Chapter 48

1319 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Naiintindihan ko naman si Sina.   Naiintindihan ko ang ginawa niyang desisyon sa pag-aalis ng ilang mahahalagang bagay sa alaala niya dahil nasisiguro kong wala din siyang kasiguraduhan kung mapagkakatiwalaan ba niya ang sinumang papalit sa kanya sa katawang ito.   Kahit sabihing nakita niya ang hinaharap at kung ano ang mga posible kong gawin ay hindi pa din niya basta malalaman kung papasanin ko nga ba ang problemang iiwan niya.   Siguro ay naisip din niya na may chance na talikuran ko ang lahat maging ang pagiging prinsesa niya para mabuhay sa paraang gusto ko.   And she left everything to Kronen who will guide me to get back those memories. And I think he is also the one who will judge if I deserve all the knowledge that they are going to give to me.   Halata naman na sobrang halaga noon, hindi lamang para sa kinabukasan ng kahariang ito kundi maging sa iba pang kaharian.   “Luna?” Napalingon ako kay Saila at doon ko lang naalala na nandito pala ako sa front desk ng guild namin para kumuha ng quest sheet.   Si Alicia ay nasa labas para maghanda ng mga magagamit at makakain namin. Kailangan pa naming magpa-level up ng kaunti bago tumanggap ng mga quest na nangangailangang pumunta sa ibang kaharian.   “A-ano nga uli ang sabi mo?” tanong ko. Hindi ko talaga narinig ang mga sinasabi niya dahil masyado na palang malalim ang inisiip ko.   Hindi kasi talaga ako mapakali matapos ang naging pag-uusap namin ni Kronen lalo pa’t hindi niya agad sinabi sa akin kung ano ba ang dapat kong gawin para makuha ang alaalang inalis ni Sina sa sarili bago siya tuluyang maglaho sa mundong ito.   “Ang sabi ko, kakailanganin ko ang pendant ng guild necklace niyo ni Alice para mai-register ko na sa inyo ang quest na ito.” sabi niya.   “Ah.” Agad ko namang ibinigay sa kanya ang mga pendant namin ay inilagay niya iyon sa ibabaw ng umiilaw na bato.   Nabanggit ko na naman noon na ang pendant ng guild necklace namin ay ang siyang nagsisilbing palatandaan namin bilang kabilang sa Ruwan Rai. Maliban pa doon, ito din ay nagsisilbing identification namin sa tuwing lalabas o papasok kami sa mga kaharian.   Dito din ini-store ang mga point at experience na aming nakukuha sa tuwing may napapatay kaming monster o may natatapos kaming quest.   At ito din ang nagsisilbi naming card upang ma-access ang guild bank kung saan ipapasok ang bawat reward na aming makukuha sa bawat quest na aming magagawa.   And we can use this pendant in every guild’s office na nagkalat sa iba’t-ibang bayan ng bawat kaharian.   Isa pang example nito ay maaari naming i-register ang isang quest sa Diamond Kingdom at ike-claim ang points nito sa Garnet Kingdom o sa kahit na saang guild office na malapit sa lokasyon ng aming quest.   Habang ang umiilaw na bato naman kung saan nila nilalagay ang aming mga pendant ay ang magical technologies nila dito upang i-register sa aming mga pendant ang quest na aming gagamitin.   Dito din naka-store ang mga basic information ng bawat quest at guild member. At ang kagandahan nito kumpara sa technology na mayroon sa Earth, hindi ito maaaring ma-hack ng kahit sino at tanging ang mga front desk na tulad lang ni Saila at ang guildmaster ang may access sa mga ito.   “I already registered you to this quest.” sabi ni Saila nang ibalik niya sa akin ang pendant namin ni Alice. “May isang linggo kayo upang makumpleto ang quest na ito ngunit kapag hindi nyo ito natapos sa ibinigay na araw ay may karapatan kami upang alisin ang pangalan nyo sa quest at ibigay ito sa ibang adventurer.”   Tumangu-tango ako.   “You can also request for back up kung hindi nyo kakayanin ang isang quest pero ang 25% ng rewards na kaakibat nito ay mapupunta sa back up party habang 75% naman sa inyo.” dagdag pa niya.   “Eh?” Iyon ang nakakuha ng atensyon ko. “Hindi fifty-fifty ang hatian kapag nag-request ng back up?”   Umiling siya. “It will only 25% dahil sigurado naman na may preparation nang nagawa ang naunang party para matapos ang quest. Habang ang back up party ay darating nalang doon at ipagpapatuloy ang naumpisahan ng nauna.”   “Oh.” That makes sense. Hindi nga naman patas kung fifty-fifty pa din. Kumbaga c****x na ang aabutan ng back up party.   “At kung aabandonahin mo naman ang naka-register na quest sa iyo sa kahit na anong dahilan at kakailanganin mong magbayad ng dalawa hanggang tatlong big gold coins at five percent experience points.” dagdag pa niya. “Ginawa ang rules na ito nang sa gayon ay hindi basta-basta kukuha ang isang adventurer ng quest.”   Malaking kawalan din ang five percent exp dahil kapag bumababa ang experience points ng isang adventurer ay bumababa din level nito kaya naman sa ganitong sitwasyon ay kailangan talagang pag-isipan munang mabuti ang bawat quest na kukunin.   “May mga pagkakataon din na nagbibigay ng bonus ang mga requestor kapag maagang natatapos ang quest na kanilang ibinigay.” sabi pa niya. “Mayroon din mga quest na kung saan mo ni-register ay doon mo lang din pwedeng i-claim ang reward.”   “Madami-dami pa din palang kailangang pag-aralan pagdating sa mga quest.” sabi ko na tinanguan niya.   “Depende din kasi sa attitude ng mga requestor.” aniya. “Mayroon nga akong na-encounter noon na isang requestor na biglang binabaan ang reward ng isang quest na ibinigay niya sa guild kaya naman nagkagulo ang mga adventurer lalo na’t isang malaking raid ang ginawa nila kaya madami ang miyembro ng party nila.”   “Then, I just hope that I won’t get that kind of quest.” sabi ko.   “Don’t worry.” Ginulo niya ang buhok ko. “Dahil sa insidenteng iyon, sinisiguro ni Guildmaster na kasabay na ibibigay ng mga requestor sa kanilang quest ang mga rewards para maiwasan na iyon.”   “Luna!”   Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Alicia na nasa pintuan na at kinakawayan ako. Tinanguan ko siya at sinenyasan na hintayin nalang ako sa labas.   Agad naman siyang tumango. Binati niya muna si Saila at ang iba pang adventurer na nandito ngayon sa building pagkuwa’y agad nang lumabas.   Bumaling akong muli kay Saila. “Aalis na kami. Salamat sa pag-e-explain ng mga kailangan naming malaman tungkol sa mga quest.”   Ngumiti siya. “Nako, don’t worry about that.” aniya. “Ginagawa ko lang ang trabaho ko.”   Umiling ako. “May manual naman ang guild at nakalagay doon ang lahat, hindi ba? Lalo na ang tungkol sa mga quest. Pero ipinaliwanag mo pa din kahit pwede mo nalang akong abutan noon.”   Napakamot siya ng ulo. “Well, I just think that it will be convenient for you if I will just explain it.”   “Iyan ang ipinagpapasalamat ko.” sabi ko at nginitian siya. “Thank you, Saila.” Alam ko kasing hindi din madali ang trabaho nila bilang receptionist ng isang guild, lalo na nitong Ruwan Rai na isa sa pinakamalaking guild sa iba’t-ibang kaharian. “Anyway, I gotta go. See you soon.” Agad na akong tumakbo palabas.   At nakita ko si Alicia na nakasakay na sa karwaheng aming gagamitin papunta sa location ng una naming gagawin na quest.   Sumakay na din ako doon at hinawakan ang renda ng kabayo dahil hindi na kami nagpasama kahit kanino    .   Unang quest kaya namin ito bilang ganap na adventurer kaya dapat lang na matuto kaming tumayo sa sarili naming mga paa.   “So? Where are we going now?”   Ngumiti ako. “Let’s start our quest at Rocky Village.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD