Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)
Patuloy sa pagwawala si Gracia, ang unang minero na nagising sa mga iniligtas namin at patuloy pa din siyang nagpipilit na lumayo kami sa kanya at ibalik namin sila sa loob ng minahan.
Na syempre ay hindi namin maaaring gawin.
Kaya para sa ikapapanatag ng kanyang loob ay binalot nalang namin sila ng isang barrier kung saan walang sinuman ang pwedeng makapasok o makalabas.
Kumalma na siya pagkatapos kong gawin iyon at maliban pa doon ay humiling din siya sa akin na salain ang hangin na lalabas sa barrier upang masiguro na hindi iyon makakasama sa sinumang malapit sa barrier.
Naguguluhan man ay agad ko iyong ginawa.
Kasi naman, sobrang histerikal siya kanina at talagang muntik pa kaming magkasakitan dahil sa pagpipilit niyang makabalik sa loob ng minahan. Hindi nga lang namin siya makakausap ng maayos at kakalma kung hindi siya tinurukan ni Alicia ng isang gamot.
“Ano sa tingin mo ang problema niya?” tanong ko kay Alicia na abala sa pag-examine sa dugo ng mga minerong kanyang kinuha kanina.
May kaalaman at karanasan din kasi si Alicia sa medisina at sa pagkakaalala ko ay kakakuha lang niya ng kanyang lisensya bilang isang ganap na doktor noong gabing muntik siyang mamatay.
Personal kasi siyang tinuruan ng reyna na noon ay isa ding magaling na doktor dahil sila ang magkatuwang upang alagaan ang kalusugan ni Sina habang nakakulong ito sa tower.
“I am not really sure.” sambit niya tsaka bumaling sa akin. “But to tell you the truth, hindi na natin trabaho ito.”
“I know.” sabi ko tsaka muling bumaling sa mga minerong isa-isa nang nagigising at tulad ni Gracia ay ang unang sinabi ay isang malaking pagkakamali ang ginawa naming paglalabas sa kanila sa minahan. “But I want to know what is happening to them.”
Ang trabaho lang kasi namin ay buksan ang minahan at ilabas ang mga minerong na-trap sa loob nito kaya kung tutuusin ay hindi na sakop ng quest na kinuha namin ang pag-alam sa kung anuman ang kalagayan ng mga ito. Bahala na ang mga susunod na adventurer sa bagay na iyon.
Pero hindi ko naman pwedeng ipikit nalang ang mga mata ko at magpanggap na walang alam sa kakaibang nangyayari sa kanila.
Besides, I am still the first princess of this kingdom. Hindi man ito kasama sa trabaho ko bilang isang adventurer ay kasama pa din ito sa trabaho ko bilang pinuno ng kahariang ito sa hinaharap.
“Just get all the results that we need to know about their condition so we know what to do to help them.” sabi ko sa kanya.
“Okay.” At muli na niyang ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Eksakto namang lumabas na ng minahan sina Chien at Soren kaya agad akong lumapit sa kanila.
“Did you fight the monster?” tanong ko.
Umiling si Chien. “We already search the whole area but we can’t detect any kind of monster inside.”
“Eh?”
“It is possible that they got out.” ani Soren. “Did you encounter any strange wind when you are opening the mine?”
Umiling ako. “Wala ngang kahit kaunting hangin kaming naramdaman habang papasok diyan.” sabi ko. “Posible bang nakalabas sila right before the explosion?”
“I don’t think so,” sabi ni Soren. “They made sure to blow the whole entrance before the gastly notice their plan.”
“Then, nasaan ang mga iyon?” tanong ko.
“They are inside the miner’s body.”
Napalingon kami kay Alicia na ngayon ay may hawak nang isang transparent na crystal plate.
“What do you mean?” tanong ko.
“Iyon ang dahilan kung bakit nagpipilit ang mga minero na bumalik sa loob at makulong ulit.” sabi niya. “Dahil alam nilang ginagamit ng mga gastly ang kanilang katawan upang lumakas. At naghahanap lang ang mga ito ng pagkakataon kapag nailabas na ang mga minero.”
“Is that even possible?” takang tanong ni Soren. “Kilala ang mga gastly na walang sariling pag-iisip at ang kanilang mga nasasaktan ay hindi nila intensyon.”
“And the way you are saying this means that they have their own consciousness that made them behave like this.” dagdag ni Chien.
“That is what I am saying.” sabi ni Alicia. “Aside from they have consciousness, someone is actually controlling them.”
Nanlaki ang mga mata ko. “What?”
“This someone is the reason why they are residing inside these miner’s body at kapag nalaman ng taong iyon na nailabas na ang mga minero ay nasisiguro kong uutusan na niya ang mga gastly na lumabas sa katawan ng mga ito.” paliwanag pa niya pagkuwa’y bumaling sa mga minerong nasa loob ng barrier. “And they are aware of this because right now, they are now fused with these monsters.”
“But they can’t tell us anything.”
Tumango siya. “I don’t know the details but I think they are protecting someone so they just remain silent.”
“It is either they are protecting themselves or someone related to them.” sabi ni Chien.
“Alice.” tawag ko kay Alicia habang nakatitig sa mga minero. “I will let them remain inside that barrier as long as we can. We have already done our job so we can turn over our quest and have our free time.”
“Then, I will take care of that.” aniya.
“But for now, kailangan nating ipaalam sa palasyo ang nangyayari dito nang sa gayon ay makapagbigay agad ng quest sa mga guild at maging priority ang paghahanap sa taong kumokontrol sa mga gastly to save these people lives.”
“Hindi tayo pwedeng ma-involve dito kung ang gagamitin natin ay ang katauhan natin bilang mag adventurer.” sabi niya. “We are just a rank E and this kind of case will be put on a quest that only rank A and B can handle.”
“I know,” sabi ko tsaka itinuro sina Chien at Soren. “And they are rank B adventurers who will surely take this quest since they are already here and their main job is to slay those monsters.”
“And?”
Ngumisi ako. “We will be their back up party.”
Tumangu-tango sila nang ma-realize ang gusto kong mangyari. “You have a point on that.”
“Yeah,” ani Soren. “Wala kaming choice kundi kunin muna ang quest na ilalabas ng palasyo tungkol sa paghahanap sa kumokontrol ng mga gastly bago namin magawa ang unang quest na aming kinuha.”
“Then, let’s do it.” sabi ko. “We need to move as soon as possible and find the culprit on putting the lives of these innocent people.”