Chapter 31

1195 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “At narito na nga ang ating mga bayani!” sigaw ng announcer na sinundan ng malakas na hiyawan ng mga manonood. What the hell is happening here? Hindi naman ako nasabihan na may mga manonood pala sa pagsusulit na gagawin ko para makaalis sa rank ng novice. Luna! Kaya mo iyan! Huwag kang magpapatalo sa mga makakalaban mo! Nasa iyo ang suporta namin! Laban lang, Luna! Ilan lamang iyan sa mga naririnig ko mula sa sigawan ng mga manonood at doon ko lamang unti-unting na-realize ang mga nangyayari. Walang interes ang mga mamamayan ng Diamond Kingdom sa pagsusulit na nilalahukan ng mga novice. Ang madalas lang naman nilang panoorin ay ang mga level ranking, guild war at mga exhibition match ng mga adventurer. Pero dahil sa pagkalat ng pangalan namin ni Alicia na tumulong sa nakaraang gulo ay narito sila upang suportahan kami. Napakamot ako ng ulo. Hindi kaya ako magkaproblema kapag nalantad masyado ang mukha ko sa maraming nilalang? “Ikaw pala ang makakalaban ko.” Bumaling ako sa aking harapan at isang malaking lalaki na may dalang malaking espada ang bumungad sa akin. May marka ito sa kanang mata at maging ang katawan nito ay puno din ng marka ng sugat na matagal nang naghilom. "Sina... Sina..." Agad kong hinawakan ang hikaw na nasa aking tainga ang madinig ko ang boses ni Alicia. Ibinigay ito sa akin ng aking ina at sinabi niyang isa itong magic item na maaari naming gamitin ni Alicia upang magkausap kami kahit nasa magkalayong lugar. "Bakit ang daming nanonood sa atin?"  tanong niya. Wala man siyang bakas ng takot pero alam kong hindi din siya kumportable na ganito kadami ang manonood sa laban namin. "HIndi ko din alam."  sabi ko. "Marahil ay dahil ito sa pagkalat ng pangalan natin at nakarating sa kanila ang pagsusulit na ito kaya heto silang lahat ngayon." "Hindi ako kumportable." aniya. "Nako-consious ako. At pakiramdam ko ay magkakamali ako sa bawat ikikilos ko dahil sa dami ng nanonood." Bumuntong hininga ako dahil pareho lang naman ang nararamdaman namin. Pero wala kaming magagawa kundi magpatuloy sa pagsusulit. Don't mind them. Isipin mo nalang na mga estatwa lang sila." "Sa tingin mo ay ganoon lang iyon kadali?" Muli akong bumuntong hininga. "Hindi nga madali pero wala naman tayong choice. Hindi natin sila pwedeng paalisin dahil isang public viewing talaga ang mga ganitong pagsusulit upang malaman ng mga client ang kakayahan ng mga adventurer na kanilang iha-hire." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Fine. Just be careful. Mukha kasing dahil sa ginawa natin noon ay tinaasan nila ang level ng makakalaban natin." Ibinalik ko ang tingin sa makakalaban ko. "Yeah. Nakikita ko nga na ganoon ang ginawa nila." "Make sure that you will be able to beat your opponent, okay?" "You don't have to tell me that." Tinapos na namin ang pag-uusap at sinimulan ko nang ituon ang aking atensyon sa makakalaban ko. Kung pagbabasehan ko ang kanyang tindig. nasisiguro kong hindi magiging madali ang pagpapabagsak sa lalaking ito. Bakas din sa kanya ang mataas na tolerance sa sakit kaya hindi ko din iyon magagamit para mapasuko siya. Huminga ako ng malalim. At nang marinig ko ang tunog ng bell na siyang naghuhudyat ng pagsisimula ng aming laban ay agad na akong sumugod. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit ng husto ay agad din akong tumalon pataas upang iwasan ang mabilis na pagwasiwas nito ng malaki niyang espada at umatras. Shit! Muntik na ako doon. Hindi ko akalain na sa ganitong laki na mayrooon ang katawan at espada niya ay masyado din siyang mabilis kumilos. Kaya hindi nga magiging madali ang labang ito. Muli akong huminga ang malalim at inilabas ang dalawang dagger ko. Ang sabi nila, pwedeng masugatan ang makakalaban namin basta masiguro lang na hindi ito mamamatay. And to be honest, mas malaking disadvantage iyon sa akin dahil hindi ako sanay na makipaglaban nang hindi pumapatay. Nasa kundisyon naman kasi ang katawan ni Sina at kaya nitong makipagsabayan sa mga nalalaman ko sa pakikipaglaban. Ah! Bahala na. Kung hindi siya makikisama sa akin, then, hahayaan ko nalang na ang katawang ito ang madesisyo sa mangyayari sa kanya. Pumikit ako at muling huminga ng malalim. At nang imulat ko ang aking mga mata ay siya ding pagsugod ko sa aking kalaban. ********** Saila's Pov (Ruwan Rai's Guild Receptionist) "Guildmaster!" Humahangos kong binuksan ang pinto ng opisina ng guildmaster. "Ang novice examination!" "Alam ko, Saila." sabi niya kaya agad akong lumapit sa kanya. "Kung ganoon ay kailangan nating kumilos." Umiling siya na ikinakunot ng aking noo. "Hindi tayo maaaring makialam." "A-anong ibig mong sabihin?" "Sino sa tingin mo ang nagpakalat sa magaganap na pagsusulit nila Luna at Alice?" balik niyang tanong sa akin na ikinalaki ng mga mata ko. "S-sila?" Tumango ako. "Ginawa nila iyon dahil alam nila ang impact nito sa mga mamamayan ng Diamond Kingdom. Marami ang pupunta at manonood sa magiging laban." "At marami silang magiging hostage na siyang magtatali sa mga kamay natin para makialam." pagpapatuloy ko. Muli siyang tumango. "Kaya't gustuhin ko mang itigil ang pagsusulit na iyon upang iligtas sina Luna at Alice ay hindi maaari dahil daan-daang buhay ang posibleng malagay sa alanganin." "No way." Hindi ito makatarungan pero ano nga naman ang aming magagawa. Maraming buhay ang malalagay sa panganib kapag pinili naming iligtas sina Luna at Alice. Pero buhay naman ng dalawa ang malalagay sa panganib kapag wala kaming ginawa. Hindi ko alam kung ano ang habol ng mga nilalang na iyon kina Luna at Alice at nagawa nilang pasukin at kunin ang kontrol sa nagaganap na pagsusulit pero kailangang may gawin kami. Hindi ko maaatim na isakripisyo ang buhay ng dalawang iyon para lamang sa kaligtasan ng mas nakakarami. "Anyway, hindi mo naman kailangang mag-alala sa dalawang iyon." Lalong kumunot ang aking noo nang makita ko ang kampanteng itsura ni Guildmaster. "At bakit hindi ako mag-aalala sa kanila? They are still young and--" "Weak?" pagputol niya sa akin. "Sa tingin ko ay nagkakamali ka. They are not as weak as we thought." "Paano mo iyan nasasabi? Nakita mo ba ang index kung saan nakalagay ang level ng kanilang kakayahan?" Tumango siya. "Yeah. I did." "Then, alam mong mas mababa pa sa average level ang kakayahan nila dahil sa kakulangan nila sa experience." sabi ko. Sa limang taon ko bilang receptionist ng Ruwan Rai Guild, ang dalawang iyon palang ang nakita kong may ganoon kababang experience kaya lagi kong sinasabihan ang ibang miyembro ng guild namin na alalayan ang dalawa dahil nag-aalala akong hindi nila kayanin ang mga quest na kanilang kukunin. Kaya nga maging ako ay nagulat nang malaman kong isa sila sa dahilan kung bakit natigil ang gulo sa tarangkahan noong nakaraan. Ibig sabihin ay mas malakas nga sila kaysa sa aking inaasahan pero hindi pa din iyon sapat para hindi ako mag-alala ngayon lalo na't ang mga makakalaban nila sa pagsusulit ngayon ay mga kriminal at bandido na inupahan ng grupong kumokontrol ngayon sa Arena. "Why don't you just wait and see what will happen today?" aniya. "At doon mo nalang sabihin kung talaga bang nararapat ka pang mag-alala sa kakayahan nila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD