Chapter 50

1214 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “Luna? Alice?”   Bumaling kami ni Alicia sa tumawag sa pangalan namin at napakunot ang noo nang makita sina Chien at Soren.   “Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko.   “Kami ang dapat na magtanong sa inyo.” sabi ni Chien. “Anong ginagawa nyo dito?”   “This is our quest.” sabi ni Alicia. “We got hired to open this mine and save the miners that have been trapped inside since last week.”   “Wait,” pigil ko. “Don’t tell me, nandito kayo para sa parehong quest?”   “Oh, no.” Umiling-iling sila.   “We are here for a different quest.” ani Soren na ikinakunot ng noo ko.   “Different quest?”   “The reason why this land’s marquess decided to close this entrance is because of some monster that has been lurking inside the mine.” paliwanag nito. “And our quest here is to hunt those monsters and wipe all of it out.”   “Eh?” Nagkatinginan kami ni Alicia pagkuwa’y muling bumaling sa kanila.   “Pero wala namang nabanggit sa amin si Heri.   “This is a personal request direct from the marquess.” ani Chien. “At walang alam si Heri sa mga nangyayari sa minahang ito.”   “Ang tanging alam niya lamang sa insidenteng ito ay ang pagkakakulong ng mga minero noong isang linggo pa at binilinan siya ng marquess na mag-submit lamang ng quest sa mga guild pagkatapos ng isang linggo.”   “Bakit kailangan pa nilang paabutin ng ganoon katagal bago sila humingi ng tulong sa mga adventurer?” tanong ko at itinuro ang mga minerong nasa bingit na ng kamatayan kanina nang matagpuan namin ang mga ito. “They could have seek help as soon as possible nang sa gayon ay hindi na kinailangang ilagay pa ang buhay ng mga nilalang na ito.”   “Calm down, Luna.” ani Soren pagkuwa’y iniharap sa akin ang isang papel. “This is the monster that lurks inside that mine.”   Kinuha ko iyon at binasa.   Ang monster na iyon ay tinatawag na Gastly. It is basically a mist and it doesn’t have any physical body kaya naman hindi ito basta matatalo ng sinuman gamit ang pisikal na lakas.   Only a certain type of magic can give damage to this kind of monster.   And it is harmful to humans. Anyone who has direct contact with it will immediately die. At dahil nga isa lamang itong mist ay hindi agad nade-detect ng iba na isa pala itong monster kaya madami-dami din talaga ang nabibiktima nito.   At base pa sa hawak kong papel, ang monster na iyon ay may mataas na level kaya tanging mga platinum necklace holder lang ang kayang makatalo dito nang walang casualties.   “If they didn’t seal the entrance of this mine, those mist will surely get out of this place and harm the village.” paliwanag ni Chien. “So, they only did what they think is necessary because they need to act fast or the entire Rocky Village will be the first place to pay the price.”   “Besides, late na din sila nakakuha ng sapat na impormasyon tungkol sa sitwasyon sa loob kaya inabot pa ng isang linggo ang pagpa-file nila ng quest sa mga guild.” sabi pa ni Soren. “And of course, tanging Ruwan Rai lang din ang tumanggap nito dahil iniiwasan ng ibang guild na magkaroon ng koneksyon sa ibang nobleman sa takot na madamay sa pag-aagawan ng kapangyarihan sa palasyo.”   Ito ang ikalawang pagkakataon na hindi tumanggap ng isang quest ang ibang guild.   At naiintindihan ko naman sila dahil ayaw lang nilang madamay sa internal affairs ng palasyo. Marami kasing nobleman ang talagang naghahangad na makianib sa mga adventurer dahil higit itong may experience kaya’t malaki ang maitutulong ng mga ito sa mga bagay-bagay na nais nilang gawin.   At iyon ang iniiwasan nila. They may be free but once they pick sides on any noble clan, then, they are just nothing but a dog of the noble clan.   Ruwan Rai lang naman ang may lakas ng loob na makipag-interact sa iba’t-ibang kaharian but they also set their limits that’s why no one dares to force them to work for any noble clan.   Hindi na ako nagsalita dahil nakukuha ko naman ang pinupunto nila. Bumaling nalang ako kay Alicia at sinenyasan siyang ipagpatuloy nalang ang paggamot sa mga minerong walang malay na nakahiga sa lupa.   “Anyway, we will just enter the mine and start our job.” sabi ni Chien tsaka ginulo ang buhok ko. “Let’s just meet after our jobs para naman lumamig ang ulo mo.”   Tinapik ko ang kamay niyang gumugulo sa buhok ko tsaka inirapan siya.   Natawa siya at napailing pagkuwa’y pumasok sila sa loob ng minahan.   “Gusto mo pa din bang imbestigahan natin ang marquess?” tanong ni Alicia na inilingan ko.   “Sa tingin ko ay wala din tayong masyadong makukuha.” sabi ko. “Instead, I want to meet him.”   “Sa tingin mo ay haharapin ka niya?” balik tanong niya sa akin.   Nagkibit balikat ako. “Well, baka hindi siya mag-aksaya ng panahong harapin si Luna pero sa tingin mo ba ay may choice siya kung si Sina ang mismong makikipag-meeting sa kanya?”   Pinanliitan niya ako ng mata. “What are you planning to do?”   Hindi ako sumagot at ngumiti lang habang tumatakbo sa isip ko ang isang plano kung paano ko nga ba makakaharap ang marquess na iyon.   Hindi ko kasi talaga maialis ang kakaibang pakiramdam na aking nararamdaman kahit pa ipinaliwanag na sa akin nila Chien ang lahat.   I still think that there is something wrong here and I cannot know that unless I meet him personally.   “Luna.” tawag sa akin ni Alicia at doon ko nakitang ang isa sa minero ay unti-unti nang nagkakamalay kaya agad akong lumapit doon.   “Hey.” tawag ko dito. “How are you feeling?”   Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata at bumaling sa amin. “Si-sino kayo?”   “Mga adventurer kami na naatasan para ilabas kayo sa minahan kung saan kayo nakulong.” sabi ko.   Akala ko ay matutuwa siya sa sinabi ko pero biglang nanlaki ang kanyang mga mata pagkuwa’y marahas na bumangon.   Inilibot niya ang tingin sa paligid at kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pagpapanic at nahahaluan ng matinding takot.   “Isa itong pagkakamali.” aniya.   Kumunot ako. “What did you say?”   Marahas siyang bumaling sa akin tsaka hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Isang pagkakamali ang paglalabas niyo sa amin sa minahang iyon. Sana ay hinayaan nyo na lamang kaming mamatay doon.”   Lalo akong naguguluhan sa sinasabi niya. “Ano ba ang ibig mong sabihin?”   Hindi niya sinagot ang tanong ko pero pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa balikat ko. “Ibalik mo kami sa loob. Ibalik mo kaming lahat at muling ikulong doon bago pa mahuli ang lahat. Ibalik mo na kami!”   Shit! Just what the hell is happening?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD