Chapter 32

1290 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “Hindi ka pa din susuko?”   Nakailang beses ko na ba iyang natanong sa lalaking ito? Ah! Hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko lang, isang oras ko na siyang paulit-ulit na ginigilitan ng leeg at pinapagaling bago pa siya matuluyan.   Nang sumugod ako sa kanya kanina ay una kong tinarget ang likod ng tuhod niya. Though, hindi iyon naging madali dahil mabilis din ng kanyang reflexes at nakakaiwas agad siya bago pa ako tuluyang makalapit.   Makailang beses din akong muntik tamaan ng espada niya dahil halos magkapantay lang kami ng bilis.   Hanggang sa makalapit ako sa harap niya at sinuntok ang sikmura niya.   Inaasahan kong hindi iyon masyadong makakaapekto sa kanya ngunit nanlaki nalang ang mga mata ko nang halos lumuwa ang mga mata niya at magsuka siya ng dugo matapos ang suntok kong iyon .   Napaluhod din siya at parang nawalan pa ng malay kaya agad na akong pumwesto sa likod niya at mahigpit na hinawakan ang kanyang buhok.   Malakas pa ang sigawan ng mga manonood. Hanggang sa isang grupo sa mga ito ang nakakuha ng atensyon ko dahil sa pang-e-encourange nilang patayin ko ang kalaban ko.   Hindi ko naman sila binigo. Nilaslas ko ang leeg ng kalaban ko.   Ikinatigil iyon ng marami. Tila hindi nila nagustuhan ang ginawa ko kaya agad ko itong pinagaling.   Hanggang sa abutin kami ng halos isang oras sa paulit-ulit na aking ginagawa.   “Ba-bakit mo ba ito ginagawa?” tanong ni Sanjo, ang lalaking kalaban ko. Kapapagaling ko lang uli ng sugat niya sa leeg ngunit bakas pa din ang kanyang panghihina dahil sa dugong nababawas sa bawat sugat na ibinibigay ko sa kanya. “Bakit hindi mo nalang ako patayin tulad ng gusto ng mga manonood?”   “I am not that heartless.” sabi ko. “Isa pa, hindi ako titigil hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung bakit ikaw ang nasa harap ko ngayon imbes na isang adventurer na galing sa Ruwan Rai.”   Natigilan siya.   “Oh, hindi mo na-realize na alam ko ang nangyayari sa paligid ngayon?”   Ang mga adventurer ng Ruwan Rai ay laging suot ang kanilang bracelet kahit pa nasa isang laban sila. May karampatang proteksyon din kasi ang bracelet na iyon at malaki ang naitutulong maliban pa sa isa itong pagkakakilanlan bilang miyembro ng guild.   Pero ang lalaking ito, wala siyang suot na bracelet kaya una palang ay alam ko nang hindi siya kabilang sa guild namin.   Doon ko din napansin ang mga kahina-hinalang nilalang na nakasuot ng itim na cloak sa paligid ng arena. Mayroon pa sa bawat entrance at exit kaya nasisiguro kong hindi mapahinto ng guild namin ang pagsusulit na ito dahil sa ginagawang hostage ng grupong ito ang mga mamamayan.   “Sina.” Muli kong nadinig ang boses ni Alicia mula sa suot kong communicator. “Napansin mo din ba ang mga naka-black cloak na nasa likurang bahagi ng mga audience?”   “Yeah.” sagot ko. “At tingin ko ay iyong mga nag-uudyok na patayin ko ang kalaban ko ay kasamahan din nila.”   “Akala ko ay dito lang may mga ganyan.”  sabi niya. “Wala bang magagawa ang guild?”   Iginala ko ang tingin sa paligid at bumuntong hininga. “Nakatali ang kamay nila sa mga oras na ito kaya wala silang magawa para makialam. Pero kung gagawa tayo ng paraan para mabigyan sila ng butas, nasisiguro kong agad silang susugod dito.”   “Then, what should we do?”   Hmm.   Hindi ko alam kung ano ang pakay ng grupong ito sa amin ni Alicia. Ni hindi ko din alam kung sino ba sila kaya mahirap kumilos.   Tumikhim ako. “Can I go all out?”   “What do you mean by that?”   “Well…” Napakamot ako ng ulo. “I will show my powers to them.”   Hindi sila nagsalita.   Isa sa bilin sa akin ng reyna na kailangan ko munang hingin ang permiso ni Alicia kung gagamitin ko ang full extent ng aking kapangyarihan nang sa gayon ay makagawa agad ng paraan kung sakali mang may makapansin sa tunay naming pagkatao.   Nadinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Okay. But I am giving you ten minutes to finish this problem. Iyon lang ang kaya kong ibigay ngayon.”   “Kasama na ba sa ten minutes na iyan ang parteng iyan ng arena?”   “Yup.”   Napakamot ako ng ulo. It will be very tricky dahil sigurado naman na manlalaban din ang mga iyon. I am not sure if I can stop all this nonsense in just ten minutes.   Nasa magkaibang arena pa kami ni Alicia.   Napabuntong hininga na lamang ako. “Fine.”   “Then, I will be waiting for you here in ten minutes.” At naputol na ang aming koneksyon.   “What should we do now?” Bumaling ako kay Sanjo. “Mind cutting the chase?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong kailangan sa amin ng grupong kasama mo?”   “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Nag-iwas siya ng tingin. “W--aaakkk!” Muli kong ginilitan ang kanyang leeg kaya agad niyang hinawakan ang sugat at pinipigilan ang pagsirit ng dugo niya.   Ngunit bago pa man siya mawalan ng malay at tuluyang mamatay ay agad ko nang pinagaling ang sugat niya.   Ipinaparanas ko lang sa kanya ang pakiramdam ng malagay sa bingit ng kamatayan nang sa gayon ay siya na mismo ang sumuko.   Well, I know that I am being cruel for doing this kind of thing but he asked for it. Kung hindi ako ang kikilos ng ganito ay ako naman ang mapapahamak dahil higit siyang malaki at mabilis sa akin.   “Hindi ka ba talaga makikipag-cooperate sa akin?” Sinipa ko siya sa tagiliran kaya agad siyang napahiga pagkuwa’y tinapakan ko ang kanyang dibdib. “Sigurado ka na ba?”   “W-wala kang aasahan--”   “Then, sleep.” bulong ko at dahan-dahan pumikit ang kanyang mga mata. Nnag masiguro kong mahimbing na ang kanyang tulog ay bumaling naman ako sa mga manonood. “Hello, everyone.”   “Hello, Luna!” balik sigaw nila sa akin.   Good response. Ibig sabihin ay kahit na ganoon ang ipinakita ko sa laban namin ni Sanjo ay hindi pa din nawala ang suporta nila sa akin.   “I just want to say something but my voice is not that loud.” sabi ko. “Those in the back won’t be able to hear what I am going to say.”   Isang lalaki ang biglang tumayo at tumalon pababa ng arena hanggang tuluyan siyang makalanding ito.   “And who are you, Mister?” tanong ko.   “I am Krover.” aniya. “Isa ding adventurer ng Ruwan Rai. And I have the ability of sound.”   “Oh.” Tumangu-tango ako. “Then, you can make my voice louder?”   Tumango siya.   “Cool.” Ako na ang lumapit sa kanya. “Make it louder so that the whole arena as well as the arena at the back will be able to hear what I am going to say.”   “Is it really important?” tanong niya na mabilis kong tinanguan. “Okay.”   Ikinumpas niya ang kanyang daliri na parang may iginuguhit sa hangin hanggang sa lumitaw ang isang magic circle. Lumulutang iyon sa harap ko kaya’t dahan-dahan niya iyong itinulak hanggang sa dumikit ito sa lalamunan ko.   “Maririnig ka hanggang sa kabilang arena.” sabi niya.   Ngumiti ako. “Everyone!”   Nakita kong maging ang mga nasa likod ay nagbago na ang reaksyon marahil ay dahil narinig na nila ang aking boses.   “Will you please… sleep.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD