Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)
Madali lang naman ang unang quest na aming kinuha at wala kaming kailangang kalabanin na monster dahil pang-rank E adventurer lang ito.
Kaya naman nang dumating kami ni Alicia sa Rocky Village na hindi naman ganoon kalayo sa main city ng Diamond Kingdom ay agad na kaming nagtrabaho.
Ang parteng ito ng kaharian ay pagmimina ang unang pinagkukunan ng kanilang kabuhayan. Marami kasing mahahalagang bato ang dito nakukuha kasama na din doon ang ilang shining stone na siyang main core ng mga mechanism na ginagawa nila dito.
And last week lang ay gumuho ang isang minahan dito at eksakto pang nasira ang kanilang mga equipment upang alisin ang mga naglalakihang bato na humaharang sa bukana nito.
May mga minero pa kasing nakulong doon na kailangan nang mailabas dahil paubos na din ang kanilang mga supply at nagsisimula na silang mahirapang huminga dahil numinipis na ang hangin na pumapasok doon.
“Bakit hindi nyo ito ni-report sa palasyo nang sa gayon ay naaksyunan agad ang pagliligtas sa mga minero?” tanong ko kay Heri, ang village chief ng Rocky Village.
“Ang minahang ito ay pag-aari ng isang marquess at nag-insist ito na magpatuloy sa pagta-trabaho ang mga minero hangga’t may natitira pa silang supply ng pagkain at tubig.” sagot nito na ikinakunot ng noo ko.
That marquess put a lot of lives in danger because of money. At kapag may hindi magandang nangyari sa mga minerong nasa loob ay sisiguraduhin kong mananagot siya sa batas ng kaharian.
People's lives are more important than anyone else.
“Hindi ba nila naisip na ang ganitong klase ng trabaho ay aabutin lang ng isang araw.” sabat ni Alicia habang chine-check ang mga gumuhong bato na aming aalisin. “From what I can see, wala namang damage ang loob at tanging ang entrance lang ang gumuho.”
“So, will it only take a little time to do your job?” tanoing ni Heri.
“Yeah.” Tumango si Alicia. “It will be done within six to eight hours.” Hinawakan niya ito sa balikat at itinalikod. “You can leave it with us. Ihanda mo nalang ang lahat ng kakailanganin dahil nasisiguro kong hindi maganda ang lagay ng mga minero.”
“Will they be alright?” tanong ni Heri.
“Yes.” sagot ni Alicia. “Just get ready everything to make sure that they will be alright once they are out.” Itinulak na niya ito ng bahagya at kumaway-kaway pa dito sa tuwing lumilingon sa amin hanggang sa tuluyan itong nawala sa paningin namin.
At doon nagsimulang sumeryoso ang mukha ni Alicia.
“Oh.” Bumaling siya sa akin. “You notice something, huh.”
Muli siyang humarap sa natabunang entrance ng minahan. “What happened here? It was intentional.”
“You mean, someone really blow this entrance so that those miners will lock up there?” paniniguro ko na tinanguan niya. “What the hell?”
“Then, we need to move as fast as we can.” Agad kong in-activate ang null power ko at sinimulang i-levitate isa-isa ang bawat batong nakaharang sa entrance ng minahan.
Habang si Alicia naman ay isa-isang inilalabas ang ilang first aid kit na dala namin. Agad kasi siyang papasok sa loob kapag may sapat nang butas na pwede niyang daanan nang sa gayon ay agad niyang ma-check ang lagay ng mga minerong nasa loob.
“Do you think we can do something about this case?” tanong ko habang abala sa pagaalis ng mga bato. “Letting this people stranded on this mine is not okay for me lalo na kung dahil lang iyon sa pagiging ganid ng isang nilalang.”
“I can look up all the information that you need to punish the person who did all of this.” sabi niya. “But you know it will not going to be an easy fight lalo na’t marami-rami din ang pag-aaring minahan ni Marquess Mirage na siyang kapatid ng pangalawang asawa ng iyong ama.”
“So, there is a high possibility that this mine is also his?” Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang pagtango niya. “Then, it will really become a hard fight but I don’t care as long as we punish the one who is responsible of putting the lives of a lot of people.”
“If that’s what you want.” aniya. “I will prepare everything as soon as we get back from the capital.”
Nagpatuloy ako sa aking ginagawa.
Malaki-laki din ang damage ng minahan at msasabi kong hindi lang ang mismong bukana ng entrance ang natabunan ng mga bato.
Nabuksan ko na kasi iyon pero hanggang sa loob ay may mga nakaharang pa din at patuloy ko iyong inaalis.
“Hindi maganda ang nararamdaman ko.” sambit ko kay Alicia na nasa likod ko. Sa tingin ko ay nakaka-isang daang hakbang na yata kami mula sa mismong entrance ng minahan pero hanggang ngayon ay patuloy pa din ako sa pagtatanggal ng mga malalaking bato.
“Luna.” Hinawakan ako ni Alicia kaya bumaling ako sa kanya. “Look.” Itinuro niya ang kisame ng minahan na agad ko namang nilingon.
“Damn.” This is definitely not an accident.
Ang mga bato kasing nakaharang sa minahang ito ay hindi galing sa pagguho ng lugar. Maayos ang kisame ng minahan at walang kahit anong sira. Tanging ang mismong entrance lang ang nakikitaan ng senyales ng talagang pagguho.
Habang dito sa loob? Sa tingin ko ay sadya itong inilagay ng mga kung sino man ang gustong mag-selyo ng lugar na ito.
“Should we continue this?” tanong ko.
“I feel a weak presence at the end of the corridor,” aniya. “If we abandon this quest, we won’t be able to save those miners that get stuck here.”
“Then?” Tinaasan ko siya ng kilay. “What do you suggest?”
“Use your program.” sabi niya. “Or the crash.”
Inisip ko kung ano ang mas madaling gamitin upang matapos ang trabaho naming ito at nang makapagdesisyon ako ay tumango ako sa kanya. “Okay. Lift up your seal.”
Tumango siya at hinawakan ako.
Maliit lang ang space na mayroon kami kaya hindi niya magagawa ang tamang pag-aalis ng seal sa akin pero dahil alam ko naman ang specific null magic na kakailanganin ko ay sapat na ang direct contact.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagka-unlock ng isa sa null magic ko kaya agad kong hinawakan ang batong nakaharang sa dadaanan ko. “Crash.” Nagliwanag ang lahat ng batong nakaharang sa hallway ng minahan at sa isang kisapmata ay naging buhangin ito na mabilis bumagsak sa sahig.
Kasunod noon ay natanaw namin agad ang mga minerong nakulong dito.
Bakas ang matinding panghihina sa kanila and I can feel that that their breathing is not stable anymore kaya itinapat ko ang kamay ko sa kanila at agad silang pinalutang nang sa gayon ay sabay-sabay ko na silang mailabas dito.