapter 53

1120 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Napadilat ako nang aking mga mata nang marinig boses ni Alicia na palapit na sa kinalalagyan ko.   Hindi ko napansin na nakatulog pala ako sa pag-iisip at ngayon ko lang na-realize na sa panaginip ko lang lumilitaw ang lalaking nakakaalam ng tunay na pagkatao ko bilang Luna Nueva na isang dating naninirahan sa Earth.   Ginulo ko nalang ang buhok ko at inis na tumayo.   Kung sinuman ang lalaking iyon, sisiguraduhin kong sa susunod na lumitaw siya sa panaginip ko ay mapipilitan na siyang magpakilala.   Muntik na akong mahulog sa malalim na pag-iisip tungkol sa alaala ko dahil sa mga kalokohan niya at hindi naman niya ibinigay sa akin ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa.   Tsk.   “Anong nangyari?” kunot noong tanong ni Alicia nang makalapit sa akin. “Bakit nakakunot ang noo mo at para bang galit ka?”   Umiling ako. “Don’t mind me. Just tell me what you get in the village.”   “We have good and bad news.” sabi ni Soren.   “Start with good news.” sabi ko. Hindi ko pa kayang marinig ang bad news at baka lalo lang madagdagan ang inis ko.   “The palace immediately put up a quest for this kind of situation.” sabi ni Chien. “And we already registered in this quest.”   “We also notify the guild that we cannot do that on our own so they put a backup request for this.” segunda ni Soren. “And Alicia immediately registered you and her as our backup party.”   “Then, this job is already for us.” sabi ko na tinanguan nila. “So? What is the bad news?”   “The palace specify that the quest they are putting in every guild is not about searching the gastly controller.” ani Alicia. “It is about saving the lives of these people.”   “And why is that?”   “According to my mother whom I talk through telepathy, sa mga oras na ito ay inaasahan na ng reyna na patay na ang gastly controller.” dagdag pa ni Alicia na ikinalaki ng mga mata ko. “As if the only goal of this controller is to let these monsters enter a human body and regain their own consciousness by consuming their host’s blood.”   What the hell? Iyon din ang sinabi sa akin ng lalaking nagpakita sa panaginip ko.   May kinalaman ba ang aking ina sa lalaking iyon? Konektado din ba sila kaya halos pareho ang nalalaman nila tungkol sa bagay na ito?   “It is become bad news dahil wala kaming ideya kung paano nga ba aalisin sa katawan nila ang mga gastly na sigurado namang sa mga oras na ito at patuloy pa din sa paghigop ng dugo ng mga minero.” ani Soren.   Inakbayan ako ni Chien. “At naisip ka namin which will be super helpful to this kind of cases lalo na at may kinalaman ito sa isang monster.”   “You want me to tame the gastly?” tanong ko na tinanguan nila.   “That is the only thing we can do for now.” sabi ni Alicia. “Dahil wala pang napapabalitang namatay sa loob ng village.”   There is still hope kung sakali man na makita namin ang katawan ng controller.   Nabanggit na din sa akin ni Alicia ang tungkol sa magical item kung saan maaaring i-fused ang roho ng isang Thamanian. Magkakaroon ng pansamantalagang katawan ang roho ng isang pumanaw ngunit wala na siyang sariling will at gagawin na lamang niya kung ano ang iniutos sa kanya ng nagmamay-ari ng magical item na iyon.   At sa bawat kaharian, tanging ang chief of knight lamang ang humahawak nito upang masiguro na hindi ito magagamit sa kasamaan o maaabuso ang kapangyarihan nito.   “Kaya dalawang party at hiniling namin sa Ruwan Rai.” ani Chien. Ang party nyo ni Alicia na may taming skills at ang isa pang party na may search skills na siyang maghahanap sa katawan ng controller para kuhanin ang roho nito at madala agad sa chief of knight ng Diamond Kingdom.”   “So, you have plan b just in case na hindi ko magawang ma-tame ang mga gastly na iyon.”   Tumango sila.   “Aware kami na hindi mo pa nama-master ang taming skills mo kaya naman naniguro na kami.” paliwanag ni Chien.   Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa akin.   Mabuti naman na naisip nila iyon pero hindi na dapat kami mag-aksaya ng panahon dahil anumang oras mula ngayon ay manganganib na nang tuluyan ang buhay ng mga minerong ito.   Humarap ako sa mga minero ngunit akma ko pa lamang gagamitin ang aking taming skills ay agad itong nag-bounce back sa akin na naging dahilan kaya natumba ako.   Para kasi itong isang malakas na pwersa na tumama sa buong katawan ko at hindi ako nabigyan ng pagkakataon para sanggain iyon.   “Luna!” sigaw nila at agad akong dinaluhan.   “Anong nangyari?” tanong ni Alicia nang maitayo ako.   “May sarili na silang isip.” inis kong sabi. “At alam nila kung ano ang plano natin kaya naman agad nila akong hinarang bago ko pa makita ang string bond nila.”   “Damn.” mura ng dalawang lalaki.   “Then, we only have one thing that we can do.” ani Alicia.   “And I don’t think it will work smoothly.” Muli kong ginulo ang aking buhok. “From the strength that they have right now, sigurado akong lalabanan nila ang kontrol ng rohong iyon. At habang ginagawa nila iyon ay patuloy nilang inuubos ang dugo ng mga minero hanggang sa tuluyan nilang makamit ang sapat na lakas upang makawala sa kontrol ng roho.”   “Then…”   Bumuntong hininga ako. “Yes. We can’t save them.”   Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko.   Habang ako naman ay naikuyom nalang mga kamao ko habang nakayuko.   Ngayon ko nararamdaman ang pagiging mahina para iligtas ang buhay ng isang tao. Ngayon ko naramdaman ang kawalan ng pag-asa para ibahin ang sitwasyong kinahaharap ko ngayon.   Ah, this is not the first time.   Ganito din ako kahina noong hindi ko naprotektahan si Alice sa lalaking iyon. Ni hindi man lang ako nakagalaw nang sumulpot ang lalaking iyon sa likod ni Alice at saksakin ito.   Ni hindi ko nga din nagawang ikilos ang katawan ko nang itulak nito si Alice palapit sa akin kaya maging ako ang nasaksak nito.   At sa ikalawang pagkakataon, wala na naman akong magawa para iligtas ang mga ito. Wala na naman akong ibang pwedeng gawin kundi hintaying mamatay sila.   Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD